CHAPTER 29

158 10 0
                                    

Two days later....

Dalawang araw na ang nakalilipas magmula nang maganap ang trahedyang magpapaguho sa mundo ni Stephanie. Ang trahedyang tatapos sa masayang simula nang pag iibigan ng isang mangingisda at vlogger. Ang trahedyang magpapabago sa takbo ng buhay ni Stephanie.

Magmula nang pumanaw ang kaniyang asawa ay nawalan na rin ito nang gana na gawin ang mga bagay na madalas niyang ginagawa noon. Tulad ng vlogging, pamamasiyal at pakikipag-kita sa mga kaibigan. Madalas na lamang na nakakulong si Stephanie sa kaniyang kwarto at pinagmamasdan ang wedding ring nila ng asawa.

"Ma’am Louise, kumain na raw po kayo sabi ng Daddy niyo. Kaninang umaga pa po kayo hindi kumakain," ani Terisita na nasa edad 40’s na. May bibit itong food tray na naglalaman ng pagkain ni Stephanie.

"Wala pa po akong gana. Paki-balik na lang po niyan sa ibaba," ani Stephanie at saka pumihing ng pagkakahiga sa kaniyang kama.

Napabuntong hininga ang kasambahay bago ilapag ang food tray sa bedside table at nagsalita,"Kapag hindi po kayo kumain, magkakasakit po kayo. Kapag nangyari po ‘yon, mas lalo lang po mag aalala sa inyo si Sir Simon." May pag aalalang wika ni Terisita dahilan upang matawa si Stephanie at lingunin ang kasambahay.

"At kailan pa nag alala si Dad sa akin? E lagi lang naman sarili niya ang iniisip niya. Wala siyang pakialam sa kung ano ang mararamdaman ko," sarkastikong wika ni Stephanie.

"Nagkakamali po kayo Ma’am Louise. Mahal po kayo ng Daddy niyo, siguro hindi niya lang po iyon maiparamdam sa inyo pero ‘yon po ang totoo. Matagal na po akong naninilbihan bilang kasambahay ng inyong ama, at saksi po ako kung gaano siya araw-araw at gabi gabing nangungulila sa'yo noong magpasiya kang bumukod ng tirahan," pagkukwento ng kasambahay ngunit tila naging bato na ang puso ni Stephanie at wala nang kahit anong maramdaman.

"Tingin mo maniniwala ako? Saksi ka rin ba kung paano ako ipagpalit ni Dad sa bagong pamilya niya? Kay Tita Mercedez at sa dalawang naging anak nila. Pasalamat na lang siguro ako ngayon dahil wala sila rito sa bahay, dahil baka lalo lang akong maiinis kapag nakasama ko ang bagong pamilya niya sa iisang bubong," sarkastiko at mataray na wika ni Stephanie."Lumabas ka na ng silid ko, gusto ko mapag-isa. Ayaw ko muna ng kausap." Pagpapatuloy ni Stephanie.

"S-Sige po, iiwanan ko na lang po ‘yung pagkain ninyo rito sa bedside table," ani Terisita bago lumabas ng silid ng dalaga.

Nang muli itong mapag isa ay muli na naman bumuhos ang mga luha mula sa mata ng dalaga. Halos kagatin na niya ang pang ibabang labi upang hindi lumikha ng ingay ang kaniyang pag iyak. Sobrang hirap na hirap na ang kalooban niya dahil sa biglaang pagkawala ng lalakeng nagturo sa kaniyang magmahal.

Ilang sandali pa ay nabaling ang tingin ni Stephanie sa cellphone na nasa tabi niya matapos itong mag ring.

'Incoming Call.....Scarlet'

Agad niyang pinunasan ang kaniyang luha sa pisngi bago sinagot ang tawag ng kaibigan.

"Hi Sis, kumusta?" Agad na bungad ni Scarlet habang nakatingin sa bagong nail polish niyang kuko nang sagutin ni Stephanie ang tawag niya.

"Ano pa nga ba?" Walang buhay na tugon ni Stephanie dahilan upang sumimangot si Scarlet.

"Alam mo sis, walang mangyayaring maganda kung palagi ka na lang magmumumok d’yan sa apat na sulok ng kwarto mo. That's life, people come and go talaga. Iyon nga lang, masiyadong napadali ang pag alis ni Gabriel sa buhay mo. Pero hindi ibig sabihin no'n ay ikukulong mo na ang sarili mo mula sa karaan. Move forward Sis, acceptance is the key ika nga nila," malumanay na pagpapayo ni Scarlet sa kaibigan.

"Ang hirap," ani Stephanie nang muli na naman pumatak ang kaniyang luha."Ang hirap tanggapin na gano’n kabilis kaming pinagtago ng kapalaran pero gano’n din pala siya kabilis na kukunin sa akin." Pagpapatuloy nito.

"Isipin mo na lang na lahat nangyayari sa mundo ay may dahilan. Hindi man ngayon, pero darating ang araw magiging okay ka rin. Basta lagi mo lang tatandaan na palagi kaming nandito ng mga kaibigan mo. Hindi namin hahayaan na habang buhay ka na makaramdam ng lungkot." Nakangiting wika ni Scarlet na akala mo ba ay kaharap lang niya ang kausap.

"Salamat." Tipid na tugon ni Stephanie bago naputol ang kanilang pag uusap.

——

"Pinatatawag mo raw ako, Dr. Ramos?" ani Noel nang makaharap ang Military Doctor na si Dr. Angelo Ramos, 44 years old.

"Hindi ko kasi ma-contact si General Dollente kaya ikaw na lang ang pinatawag ko, tutal ikaw din naman ang kasama niya nang dalhin dito ang pasiyenteng si Gabriel," ani Dr. Ramos.

"Ano ang balita sa kaniya? G-Gising na ba siya?" ani Noel na kasabwat ng ama ni Stephanie sa pagpapaniwala sa dalaga na patay na ang asawa nito.

"Oo, gising na siya at may hinahanap siya. Si Tiffany, ang ni General Dollente. Magkakilala ba silang dalawa?" Pagtataka ni Dr. Ramos dahilan upang sandaling matahimik si Noel.

"Hindi. Hindi sila magkakilala." Pagsisinungaling ni Noel.

"Pero—"

"Maaari ko na ba siyang puntahan?" seryosong wika ni Noel dahilan upang hindi maituloy ni Dr. Ramos ang sasabihin.

"S-Sige," ani Dr. Ramos kaya agad na siyang tinalikuran ng binata.

Pagpasok sa loob ng katamtaman laki ng silid, naabutan ni Noel si Gabriel na kasalukuyan pinapalitan ng dextrose ng naka-assign na nurse. Nang matapos ang nurse ay agad na rin itong umalis.

"Ako si Noel, kaibigan ako ni Stephanie," seryosong wika ni Noel nang magtama ang mga mata nila ni Gabriel.

"N-Nasaan ang asawa ko? K-Kumusta siya?" Nanghihinang wika ni Gabriel.

"She’s fine. Pero siguro mas magiging okay si Stephanie kung lalayo ka na sa kaniya nang tuluyan." Walang paligoy-ligoy na wika ni Noel.

"A-Ano ang ibig mong—"

"You know what I mean, Gabriel. Hindi ka naman siguro ngayon lang ipinanganak," sarkastikong wika ni Noel."Layuan mo si Stephanie, para din ito sa ikabubuti mo." Pagpapatuloy ni Noel.

"Hindi ko magagawa ang gusto mo. Mahal ko si Tiffany. Nagmamahalan kami ng asawa ko kaya kahit anong sabihin ninyo, hinding hindi ko siya iiwan." May paninindigan na wika ni Gabriel dahilan upang uminit ang ulo ni Noel na kulang na lang ay sapakin niya ito.

"Walang magandang maidudulot ang pananatili mo sa relasiyon ninyong dalawa. Hindi mo ba nakikita? Muntik nang mapahamak si Stephanie ng dahil sa kagustuhan niyang mailigtas ka sa kamay ng mga rebelde. Sinisira mo lang ang buhay ng kaibigan ko Gabriel. She’s only twenty-two year old, kung tutuusin nga ay marami pang oppurtunity ang naghihintay sa kaniya. But because of you, nasira ang lahat ng ‘yon. Nasira ang lahat ng pangarap niya magmula nang dumating ka sa buhay niya," ani Noel."Mamayang gabi rin ay ihahatid kita sa airport pauwi sa probinsiya mo sa Bicol. At pakiusap, huwag mo na sanang guluhin pa si Stephanie. Kalimutan mo na lang ang namagitan sa inyong dalawa ng kaibigan ko. Dahil kung talagang mahal mo siya, pipiliin mo kung ano ang mas higit na makabubuti para sa kaniya at iyon ang lumayo ka."

"Hindi ako aalis hangga’t hindi kami nagkakausap ni Tiffany. Gusto ko siyang makita," ani Gabriel."Papayag ako sa gusto mo na layuan siya kung iyon ang mas higit na makabubuti para sa kaniya kung papayag ka rin na makausap at makita ko siya bago ako tuluyang lumayo." Patuloy pa ni Gabriel.

——

"Noel ikaw pala, nabanggit sa akin ni Dr. Ramos nang mag text siya kanina nanggaling ka raw sa Hospital. Anong balita? Gising na ba si Gabriel?" seryosong wika ni General Dollente nang puntahan siya ni Noel sa kaniyang opisina.

"Oo Tito gising na siya," tugon ni Noel nang maupo sa couch.

"Nasabi mo ba sa kaniya ang ibinilin ko sa’yo?" ani Gen. Dollente kaya naman napabuntong hininga si Noel. Kung tutuusin hindi rin niya gusto ang kaniyang ginagawa dahil batid niya na mas higit na masasaktan ang kaibigan kapag nalaman nitong pinagsisinungalingan siya ng kaniyang sariling ama—at matalik na kaibigan.

"Yes Tito, at may pakiusap siya." Malumanay na wika ni Noel.

"Pakisuap?" Pag lilinaw ni Gen. Dollente.

"Gusto niyang makita’t makausap si Stephanie bago siya umalis at magpakalayo-layo," ani Noel.

RIVER BOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon