CHAPTER 27

113 7 0
                                    

"Anong sabi mo Janella? Nagpunta si Stephanie sa Islang Puting Bato?" Pagkabigla ni Eugene nang magkita-kita silang apat sa café na malapit sa condo unit.

"Iyon ang sinabi sa amin ni Tiffany last night nang matanggap niya 'yung message galing sa kaibigan ni Gabriel. Hindi naman namin alam na talagang pupunta siya roon," nag aalalang saad ni Janella.

"Sinabi ko na kay Tito Simon na may posibilidad na sa Islang Puting Bato nga nagtungo si Stephanie," ani Noel.

"A-Ano ang sabi ni Tito? Will he help us para sundan si Tiffany sa kampo ng mga rebelde?" ani Scarlet.

Sasagot pa sana si Noel nang mag ring ang cellphone niya nasa kaniyang bulsa kaya dali-dali niya ‘tong kinuha.

"Si Tito Simon tumatawag," ani Noel.

"Go, answer him." Utos ni Janella na agad naman ginawa ni Noel.

"Nasaan ka?" ani Gen. Dollente nang sagutin ni Noel ang kaniyang tawag.

"Nandito po ako sa Fresh Café—na malapit sa condo unit," tugon ni Noel habang nakatingin sa kaniya ang tatlo niyang kaibigan na nag aabang ng mga susunod pa nitong sasabihin.

"Okay. Ipapasundo kita kay Yuan para dalhin ka rito sa Fort Bonifacio, pupunta tayo ngayon sa Isla Puting Bato," saad ni Gen. Dollente na tinanguan na si Yuan upang agad nang umalis at masundo si Noel.

"Okay po Tito, hintayin ko na lang siya rito," ani Noel bago naputol ang tawag.

"What did he say? Sino ang hihintayin mo?" Kunot-noo na tanong ni Scarlet.

"Si Yuan. Pupunta kami ngayon sa Isla Puting Bato upang kunin doon si Stephanie," ani Noel.

"B-Bakit ikaw lang? Hindi ba kami puwede sumama? We want to help too," ani Janella.

"Hindi rin ba ako puwede sumama?" ani Eugene.

"Mas makakabuti kung maiiwan na lang kayong tatlo, kaya na namin ‘to ni Tito Simon," ani Noel.

"Okay, hindi na ako makikipag argue pa. Basta make sure na ligtas kayong makakabalik dito sa Maynila," mahinahong wika ni Scarlet.

"Don’t worry."

——

"G-Gabriel.." Awang-awa na wika ni Stephanie nang makita ang kalagayan ng asawa. Nakagapos ang magkabilang braso nito paitaas habang nakaluhod sa lupa na may bakas pa ng dugo ng binata dahil sa ginawang pagpapahirap dito."Anong ginawa nila sa’yo?" Naluluhang wika ni Stephanie nang iangat ang ulo ng binata na halos hindi na makadilat.

"T-Tiffany...Ikaw ba ‘yan?" Nanghihinang wika ni Gabriel na pilit idinidilat ang mata ngunit hindi niya kaya.

"Oo Gab ako ‘to, ang asawa mo.." At tuluyan nang pumatak ang luha ni Stephanie sa kaniyang pisngi habang hawak niya ang magkabilang pisngi ng asawa na puro dugo na.

"Umalis ka na. Hindi ka dapat nandito, mapapahamak ka lang Tiffany.." Nanghihinang wika ni Gabriel.

"No..I won’t leave you alone. Aalis ako rito ng kasama ka Gabriel. Itatakas kita, huwag ka mag alala. Gagawa ako ng paraan upang makaalis tayong dalawa rito," ani Stephanie na agad nang kumilos upang kalagan ang pagkakatali sa kamay ng binata.

Nang dumating kanina sa isla si Stephanie sakay ng Bangkang de-motor ay kaagad siyang dinala ni Gregor sa barong-barong kung saan nila ikinulong si Gabriel. Habang nasa loob ang dalaga ay may dalawang lalake naman na armado ng baril na nagbabantay sa labas ng pintuan, samantalang agad nang ipinagbigay alam ni Gregor kay Commander Rodolfo na dumating na ang kaniyang hinihintay.

"Iligtas mo ang sarili mo mahal ko, huwag mo na akong alalahanin pa. Masaya ako na muli tayong nagkita bago ako tuluyang malagutan ng hininga—"

"Stop talking nonsene Gab! Hindi ka pa mamamatay okay? Hindi mo 'ko iiwan kaya please lumaban ka kasama ako. Nakikiusap ako sa'yo Gabriel." Umiiyak na wika ni Stephanie nang matapos na niyang kalagan ng tali ang magkabilang kamay ng binata.

RIVER BOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon