CHAPTER 1

390 17 3
                                    

"Welcome to....South Luzon!" Sabay-sabay na masayang sigaw ng magkakaibigan habang nakatingin sa lente ng camera na hawak ni Stephanie na siyang kadalasan niyang ginagamit sa pagba-vlog.

Pasado alas-diyes ng umaga nang dumating sila sa Pantalan kung saan sakay ng Bangkang de-motor ay ihahatid sila sa Isla Puting-Bato. May halos tatlo hanggang limang oras ang tinagal nila sa kanilang paglalayag sakay ang bangka mula Pantalan patungo sa kanilang destinasiyon. Hindi naman alintana sa limang magkakaibigan ang tagal ng biyahe dahil nag e-enjoy sila sa ganda ng tanawin habang naka sakay sa bangka.

"Kuya, may pating po ba here?" Inosenteng tanong ni Janella na naka-upo sa bandang gitna katabi si Scarlet.

"Meron po, hindi naman po mawawala ‘yon lalo na kapag dagat pero doon pa po ‘yon banda. Takot din naman po sa mga tao ‘yung pating," tugon ng bangkero na nasa edad 40’s na sabay turo sa kulay asul na parte ng dagat ilang kilometro mula sa kanilang sinasakyang bangka.

"Pag pasensyahan na po ninyo itong kaibigan namin Kuya, lutang pa po ito e." Natatawang sabat ni Stephanie na nakaupo sa bandang dulo hawak ang kaniyang waterproof camera at katabi si Noel na siyang boy besfriend niya since childhood.

"Ayos lang ‘yon hija. Matanong ko nga pala, ano nga pa lang gagawin ninyo sa Isla Puting Bato?" Pagtataka ng Bangkero.

"May research po kasi akong gagawin and then sinabay na rin po namin ‘yung bonding namin magkakaibigan." Magalang na sagot ni Noel.

"Gano’n ba? Lahat ba kayo ay taga Maynila?" ani Bangkero.

"H-Hindi po, taga Bulacan po ako and ‘yung isa po sa amin ay taga Laguna," sagot ni Janella na hinahangin-hangin pa ang mahaba nitong buhok na tumatama ang hibla sa mukha ni Eugene.

"Ilang araw naman kayo mananatili sa Isla?" muling tanong ng Bangkaro.

"3 to 4 days po kami manantili roon Kuya. May matutuluyan naman po kami dahil nakipag ugnayan po muna kami sa LGU ninyo rito bago kami tumuloy. And ayon nga po, binigyan po kami ng permission na manatili sa Isla Puting-Bato habang isinasagawa ang pananaliksik," tugon ni Noel.

Habang abala sa pakikipag-usap ang apat sa Bangkerong si Ramon, tahimik naman na nakamasid si Scarlet sa ganda ng paligid. Malinis at ang ganda ng dagat na tila ba inaakit ka na lumusong dito at ang malamig na hampas ng hangin ay nanunuot sa balat.

"You okay? Nahihilo ka ba? Oo nga pala, first time mo sumakay ng bangka ‘di ba?" Magkakasunod na tanong ni Janella nang mapansin na kanina pa hindi kumikibo si Scarlet.

"A-Ayos lang ako, may naalala lang siguro ako," anito saka pilit na ngumiti.

"Parang kilala ko na kung sino. Anyway, nandito tayo para mag enjoy hindi para isipin ang mga ex's natin. Kaya smile ka na," ani Janella saka ngumiti.

"Nakiki-natin ka eh NBSB ka, remember?" sarkastikong wika ni Scarlet dahilan upang irapan siya ni Janella na animo'y naiinis sa kaniya."Joke lang ito naman, asar agad." Natatawang wika ni Scarlet.

"Ayan, tumatawa ka na." Nakangising wika ni Janella.

"Hindi mo ba tatalian ‘yung buhok mo Cecelia? Kanina pa ako nakakakain ng buhok e!" Reklamo ni Eugene dahilan upang magtawanan ang magkakaibigan gayon din ang Bangkero na tuwang-tuwa sa lima.

"What did you just call me?" Pagtataray na wika ni Scarlet.

"C-Cecel—" Hindi na nagawang ituloy ni Eugene ang sasabihin nang hampasin siya ng plastic bottle sa ulo ni Scarlet.

"Malapit na tayo," ani Bangkero na siyang nagpatigil sa tawanan at asaran ng limang magkakaibigan.

"Is this Island White Stone?" ani Janella dahilan upang mapatingin sa kaniya ang mga kaibigan niya habang napakamot naman sa ulo ang Bangkero.

"Wow! this place is so beautiful." Manghang wika ni Stephanie habang papalapit nang papalapit ang bangka sa pangpang. Maging ang kaniyang mga kaibigan ay namamangha rin sa ganda ng tanawin.

Makikita ang mga nakadaong na maliit na bangka na ginagamit ng mga mangingisda sa panghuhuli ng isda, ang mga lambat sa gilid, mga banye-banyerang isda na huli kaninang umaga at ang mga batang naglalaro sa paligid.

Nang dumaong na ang bangkang de-motor na siyang sinasakyan nila Stephanie ang lahat ng atensiyon ay napunta sa kanila. May ilang bata pa nga nagtakbuhan sa kani-kanilang mga ama’t ina dahil sa takot sa pag aakalang masasamang tao ang mga dumating na taga Maynila na sina Stephanie.

"Sige kuya, puwede mo na po kaming maiwan dito. Salamat po, see you in next four days po." Nakangiting paalam ni Stephanie sa Bangkero bago inabot ang kulay puting sobre na naglalaman ng pera. Nagtataka naman ang Bangkero na inabot ito.

"P-Para saan po ito?" Kunot-noong tanong ng Bangkero."Nabayaran na po ninyo ako kanina," patuloy pa nito.

"Tip po namin sa iyo. Sige na po, huwag na po kayong mahiya." Pagpupumilit ni Stephanie.

"O sige, salamat ulit. At palagi lang din kayo mag-iingat lalo pa’y dayo lang kayo sa lugar na ‘to," huling bilin ng Bangkero.

"Salamat po," ani Noel.

"O siya ako’y aalis na. Salamat din sa inyo," ani Bangkero at kaagad na rin umalis.

"Welcome to....Isla Puting Bato." Sabay-sabay na mahinang wika ng limang magkakaibigan at saka nagtinginan bago ngumiti sa isa’t isa.

RIVER BOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon