"OMG Sis, soon to be mommy ka na. I can wait to see the little version of yourself." Tuwang tuwa na wika ni Janella na kulang na lang hampasin si Stephanie dahil sa sobrang tuwa niya.
Samantala, nananatili naman tahimik si Stephanie habang nakahiga sa Hospital bed. Nakaalis na rin ang OBGYN matapos na makausap si Stephanie at bilinan kung ano ang dapat at hindi dapat niya gawin since it’s her first pregnancy.
"You looked sad Sis, hindi ka ba masaya na magiging mommy ka na?" May pag aalalang tanong ni Scarlet sabay subo ng piraso nang binalatan na orange.
"Masaya naman ako, pero kasi...Naaawa ako sa magiging anak ko. Dahil lalaki siya na hindi kumpleto ang kaniyang pamilya." Nanggigilid ang luha na wika ni Stephanie.
"Bakit hindi mo kausapin si Gabriel? He deserves to know na magkakaanak na kayong dalawa." Suhestiyon ni Janella.
"Hindi na kailangan, mas mabuting hindi na lang niya malaman. Ayaw ko nang guluhin pa ang buhay niya kasama ng ipinalit niya sa akin. Mas makabubuting hindi niya malaman na nagbunga ang pagmamahalan namin noon. Palalakihin ko na lang ang anak ko ng mag-isa, ngunit busog sa pagmamahal," ani Stephanie.
"If that’s your decision, wala kaming magagawa kundi suportahan ka na lang. Pero sana, hindi pa huli ang lahat para magkaayos kayong dalawa," ani Scarlet.
"Louise, anak.." Sabay na napalingon ang tatlo mula sa lalakeng nagsalita na kapapasok lang sa pintuan—si General Dollente.
"O, nandito na pala si Tito. Tiffany, labas muna kami ni Janella okay? Para makapag usap kayong dalawa," ani Scarlet at agad nang hinili si Janella palabas ng silid.
Nang makaalis na ang dalawa ay kaagad nang lumpait si General Dollente sa anak nito na nakatingin sa malayo.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Malumanay na tanong ni Simon sa anak.
"Ano ang ginagawa mo rito?" Mapaklang tanong ni Stephanie sa ama.
"Louise, patawarin mo sana ako sa lahat. Patawarin mo ‘ko kung hindi ako naging mabuting ama sa’yo," sinserong saad ni Simon dahilan upang unti unting tumulo ang luha Stephanie na agad din naman niyang pinunasan.
"Umalis na kayo, gusto ko mapag-isa ngayon—"
"Nakausap ko ang Doctor na tumingin sa’yo, nalaman ko na magkaka-apo na pala ako." Nakangiting wika ng ama."Alam na ba ni Gabriel na magkakaanak na kayong dalawa? Ano nga pa lang balita sa pagpunta mo sa kaniya? Nagkausap naman ba kayo ng maayos?" Magkakasunod na tanong ni Simon sa malumanay na tono ng boses.
"Tinapos na ni Gabriel at kahit anong namamagitan sa amin," ani Stephanie habang tumutulo ang luha nito.
"A-Ano?" Halos hindi makapaniwalang wika ni Simon na ngayon ay binabalot ng matinding konsensiya.
"Masaya ka na ba ngayon? Nagtagumpay ka. Iniwan na kami ng magiging apo mo ng kaniyang ama. Siguro naman ngayon, titigil ka na sa panggugulo sa buhay ko," sarkastikong wika ni Stephanie at saka mapaklang ngumiti sa ama.
"Louise...Patawarin mo ‘ko. Patawarin mo ‘ko sa lahat nang nagawa kong pagkakamali sa‘yo. Kung gusto mo, ako mismo ang makikipag usap kay Gabriel para maayos pa ang—"
"Hindi na kailangan. Alam mo kung anong gusto kong gawin mo? Ang umalis ngayon sa harapan ko," seryosong wika ni Stephanie.
"K-Kung iyan ang gusto mo sige, gagawin ko. Pero Louise, gusto ko ulit humingi ng kapatawaran anak. At pinapangako kong gagawin ko ang lahat upang ituwid ang pagkakamali kong iyon," ani Simon bago lumabas ng silid ng anak.
——
Kinabukasan...
"Janella, puwede ba kita makausap?" ani Noel na inaabangan talaga ang paglabas ng kaibigan mula sa kwarto nito.
BINABASA MO ANG
RIVER BOAT
RomanceDESCRIPTION: Masayahin, makulit, supportive at malambing. Ganiyan kung ilarawan ng kaniyang mga kaibigan ang dalawangpu't dalawang taong gulang (22year old) vlogger na si Stephanie Louise Dollente. Wala pang isang taon bilang isang vlogger ang dalag...