CHAPTER 7

154 10 1
                                    

Pasado alas-nuwebe na ng umaga nang magising si Stephanie sa hindi pamilyar na silid kaya naman agad niyang inilibot ang kaniyang mata hanggang sa mahagip ng kaniyang mata ang pigura ng isang lalake na nakaupo sa may bandang paanan niya at nagbabasa ng libro.

"N-Nasaan ako?" Nanghihinang wika ni Stephanie dahilan upang mapukaw ang atensiyon ng binatang si Gabriel at mapatingin sa kaniya.

Si Gabriel at ang ina nitong si Rosita ang siyang tumulong sa dalaga upang malapatan ng paunang lunas ang sugat nito sa noo dahil na rin sa pagtama niya sa katig ng bangka nang lumakas ang alon kagabi. Medyo malayo kasi ang lugar nila sa mismong bayan kung saan nandoon ang Hospital at iba pang commercial establishment.

"Mabuti naman at nagising ka na. May masakit ba sa’yo? Nagugutom ka ba?" Magkakasunod na tanong ng binata nang bitawan niya ang librong binabasa at akmang lalapitan pa ang dalaga ngunit agad itong umatras kahit nanghihina pa ito.

"S-Sino ka? At anong ginagawa ko rito?" ani Stephanie.

"Hindi mo ‘ko kailangan pag-isipan ng masama. Hindi mo rin kailangan matakot sa akin. Kung tutuusin ako nga dapat ang magtanong sa’yo niyan, sino ka at paano ka napadpad dito sa Feliciano?" Mahinahon at puno ng sinseredad na wika ng binata.

"F-Feliciano?" Labis na pagtataka ng dalaga dahil sa pagkakaalam niya ay nasa Isla Puting Bato siyang muli matapos na lumubog ang bangkang sinakyan niya kagabi at tumaas ang alon.

"Oo, nandito ka sa bayan ng Feliciano sa probinsiya ng Bicol," ani Gabriel na mas lalong nagpagulo sa isipan ng dalaga.

"A-Ano?" Halos hindi makapaniwalang wika ng dalaga dahil hindi niya lubos maisip kung paano siya napadpad probinsiya ng Bicol.

"Nasagot ko na ang tanong mo, puwede bang ‘yung mga tanong ko naman ang sagutin mo?" ani Gabriel habang diretsong nakatingin sa mata ng dalaga."Sino ka? Anong pangalan mo at paano ka napadpad dito?" Patuloy pa ng binata.

"T-Tiffany...A-Ako si Tiffany, isang vlogger na taga Maynila—"

"Maynila? Sobrang layo ng Maynila, paano ka napunta rito? Nang makita ka ng ilang kapitbahay ko kaninang umaga, basang-basa ka at nakahandusay sa buhanginan. May sugat ka rin sa noo na marahil ay tumama kung saan. Medyo malayo rito ang hospital at mabuti na lang ay nag i-stock ako ng first aid kit kaya nagamot ‘yang sugat mo sa noo. Buti na lang din at hindi gano’n kalalim ang sugat mo. At dahil basang-basa ang suot mong damit, si Mama na ang nagpalit sa‘yo ng damit." Pagku-kwento ni Gabriel."Huwag ka mag alala, wala akong nakita." Pahabol nito nang mapansin na nagsalubong ang kilay ng dalaga dahil sa huling sinabi niya kanina.

"Kailangan ko nang makaalis. Kailangan ko pang iligtas at hanapin ang mga kaibigan ko," ani Stephanie at saka nagmamadaling bumaba ng higaan ngunit agad siyang pinigilan ni Gabriel.

"Huminahon ka muna Tiffany, hindi ka pa lubusan magaling. 'Yung sugat sa noo mo, sariwa pa ‘yan. Kaya pumarito ka na lang muna, saka ka na umalis kapag maayos na talaga ang pakiramdam mo," ani Gabriel na punong-puno ng pag aalala para sa dalaga na ngayon lamang niya nakilala ngunit magaan na kaagad ang loob niya rito.

"Paano ako hihinahon kung alam kong nasa kapahamakan ang mga kaibigan ko at ako lang ang inaasahan nilang magliligtas sa kanila?" Naluluhang wika ni Stephanie."Hindi ko sila dapat iniwan. Hindi ko dapat sinunod si Noel." Patuloy pa nito hanggang sa tuluyan na niyang isubsob ang kaniyang mukha sa magkabilang tuhod niya na natatakpan ng kumot.

"O! Ano ang nangyari? Bakit siya umiiyak?" ani Aling Rosita, ang ina ni Gabriel nang pumasok ito sa silid upang dalhan ng pagkain ang dalaga ngunit nadatnan niyang umiiyak ito.

"Ma, kayo po pala—"

"Pinaiyak mo ba 'tong bisita natin Gabriel? Ang sabi ko bantayan mo lang, bakit mo pinaiyak?" sermon ni Aling Rosita sa panganay na anak.

Dahil naman sa boses na iyon ng ginang ay unti-unting napaangat ng ulo ang dalagang si Stephanie.

"Kumusta ang pakiramdam mo Hija?" Malambing at mahinahon na tanong ni Aling Rosita sa dalaga."Ako nga pala si Rosita, at ito naman si Gabriel ang panganay kong anak." Pagpapakilala ng ginang sa kaniyang anak."Sa katunayan, si Gabriel ang bumuhat sa'yo kanina mula roon sa pangpang hanggang dito sa bahay para magamot ‘yung sugat sa noo mo. May kalayuan kasi ang Hospital dito sa amin." Patuloy pa ng ginang dahilan upang hindi agad makakibo si Stephanie at mabaling ang tingin sa binata na nakatayo malapit sa may bintana at seryosong nakatingin sa kaniya.

"N-Nice to meet you po..." Iyon na lamang ang tanging salita na lumabas sa bibig ni Stephanie dahil gulong-gulo pa rin ang kaniyang isipan.

"Maaari ko bang malaman ang pangalan mo Hija? At siya nga pala, ito nagdala ako ng sopas. Mainit-init pa ‘to kaya kainin mo na muna para malamanan ang sikmura mo," ani Aling Rosita na hawak pa rin ang mangkok na naglalaman ng sopas. Nakapatong ang mangkok sa babasaging plato.

"Her name is Tiffany," sabat ni Gabriel agad naman siyang nilingon ng kaniyang ina.

"Bakit ka nag e-English, ‘nak?" Biro ng ina ni Gabriel kaya naman hindi rin napigilan ni Stephanie na mapangisi."O siya, iiwan ko na ‘tong Sopas sa’yo hija. Kumain ka na okay? Babalik na muna ako sa bahay dahil hindi pa ako tapos sa nilalabhan ko." Patuloy pa ni Aling Rosita nang ilapag ang hawak na plato na may nakapatong na mangkok at naglalaman ng sopas sa gilid ng higaan ni Stephanie.

"S-Salamat po," ani Stephanie at nginitian lamang siya ng ginang.

"O siya, mauna na ako. Kung may kailangan ka, sabihin mo na lang dito kay Gabriel," ani Aling Rosita saka tinapik ang balikat ng anak.

Nang umalis si Aling Rosita, ay naiwan naman sina Stephanie at Gabriel ngunit may ilang minuti na buhat nang umalis ang ina ng binata ngunit hindi pa rin sila nagkikibuan.

Kasalukuyan ng kumakain si Stephanie nang dinalang sopas ni Aling Rosita nang mapansin nito na nakatitig lamang sa kaniya ang binata na animo’y kinikilala siya nito ng mabuti.

"K-Kain." Alok niya sa binata ngunit tinanguan lamang siya nito."Salamat nga pala sa pagtulong mo sa akin kanina." Patuloy pa ng dalaga.

"Sabi mo kanina, kailangan mo hanapin at iligtas ang mga kaibigan mo. Bakit? Ano ba ang nangyari sa kanila?" seryoso ngunit mahinahon na tanong ni Gabriel sa dalaga dahilan upang mapatigil ito sa pag higop ng sabaw ng sopas.

RIVER BOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon