"O bihis na bihis ka yata Louise, saan ang lakad mo?" Pagtataka ni Gen. Dollente nang makita ang anak na pababa ng hagdan. Pasado alas-tres ng hapon nang umuwi si General Dollente sa kanilang bahay upang bisitahin ang anak.
"Paano ninyo nagawang magsinungaling sa akin? Wala na ba talaga kayong gagawing tama?" sarkastikong wika ni Stephanie na ngayon ay alam na buong katotohanan matapos na magsumbong si Janella at tumistigo si Yuan nang tawagan nila ito.
"L-Louise anak, ano bang—"
"Alam ninyo kung ano ang tinutukoy ko General Dollente. Ang tanong ko lang ay bakit? Bakit kailangan niyo magsinungaling sa akin? Ayaw mo ‘kong nakikitang nasasaktan, pero sa ginagawa mong ‘to, higit pa sa sakit ‘yung pinaparamdam mo sa akin." Naiiyak dahil sa labis na sama ng loob na wika ni Stephanie sa kaniyang ama.
"L-Louise..."
"Bakit ninyo nilihim sa akin ang totoo? Bakit ninyo 'ko pinaniwala sa isang kasinungalingan?!" Sigaw ni Stephanie na umalingawngaw sa buong bahay."Bakit itinago niyo sa akin ‘yung totoo?" Patuloy pa ni Stephanie hanggang sa tuluyan nang tumulo ang kaniyang luha.
"Dahil hindi ko gusto ang lalakeng iyon para sa’yo Louise. Hindi ang isang tulad niya ang gusto ko para sa’yo," katwiran ni Simon.
"Pero mahal ko siya. Kahit anong sabihin ninyo, mahal ko si Gabriel at alam kong mahal niya rin ako kaya bakit hindi na lang kayo maging masaya para sa amin?" ani Stephanie.
"Patawarin mo ‘ko Louise.." Mahinahon na wika ni Simon na halos lumuhod na sa harapan ng anak.
"Hindi ko alam...Hindi ko alam kung dapat ko pa ba kayong paniwalaan o pakinggan. Naturingan ko kayong ama, pero wala na kayong ibang ginawa kundi saktan ako emotionally," ani Stephanie habang patuloy sa pagragasa ang kaniyang luha.
"I’m sorry anak. I’m sorry..." sinserong paghingi ng tawad ng kaniyang ama.
"Aalis ako ngayon, pupuntahan ko sa Feliciano si Gabriel at wala kayong magagawa upang mapigilan ako." Matigas na pagkakasabi ni Stephanie at agad nang umalis.
Paglabas ng gate ay eksakto naman na kababa lang ni Noel sa kaniyang kotse.
"T-Tiffany, saan ang punta mo?" Pagtataka ni Noel at agad na lumapit sa kaibigan.
"Stop acting like you are my real friend, ‘cause you’re not," sarkastikong wika ni Stephanie.
"H-Hindi kita maintindihan. A-Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang wika ni Noel.
"Wow! Hindi ka lang pala isang journalist, you’re a great actor too," sarkastiko at nakangising wika ni Stephanie dahilan upang kumunot ang noo ni Noel.
"T-Tiffany, hindi kita maintindihan. Ano bang—"
"You lied to me. Why did you lied to me? Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo na buhay si Gabriel? Bakit nakipagsabwatan ka pa kay Daddy para lang paniwalain ako sa isang kasinungalingan? Dahil ayaw niyo kay Gabriel para sa akin? Gano’n ba?" ani Stephanie na punong puno na ng sama ng loob.
"Tiffany I will explaine—"
"Hindi na kailangan. Sapat na sa akin na malaman hindi dapat kita pinagkatiwalaan. Sapat na sa aking malaman na kahit pala gaano katagal ang pagkakaibigan niyo, hindi ‘yon sapat na rason para masabi mong tapat siya sa’yo at hindi ka niya magagawang traydurin," sarkastikong wika ni Stephanie at akmang aalis na ngunit agad siyang hinarang ni Noel.
"Tiffany please, let me explained. Pakinggan mo naman sana ‘yung paliwanag ko." Nakikiusap na wika ni Noel.
"Para ano pa? Para maniwala na naman sa kasinungalingan mo? Ninyo ni Daddy? Hindi na, nakakasawa na!" Matigas na wika ni Stephanie at walang pakundangan na itinulak si Noel na nakaharang sa kaniyang daraanan pagkatapos ay agad na tinungo ang kotse nakaparada sa hindi kalayuan. Kotse iyon ni Scarlet na tinawagan niya kanina upang sunduin siya at ihatid sa airport.
BINABASA MO ANG
RIVER BOAT
RomanceDESCRIPTION: Masayahin, makulit, supportive at malambing. Ganiyan kung ilarawan ng kaniyang mga kaibigan ang dalawangpu't dalawang taong gulang (22year old) vlogger na si Stephanie Louise Dollente. Wala pang isang taon bilang isang vlogger ang dalag...