CHAPTER 15

151 8 0
                                    

"But I’m more lucky to have you," sambit ni Gabriel sa sarili habang nakatitig sa mga mata ng dalaga. Nang araw din na iyon, batid ng binata na lihim siyang umiibig sa dalaga. Sa maikling panahon na nakasama niya ang dalaga, mabilis nitong nabihag ang puso niya na wala pang kahit na sinong nakagagawa.

"You know what? You have an attractive brown eyes. May nakapagsabi na ba noon sa‘yo?" Nakangiting wika ni Stephanie, agad naman umiling ang binata."Talaga? Imposible naman yata na ako lang ang nakapansin ng brown eyes mo."

"Maraming nagsasabi sa akin na brown nga raw ang mata ko, pero ikaw lang ang nagsabing attractive ito," seryoso at malumanay na wika ni Gabriel kaya hindi naman hindi mapigilan na mapangiti ang dalaga.

"Ang bilis ng oras, mag a-alas onse na pala ng tanghali," ani Stephanie nang makita ang oras sa malaking orasan na nasa plaza.

"Kaya nga e, kung puwede nga lang na patigilin ang oras para mas mahaba pa natin makasama ang mahahalagang tao sa buhay natin—kaso hindi. We can’t for someone to say," ani Gabriel na hindi maitatanggi ang lungkot sa mga mata.

"That’s okay." Nakangiting wika ni Stephanie."People come and go." Magkasabay nilang pagkakasabi kaya naman agad silang nagtinginan at impit na natawa.

"Bakit ganoon? May mga taong pinagtatago, pinaglalapit at pinagsasama ngunit hindi naman pala tinadhana hanggang sa huli." Nakatingin sa malayo na tanong ni Gabriel sa dalaga.

"Siguro kasi, pinagtago ang dalawang taong iyon hindi para magsama hanggang sa huli ngunit upang maging lesson para sa isa’t isa. Oo, masakit. Kasi kung kailan marami na kayong binubuong pangarap para sa isa’t isa, saka pa kayo paghihiwalayin ng tadhana." Malumanay na pagpapaliwanag ni Stephanie.

"Grabeng hugot mo ah." Natatawang wika ni Gabriel."Have you ever been inlove?"

Dahil sa tanong na iyon ni Gabriel ay sandaling natahimik ang dalaga. Naalala niya ang tanong ni Janella kay Noel noong nasa Islang Puting Bato sa kanila.

"Natahimik ka na, ayos ka lang ba?" Puna ni Gabriel nang mapansin na hindi na sinagot ni Stephanie ang tanong niya.

"M-May naalala lang ako." Nauutal na tugon ni Stephanie."A-Ano nga ulit ‘yung tanong mo?" Pag uulit nito.

"H'wag mo na lang sagutin. Tara na, uwi na tayo. Baka hinahanap na tayo ni Mama," ani Gabriel saka ngumiti sa dalaga bago tumayo sa kinauupuan.

"M-Mas mabuti pa nga," tugon ng dalaga at tumayo na rin.

——

"Anong balita sa pinapagawa ko sa’yo Gregor?" seryosong tanong ni Commander Rodolfo sa kararating lang na si Gregor na inutusan niya upang hanapin ang anak ni Gen. Dollente.

"May dalawa akong ibabalita sa’yo Commander. Isang good news at isang bad ne—"

"P*nyeta!" Malutong na pagmumura ni Commander Rodolfo bago binato sa pader ang hawak niyang bote ng beer."Mukha ba akong nakikipag biruan sa’yo Gregor?!" Nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa nanginginig na si Gregor dahil sa pagkabigla sa naging reaksiyon ni Rodolfo.

"H-Hindi po Commander." Nakayukong wika ni Gregor dahil sa abot langit na kaba at takot.

"Ano ang sasabihin mo?" ani Rodolfo nang mahimasmasan na ito.

"T-Tungkol sa anak ng mortal ninyong kaaway noon pa man. May nakapagbalita sa akin mula sa kaanib natin na nasa probinsiya ng Bicol, may babae raw na natagpuan sa isang bayan doon—sa bayan ng Feliciano. At sa kaniyang palagay, isang mangingisda ang nakakuha sa kaniya." Pagbabalita ni Gregor na unti-unti ng nawawala ang takot sa dibdib ng makitang kalmado na ang kanilang Commander.

RIVER BOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon