Mag u-umaga na ngunit nananatiling gising ang diwa ni Stephanie. Nakahiga ang dalaga sa papag na may manipis na foam at sapin habang nakatingala sa kisame, higaan ito ng binatang si Gabriel ngunit pansamantala munang siya ang gumagamit ng silid ng binata habang nananatili siya sa bahay nito.
Nabaling ang mata ni Stephanie sa wall clock na nakasabit sa pader sa itaas ng pintuan ng silid."Mag a-alas singko na pala ng umaga," wika nito sa kaniyang sarili.
Maya-maya pa ay nakarinig ang dalaga nang kaluskus mula sa labas ng silid, marahil ay gising na ang binata at naghahanda na sa kaniyang pagpapalaot ngayong umaga. Sa sala lang kasi natutulog si Gabriel, pinagkakasiya ang sarili sa mahabang mono-bloc na upuan na may isang unan at kumot pang laban sa lamig.
"Ano, tara na?" ani Alvin na sinusundo ang kaibigang si Gabriel.
"Hindi muna ako makakasama ngayon, may importante kasi akong gagawin," ani Gabriel. Nang marinig ‘yon ni Stephanie ay kaagad na nagsalubong ang kilay ng dalaga.
"Gano'n ba? Sige, hindi na kita kukulitin at hinihintay na rin ako ni Tiyo sa pangpang," ani Alvin.
"Sige ingat," ani Gabriel at tinanguan lamang siya ni Alvin bago umalis.
Nang makaalis ang kaibigan ay kaagad nang sinara ni Gabriel ang pintuan at saka nabaling ang tingin sa pinto ng kaniyang silid kung saan si Stephanie ang pansamantalang gumagamit.
Samantala, ilang sandali pa ay nakarinig si Stephanie ng sunod-sunod na yabag na patungo sa pinto ng silid kung na saan siya kaya mabilis siyang nagtalukbong ng kumot at umarte na natutulog pa.
Pag bukas ni Gabriel ng pintuan ay nadatnan niyang nakabalot ng kumot ang dalaga habang nakabaluktot na natutulog. Napangisi siya sa kaniyang sarili nang makita iyon pagkatapos ay agad na rin siyang lumabas ng silid at bumalik sa kaniyang higaan.
Nang masiguro ni Stephanie na nakaalis na ang binata ay saka niya dahan-dahan ibinaba ang kumot na nakatalukbong sa kaniya. Hindi naman na siya inaantok dahil sa sobrang dami niyang iniisip kaya naisipan niyang bumangon na lang at lumabas ng silid upang makigamit ng banyo.
Paglabas ng silid, unang bumungad sa kaniya ang binatang si Gabriel na nakabaluktot habang nakahiga sa pahabang mono-bloc. Naka-jacket naman ‘to pero parang lamig na lamig, hanggang sa mabaling ang mata ng dalaga sa kumot na nahihigaan ng binata kaya siya napailing. Sandaling bumalik si Stephanie sa loob ng silid upang kunin ang kumot niya at iyon ang ipagamit sa binata.
Maingat at dahan-dahan na humakbang si Stephanie palapit sa kinaroroonan ng binata upang hindi ito magising. Nang makalapit na siya ay saka niya ito kinumutan. Pasimple naman na kumurba ang matamis na ngiti sa labi ng binata dahil sa ginawang iyon ng dalaga.
Paalis na ang dalaga nang mapatigil siya matapos na marinig na umubo ang binata kaya siya napalingon dito.
"Nasamid lang." Nakapikit na wika ni Gabrel.
"G-Gising ka pa?" Nauutal na wika ni Stephanie dahil marahil ay nalaman ng binata na kinumutan niya ‘to kanina.
"Obvious ba?" sarkastikong balik na tanong ng binata sa dalaga.
"Hindi ba sabi mo, mangingisda kayo ngayon? Why are you still here?" Kunot-noo na tanong ni Stephanie kahit narinig naman na niya kanina ang sinabi nito sa kaibigan.
"May mas importanteng bagay kasi akong gagawin ngayon kaya hindi muna ako sumama sa kanila," wika ni Gabriel nang idilat na nito ang kaniyang mata ngunit nananatiling nakahiga sa mono-bloc.
"Care to share. Pero kung ayaw mo sige la—"
"May pupuntahan tayo mamayang umaga kapag sumikat na ‘yung araw," ani Gabriel saka nilingon ang dalaga na nakatayo isang dipa mula sa kaniya.
"S-Saan?" Pagtataka ng dalaga.
"Sa Bayan," tipid na sagot ni Gabriel saka bumangon at nilagay sa gilid ang kumot.
"At ano naman ang gagawin natin doon?" Nakataas ang isang kilay na wika ni Stephanie.
"Bukod sa gusto kong igala ka dahil sure naman ako nakakaramdam ka ng inip at lungkot, bibilhin din kita ng damit at cellphone para matawagan mo ‘yung pamilya mo sa Maynila. Para malaman nila na nasa maayos ka naman na kalagayan," ani Gabriel.
"Pamilya? I don’t have family. Ang mga kaibigan ko, sila na ang tinuruting kong pamilya ko," mapaklang wika ni Stephanie.
"Ang papa mo, hindi mo man lang ba ipapaalam sa kan—"
"Wala naman ‘yon pakialam sa akin, kaya bakit ko pa kailangan ipaalam sa kaniya kung na saan o anong sitwasiyon ko ngayon?" sarkastikong wika ni Stephanie.
"Hindi mo dapat hinahayaan ang sarili mo na lamunin ng galit at sama ng loob, kahit ano pa ang nagawang pagkakamali sa’yo ng iyong ama. He’s still your father," malumanay na wika ni Gabriel.
"You know my name, but not my story. So you better shut your mouth. Okay?" sarkastikong wika ni Stephanie saka ngumisi.
——
"Ang aga natin nagising ah," bungad na bati ni Scarlet nang maabutan sa sala sina Eugene at Noel.
"Mukhang hindi naman natulog ‘yung dalawang iyan, tignan mo nga ‘yung mga mata. May dark round circle. Mukha silang panda." Natatawang wika ni Janella.
"Buti nga kayo nagagawa pa ninyong matulog nang maayos knowing na hindi natin alam kung na saan at anong sitwasiyon ngayon ni Tiffany," seryosong wika ni Noel nang ipatong sa coffee table ang Laptop nito.
"S-Sorry. Pero kung sa tingin ninyo hindi kami nag aalala ni Janella, nagkakamali kayo. Kaibigan at parang kapatid na ang turing namin kay Tiffany, para na nga natin siyang nakbabatang kapatid e. Gusto lang namin pagaanin ‘yung sitwasiyon, walang magandang mangyayari kung lahat tayo ay magpapaka-stress. Paano natin magagawang mahanap ng maayos si Tiffany kung lahat na tayo na-stress? Paano tayo makakapag isip ng maayos kung kagaya niyan, kulang kayo sa tulog." Mahabang sermon ni Scarlet
BINABASA MO ANG
RIVER BOAT
RomanceDESCRIPTION: Masayahin, makulit, supportive at malambing. Ganiyan kung ilarawan ng kaniyang mga kaibigan ang dalawangpu't dalawang taong gulang (22year old) vlogger na si Stephanie Louise Dollente. Wala pang isang taon bilang isang vlogger ang dalag...