CHAPTER 10

157 9 1
                                    

"Ano?! Bakit mo naman ginawa ‘yon Verhel?!" Hindi makapaniwalang reaksiyon ni Gregor matapos na malaman ang ginawang pagpapatakas sa apat pang natitirang kaibigan ni Stephanie sa Isla Puting Bato.

"Nangako naman sila na magiging tikom ang kanilang bibig hanggang sa makabalik sila ng Mayni—"

"At naniwala ka naman? Verhel hindi ka ba talaga nag-iisip? Paano kung dahil sa ginawa mo matunton ng mga Militar ang kampo natin? Lalo pa’t anak ng mortal na kaaway ni Commander Rodolfo ang isa sa limang kabataan na nagpunta rito," giit ni Gregor na napatayo na sa kaniyang kinauupuan.

Dahil naman sa sinabing ‘yon ng kanang kamay ni Commander Rodolfo na si Gregor ay napasalubong ang kilay ni Verhel.

"Anong ibig mong sabihin?" Labis na na pagtataka ni Verhel.

"Ang nag iisang anak na babae ni Gen. Simon Dollente sa una nitong asawa ay kasama ng limang kabataan na nagtungo rito kahapon. Siya ang babaeng tumakas sakay ng isa sa bangka ninyo," ani Gregor.

"Si Stephanie?" Halos hindi makapaniwalang wika ni Verhel.

"May iba pa ba? Oo, siya nga. Kaya nga ako nagpunta rito para ipagbigay alam ‘yon sa’yo at sa mga tauhan mo upang tulungan akong hanapin siya. Kailangan natin maunahan si General Dollente sa paghahanap sa kaniyang unica hija. Dahil malamang sa malamang, matapos mong pairalin ‘yang katangahan mo ay nakapag sumbong na ang isa mga kaibigan ng babaeng ‘yon sa ka ama nito," ani Gregor.

Nananatili naman na walang kibo si Verhel dahil kahit papano ay nakaramdam din siya ng pag aalala sa dalaga nang tumakas ito kagabi. Hindi niya lang iyon magawang ipahalata dahil nasa Isla ang NPA Commander na si Rodolfo at ang mga tauhan nito. Kaya nang makaalis na ang mga ‘to ay humingi siya ng tulong sa kaniyang asawa na si Minerva na patakasin ang mga naiwang kaibigan ni Stephanie sa isla.

"Nasaan nga pala si Francis? May nakapag sabi sa akin na pinamunuan niya kagabi ang pag tugis sa tumakas na si Stephanie, ano ang nangyari? Bakit hindi niya naibalik dito sa isla ang babaeng ‘yon?" seryosong tanong ni Gregor sa nakatulalang si Verhel."Masiyado yatang malalim ang iniisip mo Verhel, natatakot ka ba na malaman ni Commander ang kapabayaan mo?" Pang iinis pa nito ngunit tinignan lamang siya ng seryoso ni Verhel.

——

"Nandito na tayo sa labas ng bahay ng Daddy ni Tiffany, sigurado na ba tayo sa gagawin natin? Paano kung wala naman d’yan sa loob ang Daddy niya? Paano kung 'yung masungit na pangalawang asawa lang niya ang nand'yan. At paano rin kung nand'yan nga ang Daddy niya, hindi naman maniwala o makinig sa atin?" May pag aalinlangan na saad ni Janella.

Nakabalik na sila ng Maynila matapos na patakasin ni Verhel kapalit ng pangakong hindi ipagsasabi ang naganap o kung anong meron sa isla. Ngunit nagbago ang isip ng magkakaibigan nang sabihin sa kanila ni Noel ang nangyari sa kaibigang si Stephanie matapos na marinig ang usapan ng mga dapat tutugis sa dalaga ng gabing iyon.

"Hindi natin puwede ipagsawalang bahala na lang ito, Janella. Kung nakinig lang sana tayo sa kanila ni Noel, hindi naman mangyayari ‘to e. Hindi sana mawawala si Tiffany. Kasama natin siya na babalik dito sa Maynila," wika ni Scarlet na puno ng pagsisisi at pag aalala para sa kaibigan na si Stephanie.

"Huwag na tayo magsisihan. Gawin na lang natin ang dapat nating gawin ngayong nasa Maynila na tayo. Gawin natin ang lahat upang mahanap si Stephanie," ani Noel na halos hindi na makakain at makatulog ng maayos dahil sa labis na pag aalala sa dalaga.

"Noel is right, gawin natin ang lahat ng makakaya natin upang mahanap si Tiffany. Kaya sige na, mag do-doorbell na ako," ani Eugene at agad nang pinindot ang doorbell ng bahay ng Daddy ni Stephanie.

Ilang saglit pa matapos ang dalawang beses na pagdo-doorbell ni Eugene ay nagbukas ang maliit na pintuan sa gate kung saan sumilip ang isa sa kasambahay ng Daddy ni Stephanie.

"Sino po sila?" Nagtataka ngunit mahinahong tanong ng babaeng nasa 30’s pa lang edad.

"Mga kaibigan po kami ni Stephanie Louise Dollente, nand’yan po ba ang Daddy niya?" Magalang at mahinahong saad ni Janella.

"Opo nandito po siya, anong kailangan ninyo sa amo ko?" ani kasambahay.

"We need to talk him, if it’s ok?" sabat ni Noel.

"Sandali lang po, sasabihan ko lang po si Sir Simon na may naghahanap sa kaniya," ani kasambahay bago muling sinara ang gate.

"Sana naman pumayag si Tito Simon na makipag usap sa atin," ani Scarlet.

"Kung hindi, edi tayo na lang ang gagawa ng paraan upang hanapin si Stephanie kahit na saang sulok pa siya ng Pilipinas. Para saan pa’t naging Journalist ako kung hindi ko naman magagamit ang propisiyon kong ‘yon upang hanapin siya." May paninindigan na wika ni Noel kaya naman tinapik siya sa balikat ni Eugene upang magbigay suporta.

Maya-maya pa ay muling bumukas ang gate kung saan muling sumilip ang kasambahay ng Daddy ni Stephanie.

"Tuloy po kayo, nasa garden po si Sir Simon," ani kasambahay at saka binuksan ng malaki ang gate upang papasukin ang mga kaibigan ng anak ng kaniyang amo.

"Salamat po," ani Scarlet na siyang huling pumasok sa gate bago ito saraduhan.

Agad na dumiretso sa paglalakad ang apat sa Garden kung saan nandoon ang Daddy ni Stephanie na si Gen. Simon at kasalukuyang nagbabasa ng diyaryo.

"M-Magandang araw po, Tito Simon," bati ni Janella na siyang pumukaw sa atensiyon ni Gen. Dollente at mapaangat ito ng kaniyang ulo.

"Kayo pala. Have a seat." Alok nito kaya naman naupo na sa katapat na upuan ang sina Noel."Anong maipaglilingkod ko sa inyo? Sabi ni Linda may mahalaga kayong gustong sabihin sa akin, tungkol saan?" seryosong at walang emosiyong wika ni Gen. Dollente kaya naman nagtinginan silang apat.

"T-Tungkol po kay Tiffany, sa anak po ninyo," ani Janella at matapos niyang banggitin ang pangalan ng kaibigan ay agad na kumunot ang noo ng Heneral.

"Matagal nang hindi napapagawi rito si Tiffany. Alam niyo naman siguro kung bakit," ani Gen. Dollente.

"Opo Tito, pero may kailangan po kayong malaman tungkol sa anak ninyo," ani Eugene bago sila muling nagtinginang apat.

"Bakit? Ano ang nangyari sa kaniya? Wala na ba siyang pera? Naghihirap na ba ang suwail kong anak?" sarkastikong wika ni Gen. Dollente.

"Hindi ho sa lahat ng pagkakataon ay pera ang kailangan sa inyo ng inyong anak. Minsan kailangan din niya ng iyong pagkalinga," sabat ni Noel.

"Wala kang karapatan pagsalitaan ako ng ganiyang Noel, kaibigan ka lang ng anak ko!" mataas na tono ng boses ni Gen. Dollente

"Pasen—" Hindi na naituloy ni Janella ang dapat sana ay sasabihin nang magsalita na si Noel.

"May karapatan ho akong magsalita ng saloobin ko dahil una sa lahat tama kayo, kaibigan ako ng anak ninyo simula pagkabata kaya saksi ako kung paano niyo isawalang bahala ang sarili ninyong anak," seryosong wika ni Noel na diretsong nakatingin sa mga mata ni Gen. Dollente.

"Noel!"

"Pasensiya na Tito kung nakaistorbo kami sa’yo. Nagpunta lang kami rito upang ipagbigay alam sa'yo na nawawala ang inyong anak," seryosong wika ni Noel bago tumayo sa kaniyang inuupan.

"A-Ano?" Nauutal na wika ni Gen. Dollente, sa unang pagkakataon ay nakaramdam ito na labis na pag aalala at pangamba para sa panganay na anak. 

RIVER BOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon