CHAPTER 20

169 11 1
                                    

Nang araw din na iyon ay humingi ng tulong si Gabriel sa Tito niya na nagta-trabaho sa munisipyo upang maikasal silang dalawa ni Stephanie kahit sa west lang. Hindi naman tumangi ang kaniyang Tiyuhin na tulungan siya sapagkat malaki rin naman ang naitulong ng kaniyang magulang sa pamilya nito.

"T-Talaga bang gusto mo ‘kong pakasalan Gabriel? B-Baka naman ginagawa mo lang 'to da—"

"Ginagawa ko ‘to dahil mahal kita. Pakakasalan kita dahil gusto kitang makasama hanggang sa huli at gusto kong bumuo ng masayang pamilya kasama mo," sinserong saad ni Gabriel."Oo nga pala, nabanggit ko na kay Tito ang tungkol sa tulong na kailangan mo. Huwag ka mag alala, mapagkakatiwalaan natin siya." Pagpapatuloy ng binata.

"Salamat," ani Stephanie at agad naman hinawakan ni Gabriel ang kamay ng dalaga at marahan na hinila palapit sa kaniya upang yakapin.

Hanggang sa sumapit na nga ang araw ng pag iisang dibdib nila Gabriel at Stephanie na dalawang araw lang mula nang kausapin niya ang kaniyang Tiyuhin. Simple lamang ang naging kasalanan ng bagong mag-asawa na dinaluhan ng pamilya at malalapit na kaibigan ni Gabriel.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na may asawa ka na Kuya. Pero masayang masaya ako para sa inyo ni Tif—I mean ni Ate Tiffany," ani Grace na may hawak pang paper plate upang ibigay sa mga bisita.

"Oo nga, masiyadong mabilis ang pangyayari pero sa nakikita ko naman ay mahal na mahal talaga nitong Kuya mo si Tiffany kaya kahit sandali pa lang sila nagkakakilala nitong napangasawa niya ay hindi siya nag atubiling pakasalan ito," ani Alvin na malapit na kaibigan ni Gabriel."Kailan naman kayo ako?" Patuloy pa nito.

"That’s love." Tipid ngunit malalim ang ibig sabihin na wika ni Gabriel habang hawak ang kamay ng asawang si Stephanie.

Pasado alas-onse na ng gabi nang matapos ang selebrasiyon ng pag iisang dibdib nila Gabriel at Stephanie. Karamihan ay mga lasing at nakainom na kaya nagpasiya na ang mga ito na umuwi.

"Gabi na, bakit hindi pa natutulog ang mahal kong asawa?" ani Gabriel nang mamataan ang asawa sa labas ng kanilang bahay ay nakatingin sa mga bituin sa kalangitan kaya naman agad niya 'tong niyakap mula sa likuran.

"Tama sila, masiyado nga tayo naging mabilis at padalos-dalos sa naging desisyon natin Gabriel. Wala pa tayo halos isang buwan na magkakilala ngunit nagpakasal na agad tayo," ani Stephanie na malumanay ang tono ng boses saka humarap kay Gabriel.

"Bakit? Nagsisisi ka ba na nagpakasal ka sa akin?" ani Gabriel na may lungkot sa tono ng boses nito. Mahal na mahal niya ang kaniyang asawa na si Stephanie kaya naman kahit sandaling panahon pa lang ang kanilang pagkakakilala ay hindi siya nagdalawang isip na pakasalan na ito may nangyari man o wala sa kanilang dalawa.

"Hindi naman sa gano’n Gabriel, siguro masiyado lang ako nagulat sa mga pangyayari sa buhay ko. Parang kahapon lang kasi nang magtungo kami ng mga kaibigan ko sa isang isla upang magsagawa ng research then ito, nandito na ako sa harapan mo na dati ay bilang isang estranghera lang na humihingi ng tulong upang bigyan hustisya ang pagkawala ng mga kaibigan ko, ngunit ngayon ay bilang asawa mo na. Wala akong pinagsisihan Gabriel, dahil mahal naman kita. Sa maikling panahon na nakasama kita ay natutunan na rin kitang mahalin kaya wala akong pagsisisi na nagpakasal ako sa'yo. Pero kasi, nakakaramdam ako ng konsensiya para sa mga kaibigan ko. Habang ako ito, masaya sa piling ng lalakeng pinili kong mahalin. Sila, hindi ko alam kung ano na nga bang nangyayari sa kanila. Kung buhay pa ba sila?" Mahabang sanaysay ni Stephanie.

"Naiintindihan kita. Kaya nga pinapangako ko sa’yo na tutulungan kita. Nakausap ko na si Tito Francisco, at handa rin siyang tumulong sa atin sa pagbibigay hustisya sa nangyari sa mga kaibigan mo," ani Gabriel habang hawak ang magkabilang kamay ng dalaga.

"Maraming salamat sa lahat Gabriel," ani Stephanie.

"You’re now my Mrs. Samonte. Kaya hindi ako makapapayag na sarilinin mo ‘yung bigat na nararamdaman mo. At pinapangako ko rin sa’yo na lahat gagawin ko upang ma-protektahan ka, kahit buhay ko pa ang kapalit." Punong puno ng sinseredad na wika ni Gabriel bago hinagkan sa noo ang asawa.

Kinabukasan...

"Bakit ang aga mo yata nagising? Alas tres pa lang ng madaling araw." Puna ni Gabriel kay Stephanie nang makita niya 'tong gising na at nakasandal lang ang likod sa headboard ng higaan.

"Hindi na ako makatulog," ani Stephanie."About last night, sorry kung inisip mo na pinagsisihan ko na nagpakasal ako sa’yo. To be honest, masaya ako. Siguro hindi ko lang ‘yon maipakita o maiparamdam sa ngayon kasi nag aalala pa ako sa mga kaibigan ko. But to tell you honestly Gab, I’m so happy to be your wife—to be your Mrs. Samonte." Pagpapatuloy ni Stephanie na punong puno ng sinseredad kaya naman agad siyang nilapitan ng asawa at naupo sa tabi nito.

"Huwag mo ng paka-isipin pa ‘yon. Tulad nga ng sinabi ko, naiintindihan kita at araw-araw kitang iintindihin. Alam mo kung bakit? Dahil mahal na mahal kita," ani Gabriel saka hinagkan sa noon ang asawa."Magpapalaot muna kami kaya bumalik ka muna sa pagtulog. Masiyado pang maaga. Mag a-alas kwatro pa lang kaya matulog ka na muna okay?" Malambing na wika ni Gabriel sa asawa.

"Ingat. Palagi kang mag iingat Gab, mahal na mahal din kita," ani Stephanie saka tipid na ngumiti.

"Oo naman. Nag iingat ako para sa’yo," ani Gabriel."O siya, aalis na ako. Mag iingat ka rin dito okay? Uuwi rin naman ako agad mamaya bago mag lunch. I love you asawa ko." Pagpapatuloy ni Gabriel at saka hinagkan sa labi ang asawa bago ito umalis.

Wala pang ilang minunto na nakakaalis ang asawa ni Stephanie na si Gabriel nang makarinig siya ng sunod-sunod na katok sa pintuan ng kanilang bahay kaya agad siyang napabalikwas upang alamin kung sino ang tao sa labas.

"May nakalimutan ba si Gabriel?" Tanong ni Stephanie sa kaniyang sarili habang naglalakad patungong pintuan.

——

"Pre, ayos ka lang?" ani Alvin nang mapansin ang pagiging balisa ni Gabriel. Kasalukuyan na nilang isinasampa sa bangka ang lambat na gagamitin sa pangingisda.

"Bigla lang akong kinabahan Pre," tugon ni Gabriel na hindi rin maintindihan kung bakit siya nakakaramdam ng abot-abot na kaba sa kaniyang dibdib.

"Sino bang iniisip mo?" ani Alvin nang matapos sa pagsasampa ng lambat sa bangka.

"Sandali lang ah. Uuwi lang ako saglit sa bahay, hindi ako mapakali e," ani Gabriel at bago pa man makasagot ang kaibigan ay agad nang umalis si Gabriel at nagmamadaling tinungo ang kanilang bahay.

Gano'n na lamang ang pagkabigla ni Gabriel nang madatnan na bukas ang pintuan ng kanilang bahay at nagkalat rin ang gamit sa loob.

"Stephanie.." sambit nito nang maalala ang asawa. Agad niyang tinungo ang kwarto nila ngunit wala ito sa loob kaya naman mas lalo siyang binalot ng takot, kaba at pag aalala.

RIVER BOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon