CHAPTER 30

198 8 0
                                    

"N-Nasaan si Tiffany? Bakit hindi mo siya kasama?" Pagtataka ni Gabriel nang dumating sa Hospital si Noel kasama si General Dollente upang ihatid ito sa airport at masigurong hindi na nito magugulo pa si Tiffany.

"Hindi makakapunta ang anak ko dahil masama ang pakiramdam niya," seryosong saad ni Gen. Dollente."Ito, pinabibigay niya 'yan sa'yo. Siya ang sumulat niyan." Patuloy pa ng Heneral bago iabot ang sobre sa binata.

Tila may pag aalinlangan naman na inabot iyon ni Gabriel at saka tumingin kay General Dollente na tila may pag dududa.

"Sige na Gabriel, basahin mo na ang sulat ni Tiffany para sa’yo." Tila naiinip na wika ni Noel saka nilingon si General Dollente na seryosong nakatingin manugang nito.

Hindi na nga nag atubili pa si Gabriel at kaagad nang binuksan ang sobre saka kinuha ang papel na puti kung saan doon nakasulat ang liham sa kaniya ng kaniyang asawa.

'Gabriel, sorry kung hindi ko mapagbibigyan ‘yung wish mo na magkita tayo bago ka umalis. Masama kasi ang pakiramdam ko. Hindi ko na papahabain pa ang sulat kong ito sa‘yo. Gab, sorry pero may gusto sana akong ipakiusap sa’yo. Kalimutan mo na ‘ko, kalimutan mo na kung ano man ang namagitan sa atin, kalimutan mo nang minsan sa buhay mo ay nakilala mo ‘ko, kalimutan mo na ang lahat sa atin at iyon din ang gagawin ko. Alam kong hindi iyon madali ngunit iyon ang mas makakabuti para sa atin dalawa. Iniisip ko lang ang kaligtasan mo, kaya nakikiusap sa’yo kalimutan mo na ako. You deserves someone better at alam kong hindi ako ‘yon.'

Halos madurog ang puso ni Gabriel matapos na mabasa ang sulat na iyon na mula kay Tiffany. Hindi siya makapagsalita at nakatitig lamang sa hawak na papel habang unti-unting pumapatak ang luha sa kaniyang mga mata.

"Nakikiusap ang anak kong si Tiffany na kalimutan mo na siya. Kung nag aalala ka sa kasal ninyo, ako na ang bahala na maglakad ng annulment paper ninyong dalawa upang mapawalang bisa inyong kasal," ani General Dollente.

"Hindi na kailangan. Lalayuan ko si Tiffany kung iyon ang gusto niyo, pero mananatili siyang asawa ko. Mananatili siyang asawa ko sa mata ng diyos at sa batas. Hindi ako magpa-file ng annulment." May paninindigan na wika ni Gabriel habang kinukulumos ang hawak na papel sa kaniyang kamay.

--

Kinabukasan....

"Ano na kayang nangyari sa Kuya Gabriel mo? Diyos ko, sana naman po ay nasa-" Hindi naituloy ni Aling Rosita ang pagsasalita nang marinig ang boses ng anak na si Gabriel na tumatawag sa labas ng kanilang bahay.

"Si Kuya Gabriel ba iyon?" ani Grace at agad na dumuwang sa bintana."Si Kuya nga! Mama, si Kuya Gab nandito na!" Nag uumapaw sa galak na saad ni Grace na dali-daling lumabas ng bahay upang salubungin ang nakatatandang kapatid na bakas pa ang ilang peklat nang natamong sugat at pasa sa mukha at braso nito. Sariwa pa rin sugat nito sa may parteng dibdib kung saan tinanggal ang balang tumama sa kaniyang katawan.

"Anak ko! Ano ang nangyari sa iyo? Labis-labis kaming nag aalala sa iyo. Diyos ko salamat po at ligtas na nakauwi ang anak ko!" Umiiyak sa labis na galak na wika ni Aling Rosita nang yakapin si Gabriel na wala man lang emosiyon dahil nasa utak pa rin nito ang nilalaman ng sulat sa kaniya ni Tiffany.

"Kuya, bakit hindi ka nagsasalita? Ayos ka lang ba? Siya nga pala, si Tiffany? Ang asawa mo? Kumusta siya?" Magkakasunod na tanong ni Grace na may pag aalala nang makapasok na sila sa loob ng bahay.

"Maayos naman ang kalagayan ni Tiffany, at mas magiging maayos na siya ngayon," ani Gabriel saka mapaklang ngumiti.

"Bakit nga pala hindi mo siya kasamang bumalik dito sa atin?" Pagtataka ni Aling Rosita na aminado namimiss ang kaniyang paboritong manugang.

RIVER BOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon