Nineteen.

327 8 0
                                        


Yuna's PoV

"Yuna Lee?"

"Present!" I said as the trainer called my name.

Nandito kami ngayon sa Pool Studio ng buong swimming club members mula sa iba't ibang year.The ambiance here is so good lalo na't may mga unique na disenyong tanim sa mga gilid.

Halos kasing laki na din ito ng gym namin.

Irene,Catherine and me are only the representative for this club sa section namin, nagulat din ako when I saw Genesis in this club, nag discuss lang ang trainer ng mga basic swimming at nag demonatrate samin before nya kami tawagin at pababain sa pool.

I'm not into swimming, kaya lang ako sumali ay para matuto ng basics dahil kung sakali man diba? Mahilig pa naman sa outing ang family friends namin.

Nagdadalawang isip pa akong bumaba dahil mukang malalim pero inalalayan naman ako ni Coach Vince kaya nakatapak ako sa tiles, it's above my chest kaya nasa gilid lang ako at nakahawak sa aluminium pataas.

I'm wearing a skinny black shorts na parang cycling pero hindi dahil makapal ang tela and a fitted black long sleeves.

"Yuna? Try those actions I demonatrated earlier" pasigaw na sabi ni coach dahil medyo malayo na sya kung nasan ako kaya napalingon halos ang mga trainees sakin.

"Ah h-hehe dito nalang ako Coach" sabi ko pero umiling lang sya at lumapit sakin.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang hilain nya ako papunta sa medyo malalim na surface dahil sa hindi pantay ang pool at sinadyang may malalim na area.

"Coach!" sigaw ko ng akala ko'y bibitawan nya ako but he just laughed.

I think he's in his 20s, he's tall and handsome, he have a good curve and a good body but I can't tell I like him just because of that.

"Calm down Yuna, you can do it" sabi nya kaya umiling iling ako na parang batang nagmamakaawa.

"Coach please, doon nalang muna ako sa gilid, m-mag aaral ako sa bahay ng basics promise basta wag muna ngayon" sabi ko at pinipilit maglakad pabalik sa gilid habang binabawi ang braso ko na hawak nya but he keeps on teasing me! Hindi nya ako binibitawan at tumatawa lang!

"Yuna ano ka ba, you don't have to worry since I'm here" sabi nya,pinipigilanh matawa sa epic kong reaction.

"Coach naman eh, sa gilid muna ako—"

"If she doesn't want there then leave her" natigil kami dahil sa napakalamig na boses ni Genesis.

Napalingon kami sa kanya at nakitang napakalapit nya na samin.

"Yes Mr.Perez?" biglang seryosong saad ni Coach pero di pa din ako binibitawan.

"Ang alam ko, you're being paid by teaching everyone how to swim and not for flirting" nabigla ako sa sinabi nya.Gosh! He's talking to our coach like that?!

"Excuse me, baka mali ang pagkakaintindi mo—" hindi nya pinatapos si Coach at biglang hinablot ang braso ko mula sa kamay nya at tinulak ako papunta sa mababaw.

"I don't care" sabi nya sa coach namin bago umalis at pumunta din sa kabilang gilid.

Okay, what was that?!

Tumayo ako ng maayos at balak ko nang umahon, maya maya pa ay tinapos na ni Coach ang discussion at dinismiss na kami.Iilan nalang kaming natira dito sa pool at halos babae dahil dito na namin balak magbihis.Wala na din dito si Genesis.

I saw Catherine and Irene looking intently at me kaya nag iwas ako ng tingin, ako ang inassign na magsara ng pool dahil vice-pres ako sa club na to since wala si Jeremy, the President.

Magpapahuli na lang ako ng labas at papalabasin muna sila bago ko isara ang pool, so bale iki-click ko lang yung swith dun sa gilid din parang matatakpan ang pool.

Kanina pa ako naghihintay na lumabas sila Cath pero tatlo nalang kami dito, hindi pa din sila lumalabas.
"Cath, isasara ko na ang pool" sabi ko pero pinagtaasan nya lang ako ng isang kilay.

"So?"

"I mean, kailangan nyo nang lumabas" sabi ko pero ngumisi lang sya.

"What if ayoko? May magagawa ka? Diba tapang tapangan ka na? Ano? Itulak moko palabas para intense dali!" tumatawa tawang sabi nya habang seryoso akong nakatingin sa kanya.

"Cath, be mature, kailangan mo pa bang kaladkarin palabas?" sabi ko, nakatingin lang si Irene samin.

"Then kaladkarin mo, sige nga" hamon nya, napalingon ako kay Irene when she mouthed something at me, muka syang balisa at may iniisip na kung ano, halata ko din ang pawis sa noo nya.

"Okay then" sabi ko at hahawakan na sana sya sa braso ng iwakli nya ang kamay ko.

Sinubukan ko ulit syang hawakan pero nagulat ako ng marahas nya akong hilahin papunta sa pool kaya nagpumiglas ako ng todo.

"C-Cath wag nalang nating g-gawin—"

"Shut up! Or ikaw ang lulunurin ko! Punong puno na ako sa babaeng to! Lagi na lang akong pinapangalawa!" sabi nya habang sinusubakang itulak ako.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at halos ilabas ko na ang buong pwersa ko just to stop her but..

I'm catching my breath at sinusubukang lumangoy just to get out of here, nagtagumpay sya sa pagtulak sakin.I can't swim! Natataranta na ako at halos ilabas ko na ang buo kong lakas para lang makalangoy but I can't, ni hindi ko na matapakan ang tiles at pakiramdam ko ano mang oras ay mawawalan na ako ng hininga.

"Cath! Sobra na to! Wag naman sanang umabot sa papatay ka na ng tao!—"

"I don't care! As long as it's Yuna! I'll kill her!" nangilabot ako sa narinig ko.
Nagulat ako ng unti unting lumabas ang sarado ng pool at talagang wala na akong pag asa kung masasarahan ako dito sa tubig.She clicked the switch!!

"Cath! No!" tangi kong narinig bago tuluyang sumara.

Nasa ilalim na ako ngayon ng tubig, pilit na humihinga kahit alam kong wala nang pag asa.Wala na akong ibang magagalawan at ni hangin ay hindi ako makakakuha dahil sa nakaharang sa ulohan ko.

I want to scream for help.

I'm crying.

I'm hopeless.

I draw a picture of dad and mom in my mind, the memories that we treasured pati na din ang mga masasayang araw ko kasama sila Sean, Ate Princess and Urica.

I remember the day when I first saw Genesis, the way he talks to me even though he's cold.

Thank you for letting me meet those persons and share memories with them.

Hindi ko na maramdaman ang katawan ko at naninigas na din ako dahil sa pag ire.

Unti unti kong pinikit ang mga mata ko.

I'm not ready yet, but I don't have a choice..

Kahit sa huling sandali ay pinilit kong lumaban, hinawakan ko ang at pinukpok ang sarado pero there's no use.

Unti unti na akong lumulubog, again I closed my eyes.

Thank you for everything..

*****
To be continued..

She's An AlcantaraWhere stories live. Discover now