CHAPTER 3

197 11 1
                                    

"Pag pasensiyahan na lang muna ninyo 'tong pansamantala ninyong tutuluyan mga Hijo at Hija," ani Minerva nang makapasok na sila sa loob ng bahay at mailapag nina Stephanie ang kani-kanilang gamit sa loob ng napiling kwarto."Walang kuryente rito sa Isla, gumagamit lamang kami ng solar power sa gabi upang magkaroon ng ilaw ang bawat tahanan dito. Kung kailangan niyo ng kuryente upang makapag charge ng dala ninyong cellphone, doon pa 'yon sa Bayan ng Santa Monica." Patuloy pa ng ginang.

Sa isang silid magkakasama sila Stephanie, Janella at Scarlet, habang sa kabilang silid naman sina Noel at Eugene.

"Naku! Wala po kayong dapat ipag alala sa amin, Mrs. Santiago. Nagpapasalamat nga po kami dahil meron po kaming matutuluyan sa loob ng tatlo hanggang apat na araw na pananatili namin dito sa Isla." Nakangiting saad ni Stephanie."Isa pa, alam naman po namin 'yung sitwasyon dito kaya nagdala na po kami ng tigta-tatlong power bank. Hindi naman po mabilis ma-lowbat 'yung mga cellphone namin at may dala rin po kaming extra batteries." Patuloy pa ng dalaga.

"Nanay Minvera na lang itawag niyo sa akin, at Tatay Verhel naman dito sa aking asawa. O siya, kukuha lang ako ng makakain ninyo dahil alam kong kanina pa kayo nagugutom," ani Minerva.

"Tama ang Nanay Minerva ninyo, kumain na muna kayo at magpahinga. 'Yung sadya ninyo rito sa aming Isla ay maaari ninyo naman gawin 'yon mamaya o bukas kapag nakapag pahinga na kayo. Sa ngayon ay mag relax na muna kayo," sabat ni Verhel na nakatayo sa may pintuan.

"Maraming salamat po sa mainit ninyong pag tanggap sa amin dito sa inyong Isla," ani Janella.

"Walang ano man 'yon, Hija. O siya, maiwan muna namin kayo maya-maya rin ay ipapahatid ko rito 'yung pagka-"

"Huwag na po kayo mag abala Nanay Minerva, busog pa naman po kami." Pagputol ni Scarlet sa dapat sana ay sasabihin ni Minerva.

"Sigurado ba kayo?" Tila hindi kumbinsidong tanong ni Minerva sa dalaga.

"O-Opo," mabilis na tugon ng dalaga.

"Kung gano'n sige maiwan na namin kayo, basta kung may kailangan kayo tawagin ninyo lang ako. Doon ang bahay namin sa naraan natin kanina, 'yung may puno ng Mangga at Duhat," ani Minerva.

"Sige po, maraming pong salamat ulit Nanay Minerva, Tatay Verhel," ani Noel at tinanguan lamang siya ng matandang lalake bago naunang lumabas ng pintuan kasunod ang kaniyang asawa.

"Anong tingin ninyo sa kanila? Okay naman sila 'di ba?" Biglang wika ni Eugene na kanina pa tahimik at ngayon lang nagsalita. Nakaupo ito sa upuan kahoy na malapit sa may bintana.

"Oo naman. Kung hindi, edi hindi sana nila tayo inasikaso ng ganito 'no," ani Janella na inaayos ang sintas ng kaniyang sapatos.

"Paminsan-minsan, masaya rin pala 'yung malayo sa siyudad. Tulad nito, sariwang hangin. Masarap sa pakiramdam." Nakangiting wika ni Noel habang nilalasap ang malamig na hampas ng hangin.

"Ah gano'n? E kung gusto mo magpa-iwan ka rito, kami na lang babalik sa Manila pagkatapos ng research mo," sarkastikong wika ni Stephanie.

"Ba't muna galit? Tiffany?" Pangbubuyo ni Eugene saka tumayo sa kaniyang kinauupuan."Ano kayang magandang gawin ngayon? Parang hindi naman ako inaantok, kayo ba? Nakakaramdam ba kayo ng antok?" Patuloy pa ni Eugene sabay akbay kay Scarlet.

"Iyong braso mo Eugene tanggalin mo 'yan sa balikat ko kung hindi mawawalan ka talaga ng braso!" Pagsusungit ni Scarlet habang nakataas ang isang kilay.

"Feeling ko pag balik natin sa Manila, may mag jowa na sa ating magkakaibigan." Banat ni Stephanie na nagpipigil ng tawa.

"Sino? Tayo?" seryosong wika ni Noel habang diretsong nakatingin sa direksiyon ni Stephanie dahilan upang panandalian silang mabalot ng katahimikan.

Hindi naman kasi lingid kina Eugene, Janella at Scarlet na may lihim na pag tingin ang kaibigan nilang si Noel sa kaibigan din nilang si Stephanie. Madalas na nila itong napapansin noon pa man, sadyang masiyado lang manhid si Stephanie kaya balewala sa kaniya ang lahat ng effort ni Noel mapansin lang ang nararamdaman niya para sa dalaga.

"Guys 'yung totoo? Nandito ba talaga sa Isla para sa research mo Noel o kaya tayo nandito para magkaroon kayo ng moment sa isa't isa," ani Janella sabay tingin sa apat na kaibigan na tila mga love birds."Kasi kung oo, dapat pala nagbitbit din ako ng jowa ko." Patuloy pa ni Janella na animo'y bata na nagmamaktol.

"Bakit may jowa ka ba? Manliligaw nga wala, jowa pa kaya?" Pang aasar ni Eugene at mabilis na lumipad patungo sa kaniya ang kaliwang bahagi ng suot na sapatos ni Janella, mabuti na lamang at mabilis siyang nakailag.

Samantalang nananatili naman ang eye-to-eye contact nina Noel at Stephanie dahil sa sinabi kanina ng binata, naputol lang 'yon nang bumalik sa wisyo ang dalaga at mapagtanto na nakatitig na pala siya sa mapupungay na mata ng binata.

"Dito ako maghahanap ng jowa, tapos bibitbitin ko pabalik ng Manila." Tila pagmamayabang pa ni Janella nang pulutin niya ang inihagis niyang sapatos kanina dahilan upang mapuno sila ng tawanan.

"Well, good luck na lang sa'yo kung may mahahanap ka rito." Natatawang biro ni Scarlet.

"Huwag mo akong ginaganiyan Cecelia, kapag ako may nahanap talaga who you ka." Buwelta ni Janella.

"Ay! payag ka no'n? Tinawag kang Cecelia ni Janella?" Pang gagatong pa ni Eugene."Aray!" Aring-ing ng binata matapos na pingutin ni Scarlet ang tenga niya."Bakit ba gigil na gigil ka sa akin? Umamin ka nga, crush mo 'ko 'no?" seryosong tanong ni Eugene kay Scarlet kahit pulang-pula na ang kanang tenga nito.

"H-Hindi ah. Assuming ka masiyado, paano ako hindi maiinis sa'yo kung lagi mo 'kong inaasar," ani Scarlet.

"Cecelia ng buhay ko," ani Eugene.

"Ewan ko sa'yo. Bahala ka nga d'yan!" Ngitngit ni Scarlet at nagmamadaling nag walk out. Muntik pang ma-out of balance si Noel na nakatayo sa may pintuan dahil sa pagmamadaling makalabas ni Scarlet.

"Ano ang nangyari do'n?" Kunot-noo na pagtataka ni Noel na animo'y wala siyang alam sa nangyayari sa loob, palibahasa'y nakapako lang ang atensiyon kay Stephanie na nakikipagtawanan sa mga kaibigan.

"Paano itong si Eugene, inaasar kasi," ani Janella na akma pang hahampasin ng hawak na ang binata.

"Loko ka Bro, suyuin mo 'yon." Biro ni Noel sa kaibigan na itinuturing na rin niyang parang kapatid.

"Neknek ninyong dalawa, tabi nga d'yan Noel. Susundan ko lang 'yon si Scarlet baka kung saan 'yon makarating," ani Janella nag mamadaling sinuot ang sapatos at saka lumabas ng pintuan.

"Teka sasama ako!" Habol ni Eugene. Nang madaan niya si Noel ay tinapik lamang niya ang balikat nito.

"Hindi ka ba sasama sa kanila na sundan si Scarlet?" seryoso ngunit mahinahong tanong ni Noel kay Stephanie na nanantiling nakatayo sa loob.

"Malalaki naman na sila, kaya na nila 'yon." Pangisi-ngising wika ni Stephanie saka naupo sa upuan kahoy na kanina ay inuupuan ni Eugene at kinuha ang camera sa bulsa ng sling bag niya.

"You're the only girl who captured not just my heart, but also my soul," mahinang wika ni Noel na sapat lang upang siya ang makarinig habang nakakatitig sa dalagang si Stephanie na abala ngayon sa pagkutingting sa kaniyang Camera.

RIVER BOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon