"Ano kamo? Nawawala ang asawa mo?! E sino naman dudukot sa kaniya?!" Tarantang wika ni Aling Rosita dahil sa labis na pag aalala matapos na magtungo sa kaniyang bahay si Gabriel at ipagbigay alam ang nangyari sa kaniyang asawa na si Stephanie.
"H-Hindi ko po alam Ma. Hihiramin ko muna 'yung motorsiklo ni Papa, pupunta ako sa bayan para i-report sa Polisya ang nangyari sa asawa ko," ani Gabriel na bakas na sa kaniyang mukha ang labis-labis na pag aalala at takot sa posibleng mangyari sa asawa.
"S-Sige anak, mag iingat ka. Ako naman ay magtatanong-tanong sa ilan natin kapitbahay kung may nakapansin ba kay Tiffany. Ipagdasal natin sa Diyos na wala sanang masamang mangyari sa asawa mo," ani Aling Rosita na bakas sa tono ng boses ang matinding pag alala.
"Sige po ma, alis na-"
"Aling Rosita! Kuya Gabriel.." Humahangos na wika ni Gelo labing siyam na taong gulang na binatilyo at kapitbahay ni Gabriel malapit sa pangpang na isa rin mangingisda tulad niya.
"O Gelo, ano't humahangos ka?" ani Aling Rosita.
"S-Si Ate Tiffany po ka-"
"Si Tiffany? Nasaan ang asawa ko? Nakita mo ba siya?" Magkakasunod na tanong ni Gabriel sa binatilyo na mabilis na tumango.
"Nakita ko po siya kanina nang paalis na ako ng bahay para sumama kay Tatay sa pangingisda. Kinuha po siya ng dalawang lalake na armado ng baril at sapilitang isinakay sa itim na van. Nakaalis na po sila." Pagbabalita ng binatilyong si Gelo dahilan upang magtangis ang bagang ni Gabriel dahil sa tindi ng galit na nararamdaman nito.
"Susundan ko sila. Babawiin ko ang asawa ko." Matigas na pagkakasabi ni Gabriel na punong-puno ng determinasiyon. Mabilis nitong kinuha ang susi ng motorsiklo ng kaniyang ama na nakasabit sa dingding at agad na rin na umalis sakay ng motorsiklo.
--
"Sino ba kayo at anong kailangan niyo sa akin?" Matigas na pagkakasabi ni Stephanie dahil ayaw niya ipahalata sa mga ito na natatakot at kinakabahan siya.
Lulan ngayon ng isang tinted na kulay itim na Hi-Ace van si Stephanie habang tinatahak ang kalsada patungong bayan ng San Juanito kung saan naghihintay sa kaniya ang isang Chopper.
"Ano ba?! Hindi niyo ba talaga sasagutin ang tanong ko? Pakawalan niyo na ako kung hindi isusumbong ko kayo sa Daddy ko!" ani Stephanie na hindi rin niya alam kung bakit kailangan niya magsinungaling na magsusumbong siya sa kaniyang ama gayon wala naman itong pakialam sa kaniya at hindi rin naman nito alam kung na saan siya ngayon. Dahil sa sinabing iyon ng dalaga ay bahagyang natawa ang lalakeng nakaupo sa front seat habang napapailing. Natawa rin ang apat pang lalake na sakay ng van kung saan dalawa rito ay napagigitnaan siya.
"Huwag ka mag alala Ms. Stephanie Louise Dollente, hindi mo kami kaaway. Napag utusan lang kami," ani Bryan na siyang katabi ni Stephanie sa left side na malapit sa bintana. Nasa edad 30's pa lang ito, matangkad at may matipunong pangangatawan.
"K-Kilala niyo 'ko?" Nauutal at naguguluhang tanong ni Stephanie."Sino ba talaga kayo at anong kailangan niyo sa akin?" Muling tanong ng dalaga na hindi naman niya makilala ang mga mukha ng mga ito sapagkat may piring ang kaniyang mata.
"Pag dating natin sa Maynila ay makikilala mo rin kami," ani Stefano na siyang nasa front seat. Nasa 20's pa lang. May taas na 6'0, maputi at may matipunong pangangatawan.
"M-Maynila? Papunta tayo ngayon ng Maynila?" ani Stephanie na mas lalong nabalot ng kaba at takot.
"Oo, dahil 'yon ang utos sa amin ni Boss," tugon ni Bryan.
Makalipas lamang ang isa't kalahating oras ay narating na nila ang bayan ng San Juanito kung saan sapilitang ibinaba si Stephanie sa Hi-Ace na van ng dalawang lalake na armado ng baril.
"Ano ba! Bitawan ninyo 'ko!!" Pagpupumiglas ng dalaga ngunit mas lalo lang humigpit ang pagkakahawak ng dalawang lalake sa braso niya.
Maya-maya pa ay nililipad na ang mahabang buhok ng dalaga at dinig na dinig na rin ang tunog ng elesi ng Chopper. Kasunod nito ay ang walang pakundangan ng dalawang lalake kay Stephanie patungo sa Chopper.
"I'm begging you please let go of me." Umiiyak na pakiusap ni Stephanie ngunit natahimik siya ng maramdaman ang nguso ng baril na nasa likod ng kaniyang ulo.
"Sasakay ka o pasasabugin ko ang bungo mo?" ani Bryan habang nakatutok sa ulo ng dalaga ang hawak nitong baril.
Dahil sa takot ay walang nagawa si Stephanie kundi ang sumakay Chopper habang abot langit ang dasal niya na sana ay walang mangyaring masama sa kaniya maging sa asawa niya na si Gabriel na ngayon ay siguradong hinahanap na rin siya.
--
Alas-singko na ng umaga ngunit hindi pa rin tumitigil si Gabriel sa paghahanap sa kaniyang asawa. Narating na niya ang tatlong prisinto upang i-report ang nanyari sa asawa. Nagtanong-tanong na rin siya kung kani-kanino ngunit walang makapag bigay impormasiyon sa kaniya patungkol sa posibleng dumukot sa asawa.
"Anong balita anak?" Salubong ng ina ni Gabriel nang dumating na siya sa bahay ng ina.
Walang kundisiyon si Gabriel na sumagot kaya napailing na lamang ito at napaupo sa gilid ng pintuan habang sapo-sapo ang kaniyang ulo dahil sa labis na kirot gawa ng matinding pag iisip sa nangyari sa kaniyang asawa.
"Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa asawa ko. Hinding hindi." Paulit-ulit na sambit ng binata sa kaniyang sarili na halos mababaliw na pag aalala.
"Ipagpasa Diyos na lang natin anak-"
"Hindi ma. Hindi natin p'wede iasa na lang lahat sa kaniya, kailangan din natin kumilos. Gagawin ko lahat ng alam kong paraan upang mahanap ang asawa ko." Katwiran ni Gabriel.
"Pero anak, paano naman magagawang hanapin ang asawa mo gayon hindi natin alam kung saan tayo magsisimula upang hanapin siya. Kung totoong may dumukot sa kaniya, ibig sabihin kung hindi siya anak ng mayaman marahil ay may matagal nang naghahanap sa kaniya kaya siya napadpad dito sa bayan ng Feliciano," ani Aling Rosita na mas lalong nagpagulo sa isipan ni Gabriel.
--
"*salute* General, tumawag si Private First Class San Jose, pabalik na sila rito sa kampo kasama ang inyong anak na si Stephanie." Pagbabalita ni Sgt. De Guzman.
"Mabuti naman kung gano'n," ani General Dollente na siyang may pakana sa pagdukot sa sariling anak.
Ilang oras pa nga ang lumipas, isang Military used only na Chopper ang dumating. Lulan nito ang kanina pang umiiyak na si Stephanie.
Pagbaba pa lang sa Chopper ay agad nang sinalubong ni General Dollente ang anak na wala ng suot na blind fold kaya kitang-kita ang namumugto nitong mga mata.
"D-Daddy?" Halos hindi pa makapaniwalang wika ni Stephanie nang makaharap na ang kaniyang ama.
"Mabuti naman at nakikilala mo pa ako, anak." Malumanay na wika ni Gen. Dollente na akma sanang yayakapin ang anak ngunit agad nitong iniwas ang kaniyang katawan.
"At kailan mo pa ako naging anak?" sarkastikong wika ni Stephanie.
"Louise.." Sa unang pagkakataon, mula ng mag-asawa muli ang kaniyang ama ay ngayon na lamang niya narinig na may tumawag sa second name niya. Dahil walang iba na tumatawag sa kaniyang Louise, maliban sa kaniyang ama.
"Stop acting like you care General Dollente, 'cause you're not," sarkastikong at may diin sa huli na wika ni Stephanie sa kaniyang ama na halos kasuklaman niya.
BINABASA MO ANG
RIVER BOAT
RomanceDESCRIPTION: Masayahin, makulit, supportive at malambing. Ganiyan kung ilarawan ng kaniyang mga kaibigan ang dalawangpu't dalawang taong gulang (22year old) vlogger na si Stephanie Louise Dollente. Wala pang isang taon bilang isang vlogger ang dalag...