CHAPTER 6

116 9 1
                                    

Maingat na inalalayan ni Noel ang dalaga na makasakay sa bangka na maghahatid sa kaniya patungong Santa Monica.

"Natatandaan mo ba ‘yung tinuro ko sa’yo noon tungkol sa pamamangka?" ani Noel nang sulyapan nang tingin ang motor ng bangka.

Hindi nagsalita si Stephanie at tumango na lamang kay Noel.

"Good girl." Ngumiti ito."Bukas ng umaga, makakarating ka na sa Santa Monica. Pagdating mo roon ay humingi ka agad ng tulong. Mag iingat ka," ani Noel saka hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga.

"Noel..."

"I know you are already strong enough to do it. I believed on you, Tiffany." Nakangiting wika ni Noel upang palakasin ang loob ng dalaga.

"Wala sila sa kanilang silid!" Agad na napukaw ang atensiyong ng dalawa nang marinig ang tinig na iyon ng isa sa tauhan ni Verhel.

"We don’t have enough time, Tiffany. Sige na tumakas ka na!" tarantang wika ni Noel.

"Paano ka?" Labis na pag aalala ni Stephanie sa kaibigan.

"Huwag mo ‘kong intindihin, ang importante ay ang kaligtasan mo...ninyo," anito at saka hinagkan sa noo ang dalaga bago pinaandar ang de-motor na bangka.

"Tumatakas sila!" Sigaw ng lalake nang marinig ang tonog ng de-motor na bangka.

"Sundan ninyo!" sigaw ni Verhel kaya naman agad na nagtago sa likod nang nakadaong na bangka si Noel, nananalangin na sana ay hindi maabutan ang dalaga at makarating ito ng ligtas sa Santa Monica.

Samantala, hindi pa man nakakalayo ang dalaga mula sa Isla Puting Bato nang matanaw niya ang tatlong bangkang de-motor na sumusunod sa kaniya. Dahil sa labis na pagkataranta sa kung anong dapat gawin ay hindi na nagawa ng dalaga ang itinuro sa kaniya noon ng binatang si Noel. Punong-puno na rin siya ng kaba, takot at pag aalala para sa mga kaibigan na naiwan sa isla at sa binatang nag sakripisiyo para sa kaligtasan niya.

Mabilis masiyado ang pangyayari, nakita na lamang ni Stephanie ang kaniyang sarili na nakasakay sa bangka habang napapalibutan ng tatlo pang bangka sakay naman ang mga tauhan ni Verhel. Matapos na maubusan na ng gasolina ang bangkang de-motor kung saan nakasakay ang dalaga.

Nanlake ang mata ng dalaga nang isa isang maglabas ng baril ang mga tauhan ni Verhel at nakatutok ito sa kaniya.

"Tama si Commander, hindi na dapat kayo nakapasok dito sa Isla. ‘Yan tuloy, sama-sama na kayo ng mga kaibigan mo na mamamatay dito." Nakangising wika ng binatilyong si Francis, ang pinakabata sa grupo.

"Tumataas na ang alon, iba na rin ang ihip ng hangin. Kailangan na natin umalis," ani isa pang lalake na nasa edad 30’s pa lang.

"Paano ang babaeng ‘to? Hindi ba natin kukunin?" suhestiyon ng isa pa.

"Ang dagat na ang bahala sa babaeng ‘yan." Nakangising wika ni Francis at saka pinaputukan ang bangka ni Stephanie dahilan upang mapayuko dahil sa gulat at takot ang dalaga. Pagkatapos no’n ay nagmamadali na rin umalis ang grupo ni Francis pabalik sa isla.

"H-Hindi...L-Lumubog ang bangka.." Nangangatal na wika ni Stephanie ng unti-unti nang pinapasok ng tubig dagat ang bangka.

Napapikit na lamang ang dalaga at napahawak ng mahigpit sa gilid ng bangka nang makita ang mataas na alon na papalapit sa kaniya.

——

"Ano ang meron doon?" Pagtataka ni Gabriel nang mapansin ang umpukan ng mga tao sa tabing dagat. Gabriel Vrix Samonte—dalawangpu’t anim na taong gulang at isang mangingisda. May tangkad na 5'7, moreno ang kulay ng balat, may matikas na pangangatawan dahil sa pagiging batak nito sa gawain, army cut ang gupit ng buhok, matangos ang ilong, may katamtaman na nipis ng labi at attractive brown eyes lalo na sa tuwing tinatamaan ng sikay ng araw.

"May babaeng nakita roon sa may pangpang na walang malay at may sugat sa noo," ani Alvin ang matalik na kaibigan ni Gabriel at kasa-kasama sa pangingisda. Alvin Cervantes—dalawangpu’t limang taong gulang at isa ring fisherman. May tangkad na 5'6, moreno ang kulay ng balat, medyo chubby, matangos ang ilong at may mapupungay na mga mata.

"B-Babae?" Kunot-noong wika ni Gabriel, kasalukuyan siyang nagkakape sa labas ng kaniyang bahay dahil rest day naman nila ngayon sa pangingisda.

"Oo, pero inaalam pa ‘yung pagkakakilanlan ng babae. Mukhang hindi taga rito sa atin e," ani Alvin at saka naupo sa tabi ng kaibigan.

"Sandali lang, dito ka lang," ani Gabriel at agad na tinungo ang umpukan na mga tao.

Doon ay tumambad sa kaniya ang dalagang nakahandusay sa may puting buhanginan. Basang-basa ang damit at ang buhok nito, kapansin-pansin din ang sugat nito sa noo.

Walang pasubalit iyon na nilapitan ni Gabriel at sinipat ang pulso ng dalaga kung buhay pa ba.

"Humihinga pa siya," ani Gabriel matapos na mapatunayan na buhay pa 'to.

"Sino naman kaya ang babaeng iyan? At paano siya napadpad dito?" Nagtatakang wika ni Aleng Vilma ang kilalang marites o chismosa sa kanilang lugar.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Gabriel at agad nang binuhat ang dalaga upang malapatan ito ng paunang lunas. Hindi rin niya batid kung bakit bigla siyang nakaramdam ng matinding awa rito.

"Saan mo siya dadalhin Gabriel?" ani Marlon ang isa sa mangingisda sa lugar at nasa edad 40’s na.

"Gagamutin ko lang ang sugat niya," tugon nito. 

RIVER BOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon