CHAPTER 19

127 9 1
                                    

"Kauuwi mo lang ba?" ani Stephanie habang magkasabay silang kumakain ng almusal ni Gabriel sa kusina.

"Kanina pang 7:30AM, medyo mataas kasi ang alon kaya nagpasiya na kaming bumalik na agad. Hindi lang kita ginising kasi sobrang himbing pa ng tulog mo kanina," ani Gabriel bago sumimsim ng kape.

"Ah gano’n ba? Kumusta naman? Marami naman ba kayo nahuli kahit papano?" ani Stephanie habang hinahalo ang gatas na nasa kaniyang tasa bago ito inumin. Hindi kasi sanay na uminom ng kape ang dalaga.

"Marami naman. May lucky charm ako eh." Nakangising wika ni Gabriel habang diretsong nakatingin sa mga mata ng dalaga.

"Ano?" ani Stephanie.

"Hindi ano, sino." Paglilinaw ni Gabriel."Ikaw." Patuloy nito.

"A-Ako?" ani Stephanie sabay turo sa sarili.

"Oo, ikaw. You’re now my lucky charm. You have no idea how you saved me from sadness," ani Gabriel at saka hinawakan ang kamay ng dalaga."Sobrang swerte at blessed ako na dumating sa buhay ko." Pagpapatuloy pa ng binata.

"I saved you? Hindi ba’t ikaw nga ang tumulong at nagligtas sa akin?" Naguguluhang wika ni Stephanie.

"Oo. Pero alam mo ba noong gabi bago ka mapadpad dito? Nagbabalak na akong tapusin ang buhay ko, dahil sa emotional stress na nararanasan ko sa mga taong nakapaligid sa akin. And then I asked God na bigyan ako ng sign kung bakit kailangan ko pang magpatuloy. Kung bakit hindi ko dapat tapusin ang buhay ko. Then you came." Pagkukwento ni Gabriel habang hawak ang kamay ng dalaga na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Walang kahit anong salita ang namutawi sa labi ng dalaga nang mga sandaling iyon, nakatitig lamang siya sa nakakaakit na mata ng binata."Thank you Stephanie, thank you for saving me."

"Hindi ko alam na may gano’n kabigat ka palang pinagdaraanan." Malumanay na wika ni Stephanie na tila nakakaramdam ng guilt.

"Ayos lang. Ang mahalaga napawi na ang lahat ng ‘yon mula nang dumating ka sa buhay ko." Nakangiting wika ni Gabriel at saka hinagkan ang kamay ng dalaga.

"Matanong ko nga pala, saan galing 'yung sunflower?" ani Stephanie upang mabaling sa iba ang usapan.

"Secret." Natatawang wika ni Gabriel saka nilagok ang natitirang kape sa kanyang tasa.

"Tsk. Secret ka pang nalalaman d’yan," ani Stephanie.

"Hindi naman na kasi mahalaga kung saan ‘yon nanggaling. Ang mahalaga ay nagustuhan mo mahal ko," ani Gabriel at saka ngumiti.

"Hindi mo naman siguro ‘yon pinitas sa garden na may nakalagay na Bawal Pumitas, hindi ba?" Natatawang wika ng dalaga.

"Parang gano’n na nga." Natatawang tugon ni Gabriel.

"W-What?! Hindi mo dapat ginawa 'yon Gab! Paano kung—"

"Chill. Nagbibiro lang naman ako. Binili ko 'yan sa bayan kaninang umaga, nagmamadali pa nga ako kasi baka pagdating ko gising ka na. Mabuti naman naabutan pa kitang tulog. 30mns after ko ilagay sa kwarto ‘yung Sunflower nagising ka na." Paglilinaw ni Gabriel.

——

"Sa tingin mo ba matutulungan tayo ni Yuan na mahanap si Stephanie?" ani Scarlet na may pagdududa pa rin sa kakayahan ng private investigator na si Yuan.

"We need to trust him. Sa pagkakataong ito, wala naman ibang makakatulong sa atin kundi siya lang at ang Daddy ni Stephanie," ani Janella na nakasandal sa pader at pinapaikot-ikot sa kaniyang daliri ang susi ng kaniyang kotse."We need to trust my baby Yuan." Pagpapatuloy pa ni Janella na ikinakunoot ng noo ng mga kaibigan nito lalong lalo na si Scarlet na nakaupo sa sofa na napasalubong pa ang kilay.

RIVER BOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon