CHAPTER 18

123 10 2
                                    

"Padangat ta ka," ani Gabriel na ang ibig sabihin sa salitang Bicol ay 'Mahal kita.'

Dahil sa sinabing iyon ng binata ay agad na napatitig sa kaniya ang dalaga. Iba talaga kapag pag ibig na ang tumama sa’yo, hindi alintana ang tagal o ikli ng inyong pagkakakilala upang masabi mo na minamahal mo na ang isang tao. Ilang segundo rin na nakatitig ang dalaga sa nakakaakit na mata ng binata bago ito bumalik sa kaniyang wisyo at nag iwas ng tingin.

"H-Hindi ka pa ba inaantok?" ani Stephanie nang maaalala ang oras at upang ibahin ang usapan.

"Hindi pa, okay lang ba kung magkwentuhan muna tayo? Tell me about yourself more at gano'n din ako sa’yo," ani Gabriel saka ngumiti sa dalaga.

"S-Sure. Ano pa ba ‘yung gusto mo malaman tungkol sa akin?" ani Stephanie.

"Sandali, patayin ko muna ‘tong TV ang ingay eh salita nang salita hindi naman kinakausap." Biro ni Gabriel kaya naman bahagyang napangisi ang dalaga. Tumayo na ang binata mula sa mono-bloc na kinauupuan upang i-unplug ang TV pagkatapos ay bumalik na ito sa tabi ng dalaga."Gusto ko malaman 'yung mga hilig mo, about your family background at mga ayaw mo," ani Gabriel.

"Okay. Should I start?" ani Stephanie agad naman tumango ang binata."About sa mga hilig ko, did I already told you noong nasa plaza tayo? I love Sunflowers. Yes, I really love sunflowers. Everytime na nakakakita ako ng sunflower, gumagaan ‘yung pakiramdam ko. I’m also a fan of K-Pop Groups such as Girls’ Generation, aespa and Red Velvet, na-impluwensiyahan ako ng kaibigan kong si Janella na isang writer. I’m a pet lover too, hilig ko na mag rescue ng mga aso't pusa o kahit anong hayop na need ng help. Kaya nga, lagi sinasabi ng mga kaibigan ko na sana raw nag trabaho na lang ako sa Animal Welfare." Pagku-kwento ng dalaga habang tahimik at seryosong nakikinig si Gabriel.

"Tatandaan ko lahat ng ‘yan, para kapag kinasal tayo i-imbitahan ko lahat ng members ng favorite k-pop group mo. Tapos bouquet of sunflower ang hawak mo habang naglalakad ka patungong altar kung saan nakatayo ako roon at hinihintay ka," ani Gabriel na ikina-kunot noo ni Stephanie.

"K-Kasal?" Labis na pagtataka ng dalaga sa tinuran ng binata.

"Oo, handa akong pakasalan ka sa kahit saang simbahan Tiffany. Dahil wala na akong gusto pang makasama hanggang dulo kundi ikaw lang, sobrang sigurado na ako sa'yo at sa nararamdaman ko," ani Gabriel na punong puno ng sinseredad dahilan upang bumilis ang tibok ng puso ni Stephanie.

"G-Gabriel..."

"But don’t worry, hindi naman kita mamadaliin. I’m willing to wait kahit gaano pa katagal ‘yan, pero ‘tong nararamdaman ko sa’yo? Hindi na ‘to magbabago kailan man. I love to marry you when the right time comes," ani Gabriel."Okay, proceed na tayo sa pagku-kwento mo. I love to listen."

"Ano ba ‘yung next question mo? Sorry, nakalimutan ko." Natatawang wika ni Stephanie na napakamot pa sa kaniyang noo.

"About your family," ani Gabriel na sandaling kinatahimik ni Stephanie. Hangga't maaari kasi ay ayaw na ayaw niya na pinag uusapan ang tungkol sa family background niya."Pero ayos lang kung hindi mo—"

"Nag iisa akong anak ng Daddy at Mommy ko. My mom died when I was 2years old, at simula noon ay sa Lola Andrea ko na ako lumaki at nagka-isip. May mataas na katungkulan si Dad sa AFP kaya naman palagi siyang walang oras para sa akin. I still remember noong nagkaroon ng foundation day sa school namin when I was in Elementary kung saan isasama namin ang parents namin dahil para na siyang family day. 2days bago ang foundation day, I talked to my Dad para pumunta siya since day off naman niya ng araw na 'yon. Akala ko pupunta siya, pero pinaasa lang ako ni Dad. I was 11year old noong may ipakilala sa akin si Daddy, sabi niya girlfriend daw niya then two years later, nagpakasal silang dalawa at nagkaroon ng anak. Since then, mas lalo nang lumayo sa akin si Dad. Hindi ko na siya nakakausap tulad ng dati dahil mas naging focus na siya sa bago niyang pamilya." Pagku-kwento ni Stephanie habang namumuo ang luha sa gilid ng kaniyang mata. Tumingala pa ito upang hindi tumuloy sa pagpatak ang kaniyang luha hanggang sa maramdaman niya ang paghawak ni Gabriel sa kaniyang kamay.

"That’s okay, umiyak ka kung kinakailangan. Makakatulong ‘yan upang gumaan ang kalooban mo. Huwag mong pigilan ang pag patak ng luha mo, mas lalong bibigat ang pakiramdam mo." Malumanay na wika ni Gabriel habang hawak ang kamay ng dalaga at pinipisil-pisil ito.

"S-Salamat." Nakayukong wika ni Stephanie kaya naman hinawakan siya sa baba ni Gabriel at dahan-dahan inangat ito upang magtama ang kanilang mga mata.

"Hangga't maaari sana ayaw kong nakikitang nalulungkot ka. Dahil maniwala ka man o sa hindi, parang kinukurot ang puso ko sa tuwing nakikita kitang malungkot," sinserong saad ni Gabriel at saka pinunasan ang luha sa pisngi ng dalaga gamit ang hinlalaki niya.

"Thank you Gab. Thank you for being my sunflower who always brighten up my day," ani Stephanie na hindi pa rin naaalis ang lungkot sa mata nito.

"Always and forever yours," ani Gabriel at saka hinalikan sa noo ang dalaga dahilan upang tila tumigil ang mundo nito. Natulala na lamang si Stephanie dahil sa ginawang paghalik ni Gabriel sa kaniyang noo habang pabilis nang pabilis ang tibok ng kaniyang puso."Huwag ka na malungkot okay? Ayaw kong nakikitang nalulungkot ka. Huwag ka mag alala, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang matulungan ka na mahanap ang mga kaibigan mo at mabigyan ng hustisya ang pagkawala nila." Pagpapatuloy ng binata.

"Thank you so much Gabriel." Nakangiting wika ni Stephanie.

"Wala akong hindi kayang gawin basta para sa’yo. Mahal kita, Stephanie Louise Dollente. Mahal na mahal kita," ani Gabriel.

"Mahal din kita," ani Stephanie at saka yumakap sa binata.

——

Kinabukasan, alas-otso na ng umaga nang magising ang dalagang si Stephanie sa silid ni Gabriel. Agad niyang kinusot-kusot kaniyang mata at nag unat ngunit sandaling natigilan at napabalikwas nang makita ang tatlong fresh sunflower na nakalagay sa babasagin na clear base sa ibabaw ng mini cabinet malapit sa bintana kung saan ito nasisinagan ng araw.

"Wow!" Manghang wika ni Stephanie at awtomatikong gumuhit ang matamis na ngiti sa kaniyang labi. Naningkit ang mata ng dalaga nang mapansin ang tila sticky note na kulay dilaw sa kataw ng clear base. Agad siyang bumaba ng higaan at tinungo ito upang basahin ang nakasaad.

'Good morning mahal ko. Rise and shine. Sunflowers for you, my love. I love you always. Huwag ka na sanang malungkot.

— Gab'

Dahil sa handwritten message mula sa binata ay awtomatikong gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ng dalaga habang ang puso niya ay walang tigil sa mabilis na pagtibok.

"Nagustuhan mo ba?" ani Gabriel na kanina pa minamasdan ang dalaga habang nakatayo sa pintuan.

"G-Gabriel? Ba’t ba nanggugulat ka?" ani Stephanie na napaindag sa biglaan pagsasalita ng binata.

"Sorry, medyo sad’ya." Natatawang wika ng binata bago lumapit sa dalaga."Ano? Nagustuhan mo ba?" Muli nitong tanong sa dalaga.

"Oo naman. Thank you so much Gab, you really made me happy." Masayang wika ng dalaga at agad na yumakap sa binata dahil sa nag uumapaw na kaligayahan.

Nakangiti naman na niyakap pabalik ni Gabriel ang dalaga habang hinahaplos ang buhok nito.

"Seeing you happy makes me feel happy too," ani Gabriel bago kumalas sa pagkakayakap sa dalaga upang hawakan ang magkabilang pisngi nito."I love you."

"I love you too."

RIVER BOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon