CHAPTER 13

104 10 1
                                    

"Scarlet is right. Hindi tayo makakapag isip ng maayos sa kung paano natin mahahanap Tiffany if wala tayong maayos na pahinga o stress tayo." Mahinahong pag sang-ayon ni Eugene sa dalaga na ngayon ay naka-cross arm."Bakit kasi hindi na lang natin ipaubaya kay Tito Simon ang paghahanap kay Tiffany?" Patuloy pa nito.

"Hindi natin puwede basta na lang iasa sa Daddy ni Tiffany ang paghahanap sa kaniya. Kailangan din natin kumilos, dahil tayo ang nag dala sa kaniya sa lugar na ‘yon," giit ni Noel na isa-isang tinitigan ang tatlong kaibigan na hindi sa kaniya makatingin nang diretso.

"Look! ang dami nang naghahanap kay Tiffany sa YouTube channel niya," ani Janella hawak ang kaniyang cellphone at tinitignan ang mga comments ng subscribers ni Stephanie sa YouTube Channel nitong—StayHappyStayFanny.

Halos lahat ay nagtataka kung bakit halos magda-dalawang araw ng walang kahit anong upload na video ang dalaga sa YT Channel nito gayong sobrang active nito as vlogger. At hindi lilipas ang isang araw na wala itong ina-upload na video s kaniyang YouTube Channel.

"It’s almost been 2days, no wonder kung bakit marami nang naghahanap kay Tiffany. Especially her stars," ani Scarlet.

"Alam mo ang YouTube Account ni Tiffany, ‘di ba?" Baling ni Noel kay Janella agad naman ‘tong tumango."Mag upload ka ng video using her YouTube Account. Any video huag lang nila mahahalata na nawawala si Tiffany. Hindi puwedeng may ibang makaalam bukod sa atin dahil baka mas lalo tayong mahirapan na hanapin siya." Pagpapatuloy ng binata.

"Hindi kaya makahalata sila?" Pag aalinlangan ni Janella."And another thing is, hindi ba mas mapapadali sa atin ang paghahanap kay Tiffany kung gagamitin natin ang YouTube Channel niya upang hanapin siya? What do you think?" Patuloy pa ng dalaga.

"Kung puwede lang edi sana kahapon pa natin ginawa. Pero dahil nga sa may pinangako tayo kay Tatay Verhel, kailangan natin tuparin ‘yon. Hindi natin alam kung na saan ngayon si Tiffany, kung hawak ba siya ng mga dumukot sa atin sa Isla. Paano kung oo at malaman nilang hindi tayo tumupad sa usapan, baka patayin nila si Tiffany at hindi ko gugustuhing mangyari iyon," pagpapaliwanag ni Noel.

"I hope she’s okay whenever she is right now. I miss her so much," malungkot na wika ni Scarlet.

"Sino bang hindi? Lahat tayo ay namimiss na ang bunso sa ating magkakaibigan," ani Eugene."Lalo na ‘yung isa d’yan." Patuloy pa nito sabay tingin kay Noel na nakatulala at nakalagay ang kamay sa baba nito na animo'y sobrang lalim ang iniisip.

——

"Bagay sa’yo." Nakangiting wika ni Stephanie nang itapat kay Gabriel ang kulay itim na T-shirt.

Nasa Bayan sila ngayong dalawa upang igala ang dalaga at mamili ng ilang pangangailangan nito habang nasa kaniyang puder. May ilang damit na napamili si Gabriel sa dalaga tulad ng dress, jogging pants, blouse at shorts.

"Hindi ko hilig ang color black," seryosong wika ni Gabriel bago sinamaan ng tingin ang dalaga.

"Wala naman akong sinabing favorite color mo ay black, ang sabi ko lang bagay sa‘yo. Ang sungit nito masiyado, daig mo pa may buwanang dalaw e." Salubong ang kilay na wika ni Stephanie at saka binalik mula sa lagayan ang damit na hinawakan niya kanina.

"Bakit mo binalik?" Kunot-noo na saad ni Gabriel.

"At bakit hindi? E sabi mo—"

"Miss magkano ‘yung T-shirt na ‘to?" Tanong ni Gabriel sa tindera, kaya naman hindi na nakakibo pa si Stephanie.

"380 po ‘yan," ani Tindera na nasa edad 30’s pa lang.

"Sige, kunin ko. May fitting room ba kayo rito? Para susuotin ko rin agad, bagay daw kasi sa akin sabi ng kasama ko," ani Gabriel na hindi man lang ngumingiti dahilan upang umawang ang labi ni Stephanie.

"Meron po, naroon po," ani Tindera sabay turo sa bandang kanan kung saan tila may isang maliit na silid na natatakpan ng kulay asul na kurtinan.

"Okay sige salamat," ani Gabriel at saka sandaling tumingin sa dalagang si Stephanie bago ‘to nginitian at nagtungo na sa fitting room.

Halos hindi na makapagsalita si Stephanie dahilan naguguluhan din siya sa nararamdaman niya, bakit sobrang bilis naman yata nang tibok ng puso niya eh nginitian lang naman siya ni Gabriel. Sa dinami-rami ng lalakeng ngumingiti sa kaniya sa araw-araw, kay Gabriel lang bumilis ang tibok ng puso niya. Nahihibang na yata siya.

Dahil sa naglalakbay ang utak ng dalaga, hindi na niya namalayan na natapos na pala si Gabriel sa pagbibihis at ngayon ay nakatayo na sa kaniyang harapan.

"Naku sir, tama po ‘yung girlfriend ninyo bagay na bagay po sa inyo," ani tindera at totoo naman ‘yon, mas lalong gumwapo si Gabriel sa suot niyang black T-shirt lalo na at bagong gupit din ito."Ma’am, ang galing niyo po mamili ng bagay na damit sa boyfriend ninyo," baling naman ng tindera kay Stephanie na nanatiling nakatulala kay Gabriel.

"P-Po?" ani Stephanie nang bumalik na ang wisyo nito at umiling-iling saka nag iwas nang tingin sa binata.

"Okay ba?" Nakangiting tanong ni Gabriel sa dalaga.

"A-Ang guwapo mo," mahinang wika ni Stephanie sa pag aakalang siya lang ang nakarinig nito ngunit...

"Dahil galing sa’yo, tatanggapin ko. Salamat." Nakangiting wika ni Gabriel bago kinindatan ang dalaga dahilan upang mas lalong bumilis ang tibok ng puso ng dalaga.

Nang mabayaran ang biniling damit ay kaagad na rin umalis ang dalawa at naglakad-lakad sa plaza na malapit lang sa Simbahan at pamilihan.

"Nagugutom ka na ba?" Malambing na tanong ni Gabriel habang sabay silang naglalakad at naghahanap ng mauupuan.

"Hindi pa naman. Busog pa ako sa kinain nating Siomai with rice kanina." Nakangiting wika ni Stephanie.

"Nag enjoy ka naman ba?" ani Gabriel nang maupo na sila sa isang bench malapit sa puno ng Mangga.

"Oo naman, first time kong gumala na hindi ang mga kaibigan ko ang kasama ko. Nasanay kasi ako na palaging sila ang kasama ko sa lahat ng lugar na pinupuntahan ko. But this time, ikaw ang kasama ko. And hindi ko naman maipagkakaila na nag enjoy ko. Thank you for bringing me here, Gab." Nakangiting wika ni Stephanie habang sinasayaw ng hangin ang kaniyang mahabang buhok.

"I love to be with you everyday, sana hindi ka na umalis," ani Gabriel na punong-puno ng sinseredad dahilan upang mapatitig sa kaniya ang dalaga na muling bumibilis ang tibok ng puso.

RIVER BOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon