CHAPTER 4

157 12 1
                                    

Naging maayos naman ang unang araw nang pamamalagi ng limang magkakaibigan sa Isla Puting Bato dahil na rin sa mainit na pag tanggap sa kanila ng mga naninirahan sa nasabing isla. Pagkagat ng dilim, hindi pa makatulog ang lima kaya naman naisipan nito na magtungo sa tabing dagat upang gumawa ng bonfire.

Mabilis na nakagawa ng bonfire si Eugene kaya naman tuwang tuwa si Scarlet, matagal niya na kasing pinapangarap na magtungo sila sa isang beach at doon ay mag bonfire. Nang masindihan na ni Noel ang apoy sa gitna ay agad silang naupo sa paligid nito.

(Stephanie — Noel — Janella — Eugene — Scarlet)

Habang naka-indian sit sa puting-puting buhangin ay nakabalot sila ng blanket, malamig na rin kasi lalo pa’t nasa tabing dagat sila.

"Anong magandang kantahin?" ani Eugene hawak ang kaniyang gitara.

"Edi ‘yung madalas ninyong kantahin sa tuwing tumutugtog kayo sa mga Bar, Restaurants and even Malls," ani Janella.

"Huwag na baka kiligin ‘yung isa d’yan mahirapan makatulog." Nakangising wika ni Eugene saka sinulyapan ang katabing si Scarlet na sa malayo nakatingin. Tila hindi nito narinig ang sinabi ng katabi dahil wala man lang t
‘tong ka imik-mik.

At kung hindi pa mahinang pinalo ni Stephanie ang katabing si Scarlet ay hindi pa ‘to babalik sa kaniyang wisyo.

"B-Bakit?" Gulantang na wika ni Scarlet na nanlalake pa ang mata dahil sa gulat.

"Ang lalim masiyado ng iniisip, mamaya hindi ka na makaahon niyan," biro ni Noel na may na stick at may kung anong sinusulat sa buhangin.

"Tulad mo?" balik ni Scarlet na todo ang ngiti na animo'y nang aasar.

Kunot-noo naman na napatingin si Stephanie sa katabing si Noel ngunit nang tignan siya nito ay agad siyang nag iwas nang tingin.

"Alam ko na magandang gawin ngayon," ani Janella.

"Ano?" Sabay sabay na tanong ng apat.

"Truth or Dare na lang," tugon ng dalaga.

"Paano kapag hindi nagawa ‘yung dare?" seryosong tanong ni Eugene.

"May consequence. Kapag hindi nagawa ‘yung dare, sa labas siya matutulog ngayong gabi. Ano, G?" Nakangising wika ni Janella.

Agad naman nagkatinginan ang apat na magkakaibigan dahil sa sinabing ‘yon ni Janella.

"Okay G kami. Pero kapag ako ‘yung natulog sa labas, sasamahan ako ni Cecelia," ani Eugene dahilan upang pandilatan siya ng mata ni Scarlet."Joke lang ito naman galit agad ang Cecelia ko." Patuloy pa ng binata na lalong ikina-asar ng dalaga.

"Okay let’s start na ba?" Naiinip na wika ni Janella.

"Okay game!" ani Stephanie.

"Okay so since ako naman ang naka isip ng game na gagawin natin, ang unang magtatanong ay siyempre ako." Ngingisi-ngising wika ni Janella."Noel, ikaw ang unang tatanungin ko. Truth or Dare?" Patuloy ng dalaga nang tignan niya ng diretso si Noel paminsan-minsan ay sinusulyapan si Stephanie kapag hindi nakatingin sa kaniya.

"Truth." Mabilis pa sa alas-kwatro nitong tugon.

"Okay sabi mo e. Pero make sure na sasagutin mo talaga ng totoo 'tong itatanong ko sa’yo ah. Walang bahid pag kasinungalingan, okay?" panimula ng dalaga, tinanguan lamang siya ni Noel."Okay Noel, our 26years old Journalist. Have you ever been in love? And who she is?" Nakangising wika Janella dahilan upang bumilis ang tibok ng puso ng binata. Maging sila Eugene at Scarlet ay nag aabang sa isasagot ng binata. Kilala na nila kung sino ang babaeng nagpapatibok sa puso ng kaibigan, ngunit hindi nila alam kung sasabihin nito ang pangalan ng babaeng ‘yon ngayon lalo pa’t katabi niya lang ito."Noel?" pukaw ni Janella dahil tila biglang natahimik ang binata sa tanong niya.

"Y-Yes, since I was 9," tugon nito at saka sinulyapan ang katabing si Stephanie na kanina pa nakatingin sa kaniya at nag aabang sa isasagot ng kaibigan.

Tila tumigil ang mundo nila Stephanie at Noel nang magtama ang kanilang mga mata. Ngunit napawi ‘yon nang biglang pumalakpak si Eugene.

"Eugene stop!" saway ni Scarlet kaya agad nang tumigil sa pagpalakpak ang kaibigan.

"Okay, I think hindi ko na kailangan tanungin kung sino ‘yung babaeng ‘yon," ani Janella saka kumindat kay Stephanie na pinagtaka naman ng dalaga."Okay ang susunod na magtatanong ay ikaw Noel." Pagpapatuloy nito.

"Wait lang guys nakalimutan ko pala ‘yung Camera ko, kunin ko lang doon sa loob. Sayang naman 'yung moment na 'to kung hindi ko makukuhaan ng video, para ma-upload ko sa YouTube Channel ko pag balik natin ng Manila," ani Stephanie.

"Samahan na kita." Bolontaryo ni Noel nang patayo na si Stephanie.

"Huwag na. Maiwan ka na lang dito," ani Stephanie.

"I insist," seryosong wika ni Noel saka hinawakan sa pulsuhan ang dalaga."Gabi na, masiyadong delikado para sa’yo kung pupunta ka roon ng mag-isa kaya sasamhan na kita," mahinahong wika ni Noel na punong-puno ng sinseredad.

"O-Okay sige," pag sang-ayon ng dalaga at agad na rin tumayo si Noel.

"Samahan ko lang si Tiffany," paalam ni Noel sa mga kaibigan. Tinanguan lamang siya ni Eugene at ngumiti naman sina Janella at Scarlet.

Pagkatapos ay kaagad na rin umalis sila Noel at Stephanie upang kunin ang Camera ng dalaga sa bahay na pansamantala nilang tinutuluyan.

"Stephanie..." ani Noel nang naglalakad na silang dalawa. Hindi naman madilim sa kanilang paglalakad dahil maliwanag naman ang bilog na bilog na buwan.

"Yes?" ani Stephanie.

"Hindi mo man lang ba sa akin itatanong kung sino ‘yung babaeng tinutukoy ko kanina?" Mahinahong wika ni Noel dahilan upang mapatigil sa paglalakad si Stephanie at harapin ang binata.

"Kailangan ko pa ba ‘yon malaman? Sabi mo 9 years old ka pa lang noon, so it means puppy love lang 'yon. You’re too young that time," ani Stephanie saka nginitian ang binata.

"Pero—" Hindi natuloy ni Noel ang dapat sana ay sasabihin nang takpan ni Stephanie ang bibig niya matapos na may kung anong tinig siyang marinig na nanggagaling kung saan. Sinenyasan naman niya ang binata na huwag muna magsasalita o mag iingay bago nito tanggalin ang kaniyang kamay sa bibig ng binata.

Hindi kumibo si Stephanie at maingat na naglakad patungo sa isang bahay na may nakaawang na pintuan. Mula sa loon ay isang liwanag na nanggagaling sa nakasinding lampara ang siyang tumatagos sa bawat butas ng dingding na yari sa sawali.

"Tiffany what are you doing?!" impit na boses ni Noel habang sinesenyasan ang dalaga na bumalik na. Ngunit desidido si Stephanie na tunguhin ang nasabing barong-barong dahil sa kung anong narinig niya.

Nang makalapit na si Stephanie sa barong-barong ay agad siyang sumulip sa maliit na siwang sa may pintuan kung saan tumambad sa kaniya ang matataas na kalibre ng baril na nakapatong sa lamesang yari sa kahoy. Nakaupo sa pinakagitna ang matandang lalake na nagpakilalang namumuno sa isla—si Verhel Santiago habang may dalawang lalake na nakatayo sa magkabilang gilid niya na armado rin ng baril.

"Tiffany ano ba, I told you we should go ba—" Hindi na natuloy ni Noel ang sasabihin nang makita rin ang kung anong nakita ng dalaga."What the f*ck!" Mahinang mura ng binata.

"Nagtataka lang ako, paanong may nakapasok na sibilyan dito sa kampo na nanggaling pa sa Maynila? At sa pagkakaalam ko pa ay Journalist ang isa sa kanila," seryosong wika ng matandang lalake na nakabihis ng tila isang rebelde. Nasa edad 60’s na ito, kulobot na rin ang kaniyang balat at kaniyang buhok ay kulay puti na rin."Paano kung dahil sa mga ‘yon ay mabuko ang tinatagong lihim ng islang ito?" Patuloy ni Rodolfo na mababakas sa boses na nanggagalaiti na ito.

"Anong gusto mong gawin ko, pabalikin na sila ng Maynila?" seryosong wika ni Verhel.

"Utusan mo ang mga tauhan mo na ligpitin ang kalat na dinala ninyo rito sa Isla." Nakangising wika ni Rodolfo bago humithit ng sigarilyo.

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot-noo na tanong ni Verhel.

"Hindi niyo sila pababalikin ng Maynila ng buhay." 

RIVER BOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon