"O ano ang balita? Naabutan mo ba si Noel? Ano ang sabi niya? Nagkausap naman ba kayo?" Magkakasunod na tanong ni Janella sa kapapasok lang sa silid na si Stephanie.
"Oo nagkausap naman kami." Matamlay na tugon ni Stephanie.
"What’s with that face? Mukhang hindi maayos ang pag uusap ninyo ah," ani Eugene na nakasandal sa saradong pintuan.
"Hindi ko gustong saktan si Noel, hindi ko intensiyon na maramdaman niya ‘to. Pero kasi, hanggang kaibigan lang talaga ang pagmamahal na kaya kong ibigay sa kaniya," ani Stephanie.
"Well sabi nga nila, hindi porket na lagi nand'yan sa tabi mo ang isang tao ay ikaw na ang pipiliin niya sa huli. Sana maintindihan ‘yon ni Noel," ani Scarlet.
"So may posibilidad na hindi mo rin ako piliin kung manliligaw ako sa’yo kahit na matagal na tayong magkakilala at palagi akong nasa tabi mo sa lungkot at saya?" tanong ni Eugene kay Scarlet na agad naman ikinakunot noo ng dalaga.
"Ano’ng pinagsasabi mo d’yan? Lumabas ka na nga lang muna, girl’s talk muna kami," sarkastikong wika ni Scarlet dahilan upang impit na matawa si Janella.
"Seryoso ako sa tanong ko Scarlet—"
"Hindi." Mabilis na tugon ni Scarlet.
"A-Ano’ng hindi?" Pagtataka ni Eugene.
"Hindi ka nagkakamali. Kaya please, sige na lumabas ka muna." Pagtatabuyan ni Scarlet habang tinutulak si Eugene palabas ng pintuan.
"Kiss muna." Nakangusong wika ni Eugene.
"Kiss sa pader gusto mo? Umayos ka nga Eugene, hindi ka nakakatuwa." Inis na wika ni Scarlet.
"Okay ito na aalis na, huwag ka na magalit Cecelia ng buhay ko." Nakangising wika ni Eugene bago tuluyan lumabas ng silid."Uwi muna ako sa condo, baka need din ng kausap ni Noel. Call me na lang if magpapasundo na kayo ni Janella, I love you Cecelia ko." Pahabol nito bago tuluyan umalis.
"Nag ba-blush ka, aminin mo kinikilig ka ‘no? Bakit kasi hindi mo pa aminin kay Eugene na may crush ka sa kaniya ever since you met him at the Bar years ago," ani Janella.
"I agree with Janella, tell him about your feelings before it’s too late. Mahirap magsisi sa huli," pag sang-ayon ni Stephanie.
"Wow sis parang may hugot ka d’yan ah. Anyways, kwentuhan mo naman kami about sa nangyari sa’yo sa loob ng ilang araw na pagkawala mo," ani Scarlet na sumampa sa kama at nag indian sit.
"Oo nga, gusto namin malaman kung okay lang sa’yo? And gusto rin naman malaman 'yung tungkol sa napangasawa mo. Who is he? Anong trabaho niya? And kailan kayo ikinasal?" Magkakasunod na tanong ni Janella."Pero alam mo sa totoo lang, medyo nagtatampo kami ni Scarlet. Kasi ‘di ba? We promised na kapag isa sa ating tatlo ikinisal dapat kami o tayo ang magiging bridesmaid," malungkot na wika ni Janella dahilan upang mapangisi si Stephanie kahit papano ay namiss din niya ang pag lalambing ng kaniyang mga kaibigan.
"Sa west lang kami ikinasal ni Gabriel, don’t worry kapag okay na ang lahat magpapakasal ulit kami sa simbahan. Dahil ‘yon naman talaga ang isa sa pangarap ko, ang maikasal sa simbahan," ani Stephanie.
"Oh! So, Gabriel pala ang name ng husband mo. Ano naman ikinabubuhay niya? I mean, is he a businessman?" ani Scarlet at kaagad umiling si Stephanie."Then what? Don’t tell me umaasa pa sa magulang niya ang napangasawa mo, Tiffany." Patuloy ni Scarlet habang nakataas ang isang kilay.
"No, hindi na siya umaasa pa sa magulang niya. Sa katunayan, may sarili na siyang bahay at kumikita siya ng pera sa sarili niyang pagsusumikap. He’s a fisherman," ani Stephanie dahilan upang mapaawang ang bibig ng kaniyang dalawang kaibigan.
"W-Wait. Pakiulit nga ang sinabi mo, he’s a?" Paglilinaw ni Janella.
"A fisherman," ani Stephanie.
"Are you insane or what?" ani Scarlet na hindi makapaniwala. Knowing Stephanie Louise Dollente for so kong, kilala nila itong may mataas na standard pag dating sa manliligaw at lalakeng magiging kabiyak nito. Natatandaan pa nga ng dalaga ang sinabi ng kaibigan sa isang vlog nito na ang gusto niyang mapangasawa someday ay isang lalake ay isang Pilot o kaya naman ay Engineer.
"I’m crazy. Crazy inlove with him." Nakangiting wika ni Stephanie habang pinagmamasdan ang kanilang wedding ring.
"No, you’re insane Stephanie. Akala ko ba isang Engineer o Piloto ang gusto mong mapangasawa someday? But then you are, ended up marrying a fisherman, seriously?" ani Janella na halos hindi pa rin makapaniwala.
"I’m serious and what’s wrong with that? He loves me as much I as love him so?" ani Stephanie."Yes, sinabi ko nga noon na ideal man ko ay isang Piloto at Engineer, pero nagbago ‘yon when I met him. He’s not my ideal type pero siya ‘yung nagparamdam sa akin ng totoong pagmamahal. Noong una, indenial pa ako sa nararamdaman ko towards him, pero iba ‘yung saya at sigla na nararamdaman ko whenever he’s around." Pagpapatuloy pa ni Stephanie.
"Confirm. You’re crazy inlove with him nga. Well, congrats sis. I’m so happy for you. Pero alam na ba niya na nandito ka na sa Maynila? Nakapag paalam ka ba ng maayos sa kaniya?" ani Scarlet dahilan upang maglaho ang ngiti sa labi ni Stephanie.
"H-Hindi niya alam. Nang pasukin ako sa bahay namin kaninang madaling araw at sapilitan kunin ng dalawang lalake na utos ni Daddy—kaaalis lang ni Gabriel upang mangisda. Kaya for sure, sa mga oras na 'to ay nag aalala na siya sa akin," ani Stephanie.
"Then call him, may cellphone number ka naman siguro niya," ani Janella.
"He doesn’t use smartphone nor gadgets. He also doesn’t have any social media accounts," ani Stephanie.
"Is he from 1800 or 1900?" sarkastikong wika ni Scarlet."If wala siyang cellphone o wala siyang social media accounts, paano niya malalaman na ligtas ka naman at ang dumukot sa’yo kanina ay mga tauhan naman ni Tito Simon sa AFP." Pagpapatuloy ng dalaga.
"Can I use your phone? May naisip na ako kung paano," ani Stephanie.
——
"Sabi ko na nga ba, umuwi ka rito para lunurin ang sarili mo sa alak. Do you think that's a good idea Bro?" sarkastikong bungad na tanong ni Eugene sa kaibigang si Noel nang maabutan itong nakaupo sa sofa habang may hawak-hawak na bote ng beer at may tatlo pang bote sa ilapag na wala ng laman.
"Mahal ko si Stephanie. Mahal na mahal ko siya kaya ang sakit. Sobrang sakit na malaman na ‘yung babaeng pinakamamahal mo ay may minamahal ng iba, at alam mo kung ano ‘yung pinakamasakit? ‘Yung malaman mo na kasal na sila." Lasing na wika ni Noel dahil medyo marami na itong nainom.
"Akin na nga ‘yan, nakakarami ka na oh!" ani Eugene sabay hablot sa hawak na bote ni Noel na may kunti pang laman.
"Saan ba ang nagkulang? Ako ‘yung lagi nand'yan para sa kaniya. Ako ‘ung kasama niya sa lungkot at saya. Ako ‘yung taga punas ng luha niya sa tuwing umiiyak siya. Karamay niya ako sa lahat-lahat mula pa noon hanggang ngayon. Pero bakit gano’n? Bakit hindi pa rin ako ang pinili niya?" Naiiyak na tanong ni Noel at saka isinandal ang likod sa sofa at mariing pumikit.
"Alam mo kung bakit ka nasasaktan ng sobra? Kasi masiyado mong pinaasa ang sarili mo na dahil lagi ka nasa tabi niya sa lahat ng pagkakataon ay ikaw na ang pipiliin niya sa huli. Mali ‘yon, dahil hindi natin puwede gawing assurance na napapasaya natin lagi ‘yung isang tao sa tuwing may problema sila para masabi natin na pipiliin nila tayo." Malumanay na payo ni Eugene sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
RIVER BOAT
RomanceDESCRIPTION: Masayahin, makulit, supportive at malambing. Ganiyan kung ilarawan ng kaniyang mga kaibigan ang dalawangpu't dalawang taong gulang (22year old) vlogger na si Stephanie Louise Dollente. Wala pang isang taon bilang isang vlogger ang dalag...