CHAPTER 8

145 10 2
                                    


"Commander, maaari ba kitang makausap?" Mahinahong wika ni Gregor sa pinakatamaas sa kanila na si Commander Rodolfo.

"Ano 'yon, Gregor?" seryosong wika ng matanda bago ibuga ang usok ng sigarilyo.

"May nasagap na balita ang isa sa mga bata ko," panimula ni Gregor upang kunin ang atensiyon ni Commander Rodolfo."Iyong babae na nakatakas kagabi na kasama ng ilang kabataan na nagtungo sa Isla Puting Bato, anak siya sa unang asawa ng mortal ninyong kaaway." Pagpapatuloy ni Gregor kaya naman awtomatikong nagsalubong ang kilay ng matanda.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Kunot-noong tanong ni Commander Rodolfo.

"Ang babaeng 'yon na nag ngangalang Stephanie Louise na isang vlogger sa Maynila ay anak sa unang asawa ni AFP General Simon Dollente." Pagbibigay impormasiyon ni Gregor."Sa ngayon ay hindi pa nakakararing sa mortal mong kaaway ang tungkol sa kaniyang anak, kaya kailangan natin siyang maunahan na mahanap si Stephanie bago pa man makaratinh sa kaniya ang balita. Dahil magagamit natin laban sa kaniya ang sarili niyang anak." Pagpapatuloy ni Gregor.

"Kahit papano, may silbi rin pala ang utak mo Gregor." Natatawang wika ni Commander Rodolfo bago muling humithit ng sigarilyo."Sige, utusan mo ang bata mo na magtungo sa Isla Puting Bato upang ipagbigay alam ito kay Verhel. Pagkatapos ay simulan na ninyong hanapin ang anak na babae ni Simon." Ngingis-ngising wika ng matanda.

"Areglado Commander." Pagtalima ni Gregor sa utos."Pero teka Commander, ano nga pala ang nangyari sa ibang kaibigan ng anak ni Simon?"

"Si Verhel na ang makakasagot sa katanungan mo Gregor. Sa ngayon, sundin mo na muna ang inuutos ko sa'yo,"

--

"Bakit natahimik ka? Hindi mo ba kaya sagutin ang tanong ko?" Mahinahon ngunit seryosong tanong ni Gabriel sa dalaga.

"Mapagkakatiwalaan ba kita?" May pag aalinlangan na tanong ni Stephanie sa binata.

Natatawang napapailing naman si Gabriel dahil sa sinabing iyon ng dalaga.

"May nakakatawa ba, Gabriel?" sarkastikong tanong ni Stephanie sa binata.

"Natatawa lang ako sa tanong mo. Mukha ba akong hindi katiwa-tiwala sa paningin mo-"

"You can't blame me. 'Yung huling tao kasi na pinagkatiwalaan ko, siya ang dahilan ngayon kung bakit nawawala ang mga kaibigan ko at kung bakit kinailangan magpaiwan sa isla ng isa kong kaibigan para makaligtas ako," seryosong wika ni Stephanie dahilan upang sumeryoso rin ang mukha ng binata. Ramdam niyang sa pagkakataon ito ay hindi nagbibiro ang dalaga at punong-puno ito ng sinseredad sa mga tanong na ipinupukol sa kaniya.

"I'm so-"

"Nagpapasalamat ako na tinulungan mo 'ko kanina, pero-"

"Wala ka dapat na ipag alala, mapagkakatiwalaan mo 'ko. Safe na safe ang sekretong sasabihin mo sa akin dahil makakalimutin ako, after 5 seconds malilimutan ko na 'yung sinabi mo sa akin," ani Gabriel.

"Seryoso?" Nakataas ang isang kilay na tanong ng dalaga.

"Ito naman masiyadong seryoso, pinapatawa ka lang. Pero totoo 'yon, safe na safe ang sekretong sasabihin mo sa akin kung ano man 'yon, at malay mo matulungan pa kita." Nakangiting saad ni Gabriel.

"Salamat, pero hindi na siguro kailangan. Ayaw kong pati ikaw madamay pa sa gusot na pinasok namin ng mga kaibigan ko. Tulungan mo na lang siguro ako na makabalik ako sa Maynila," mahinahong wika ng dalaga.

"Nang dumating ka rito at tinulungan kita, nang sandaling 'yon ay nadamay na ako. Kaya wala ka na dapat na ipag alala. Dahil handa kitang tulungan sa ikalawang pagkakataon," ani Gabriel na punong-puno ng sinseredad.

"Gabriel...."

"Hindi rin kita basta papayagan na makabalik ng Maynila sa ganitong sitwasiyon mo. Paano kung sundan ka sa Maynila ng tinakasan mo? Kung mananatili ka sa puder ko, makakasiguro akong ligtas ka," ani Gabriel."Huwag kang kiligin, baka iniisip mo na na-love at first sight ako sa'yo kaya ayaw kitang paalisin tulad ng mga napapanood mo sa TV o nababasa sa libro, ginagawa ko 'to dahil nag aalala lang ako sa'yo. 'Yun lang." Pagpapatuloy ni Gabriel.

"Masiyado ka naman advance mag-isip. Sino ba may sabing kinikilig ako sa'yo? Hoy! kahit kailan hindi ako kikiligin sa'yo 'no," sarkastiko at mataray na wika ni Stephanie.

"Ganiyan din sinabi sa akin ng ex ko." Natatawang wika ni Gabriel.

"Pakialam ko sa ex mo?" Pagtataray ni Stephanie.

"E bakit namumula 'yung pisngi mo?" Pang iinis pa lalo ni Gabriel sa dalaga.

"You getting to my nerves!" Singhal ni Stephanie sa binata dahil sa labis na inis.

--

"Kumusta si Tiffany, anak?" Mahinahong tanong ni Aling Rosita sa anak na si Gabriel nang magtungo ito sa bahay ng ina upang ihatid ang mangkok na pinaglagyan ng sopas kanina.

"Maayos na siya Ma. Tulog siya nang umalis ako kanina," ani Gabriel at saka naupo sa upuang kahoy.

"Mabuti naman kung gano'n. 'Di ba taga Maynila siya? Nasabi na ba niya sa'yo kung paano siya napunta rito sa bayan natin? At bakit siya nakahandusay sa pangpang kaninang umaga? Hanggang sa ngayon ay usap-usapan pa rin siya ng mga tsismosa nating kapitbahay. Baka raw kriminal si Tiffany, gusto pa nga tumawag Police mabuti na lang nasindak ng Ama mo kaya ayon tumahimik na ang mga marites." Pagkukwento ni Aling Rosita.

"Hindi pa ho niya nasasabi sa akin kung ano nga ba ang dahilan kung bakit siya nandito." Nakatulalang wika ni Gabriel dahil ang totoo ay nakwento na sa kaniya ng dalaga ang buong katotohanan. Ngunit nangako siya rito na wala siyang ibang pagsasabihan at tanging silang dalawa lamang ang makakaalam ng katotohanang iyon.

"Gano'n ba? Pero alam mo anak, sobrang gaan ng loob ko sa batang 'yon. Unang kita ko pa lang sa kaniya kanina magaan na agad ang loob ko sa kaniya." Nakangiting wika ng ina ni Gabriel.

"Huwag ho kayo mag alala Ma, ako na pong bahala kay Tiffany. Hinding-hindi ko siya pababayaan at hindi ko rin hahayaan na masaktan," ani Gabriel saka ngumiti sa ina.

"Iba na 'yan Gabriel, umamin ka nga. May gusto ka ba kay Tiffany?" kantyaw ng ina.

"Nahawa na ho kayo sa ibang kapitbahay natin na masiyadong ma-issue. Wala ho akong gusto kay Tiffany at hindi ko rin ho siya magugustuhan. Para sa akin, isa lamang siyang nakababatang kapatid," paglilinaw ni Gabriel sa ina.

RIVER BOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon