CHAPTER 9

140 11 1
                                    


Maya-maya pa ay nagpasiya na si Gabriel na umuwi na sa kaniyang bahay upang bisitahin din ang dalagang si Stephanie na sa maikling panahon ng kanilang pagkakakilala ay mabilis na napalapit sa kaniya.

Ngunit gayon na lamang ang pag aalala ni Gabriel nang hindi madatnan sa silid ang dalaga. Agad niyang hinalughog ang buong bahay ngunit hindi niya ‘to makita. Halos mataranta na ang binata sa paghahanap sa dalaga nang puntahan siya ng kaibigang si Alvin.

"Ano ang nangyari sa’yo Pre? Bakit parang balisa ka? May problema ba?" Pagtataka ng binata sa kaibigan.

"Si Tiffany, nakita mo ba siya?" agad na tanong ni Gabriel sa kaibigan nito.

Ngunit bago pa man makasagot ang binata ay nakita na ni Gabriel ang dalaga na nakatayo sa may tabing dagat habang hinahangin ang mahabang buhok nito.

Walang pasubalit ay agad niyang tinungo ang kinaroroonan ng dalaga na kahit sa malayo pa lang ay ramdam na niyang malalim ang iniisip nito.

"Akala ko iniwan mo na ‘ko e..." Iyon ang salitang unang lumabas sa bibig ni Gabriel nang makalapit na siya sa dalaga na nakatingi sa malawak at asul na karagatan.

Bahagya naman napangiti ang dalaga bago unti-unting humarap sa binata.

"Bakit? Natatakot ka ba na bigla kitang iwan na wala man lang paalam?" Mahinahon ngunit seryosong wika ng dalaga habang diretsong nakatingin sa mata ng binata na mas lalong nakakaakit sa tuwing natatamaan ng sikat ng araw."Opps! Huwag ka rin kikiligin sa sinabi ko, baka mamaya ma-fall ka sa akin hindi kita kayang saluhin." Natatawang wika ni Stephanie ngunit nananatili lamang seryosong nakatingin sa kaniya ang binata.

"Nakakatawa ‘yon?" seryosong wika ni Gabriel kaya naman natigil sa pag tawa si Stephanie."Alam mo bang pinag alala mo ‘ko? Alam mo bang halos mabaliw ako sa kakahanap sa’yo kanina nang hindi kita madatnan sa silid mo. Alam mo bang takot na takot ako na baka nasundan ka ng mga taong tinakasan mo—" Hindi na naituloy ni Gabriel ang sasabihin nang mapagtanto nito na nagiging masiyadong soft na siya sa harap ng babaeng ngayon lang naman niya nakilala.

"N-Nag alala ka talaga sa akin?" Paglilinaw ni Stephanie.

"Hindi." Mabilis na sagot ni Gabriel na wala man lang ka emo-emosiyon.

"Pero kakasabi mo la-"

"Hello po Ate ganda," sabat ng batang babae na nasa edad walong taong gulang at may hawak na bulaklak ng Santan."May nagpapabigay po sa’yo." Patuloy pa ng batang babae sabay abot ng bulaklak kay Stephanie.

"Hi little girl. Naku sala—" Hindi na naituloy ni Stephanie ang dapat sana ay sasabihin nang agawin ni Gabriel ang bulaklak sa batang babae at itapon ito sa dagat, kaya naman nagulat maging ang batang babae.

"Sige na ineng makakaalis ka na. At pakisabi sa nagbigay na huwag na huwag siyang magpapakita sa akin baka mabali ko buto niya," sarkastikong wika ni Gabriel kaya naman agad na kumaripas ng takbo ang batang babae."Ikaw naman, hindi ka-"

"Masiyado mo naman tinakot ‘yung bata? At saka, anong masama sa pagbibigay sa akin ng bulaklak?" ani Stephanie kaya hindi nagawang ituloy ni Gabriel ang dapat sana’y sasabihin."Sa ginagawa mong ‘yan, nagseselos ka ba?" Patuloy pa ng dalawa kasabay ng malakas na pagtawa.

"At bakit naman ako magseselos? Ano ba kita? Hindi porket ginawa ko 'yon ay nagseselos na ako, nilalayo lang kita sa kapahamakan. Bagong salta ka lang dito, bukod doon ay maganda ka kaya tiyak na maraming mai-insecure sa’yo babae man o lalake," seryosong pagpapaliwanag ni Gabriel sa dalaga.

"I appreciated. Na-appreciate ko ‘yung pagiging concern mo sa akin, salamat." Nakangiting wika ni Stephanie habang sinasayaw ng hangin ang mahaba at makintab nitong buhok."Matanong ko nga pala, matagal ka na sa pagiging fisherman?" Malumanay na wika ng dalaga.

"Magta-tatlong taon pa lang," tugon ni Gabriel at saka tumingin sa bawat hampas ng alon.

"Ah gano’n ba, ilang taon ka nga ulit?" Muling tanong ni Stephanie nang sandaling sinulyapan ang binata na nakatingin sa alon.

"Twenty-six, ikaw ba? At..matagal ka na rin bang vlogger? Nabanggit mo kasi kanina na isa kang vlogger sa Maynila," ani Gabriel.

"Yes, I’m a vlogger. I’m a 22year old vlogger from Manila. Mag i-isang taon pa lang akong vlogger kaya hindi pa gano’n karami ang subscribers ko. Pero ayos lang, trust the process lang." tugon ni Stephanie."Dati, I'm just simple vlogger who vlogs about food and beautiful places here in Philipines. Pero ngayon, I’m now a vlogger who is seeking for justice. Gusto kong mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng mga kaibigan ko." May diin sa bawat salitang binibitawan ni Stephanie, punong-puno ang dalaga ng determinasiyon na mabigyan hustisya ang nangyari sa mga kaibigan niya.

"About your family? Do you still have family?" muling tanong ni Gabriel.

"Wala na. Ako na lang ang bumubuhay sa sarili ko. My tatay pa naman ako pero kasama na niya ang bago niyang pamilya. He’s an AFP General, pero tanging mga kaibigan ko lang ang nakakaalam na anak ako ng isang General, hangga’t maaari kasi ay ayaw ko ‘yon ipaalam kahit na kanino." Pagkukwento ni Stephanie at tulad ni Gabriel ay binaling din niya ang kaniyang tingin sa karagatan.

"I can be your friend too, a shoulder to cry on and a knight who will protect you at all cost. Hangga’t kasama mo ‘ko, I can promise you that you'll be safe. Don’t worry, tutulungan kitang mabigyan ng hustisya ang nangyari sa mga kaibigan mo. Sabihin mo lang sa akin kung paano kita matutulungan," ani Gabriel na punong-puno ng sinseredad.

RIVER BOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon