"I’m sorry Louise, pero hindi kita matutulungan sa bagay na ‘yan," ani Simon—ang Daddy ni Stephanie na kauuwi lang.
Pasado alas-diyes na ng gabi nang makauwi ang kaniyag ama at buong magdamag niya nga itong hinintay upang makausap.
"Please Dad, just this time. Help me to find him. Ikaw lang ang makatutulong sa akin na mahanap si Gabriel, use your connection Dad. Please!" Pakiusap ni Stephanie sa ama na nagsasalin ng alak sa baso.
"Sino ba ang Gabriel na ‘yon at gustong gusto mo siyang tulungan? Huwag mong sabihin sa akin na totoo ang sinabi ni Yuan tungkol sa iyo at sa lalakeng iyon?" seryosong wika ni Simon habang seryoso rin na nakatingin sa anak.
"Ano bang sinabi sa’yo ng private investigator na ‘yon Dad? Na asawa ko si Gabriel? Yes, it’s true. I’m already married with him. I am now Mrs. Samonte," sarkastikong wika ni Stephanie at saka ngumisi."Ngayon kung hindi niyo ‘ko tutulungan na hanapin ang asawa ko, ako na lang mismo ang kikilos upang hanapin siya." May diin ang bawat salitang binibitawan ni Stephanie at agad na rin tinalikuran ang ama.
"Louise bumalik ka rito! Saan ka pupunta?! Louise!!" Sigaw ng ama ngunit nagpatuloy lamang sa pag lalakad si Stephanie hanggang sa makalabas na ito ng main door.
Sakto naman na paglabas ni Stephanie ay may dumaan na taxi sa private subdivision kung saan nakatira ang kaniyang ama kaya agad niya ‘tong pinara.
"Louise! Hindi ka aalis bumalik ka rito!" Dinig ni Stephanie na sigaw ng kaniyang ama habang tinatawag ang kaniyang pangalan.
"Saan po tayo Ma’am?" Magalang na tanong taxi driver kay Stephanie.
"Sige lang Kuya, mag drive ka lang." Utos ni Stephanie na kaagad na sinunod ng driver. Kaya bago pa man tuluyan makalabas ng gate ang kaniyang ama ay nakaalis na siya sakay ng taxi.
——
"What?! Anong gagawin ni Stephanie roon?" Labis na pagtataka ni Noel matapos siyang tawagan ni Scarlet sa telepono at sabihin ang pinaplano ng kaibigan.
"Iyon kasi ‘yung naiisip niyang lugar na p'wede pagdalhan kay Gabriel. Pare-parehas kami ng theory sa kung sino ang posibleng dumukot sa asawa ni Stephanie, and of course walang iba kundi ang mga rebelde roon sa Isla Puting Bato," ani Scarlet mula sa kabilang linya habang nadapa sa kaniyang kama.
"Hindi ba niya naisip na baka may kagalit ang lalakeng ‘yon na siyang posibleng master mind sa pag dukot sa kaniya?" ani Noel na hindi na maitago ang pag aalala para kay Stephanie sa ikalawang pagkakataon.
"Wala raw kaaway o nakaaway si Gabriel kaya imposibleng may kagalit ito. Kaya ‘yon talaga ang unang pumasok sa isip namin, ang isla Puting Bato," ani Scarlet.
"Nasaan si Tiffany ngayon? Nand’yan ka pa ba sa kanila?" ani Noel na sandaling napasulyap sa wall clock na nakasabit sa itaas na bahagi ng Flat LED TV.
"Kanina pa kami nakauwi ni Janella around 7PM. Hindi ko alam kung nasaan si Tiffany dahil wala naman ‘yon cellphone ngayon, naki-online lang ‘yon sa cellphone ni Janella kaya nalaman niya ‘yung nangyari kay Gabriel." Pagkukwento ng dalaga.
"Pupunta ako sa kanila ngayon, aalamin ko kung nandoon ba si Tiffany sa ba siya. Knowing Stephanie Louise Dollente for so long, mahilig siya magpadalos-dalos ng desisiyon."
"Mabuti pa nga, balitaan mo na lang ako Noel. If need ng help, tawagan mo lang kami," ani Scarlet bago matapos ang kanilang pag uusap.
Kahit pasado alas-onse na ng gabi ay hindi nag atubili si Noel na magtungo sa bahay ng kaibigan sakay ng kaniyang kotse upang alamin ang sitwasiyon nito.
"Wala rito si Louise, kaaalis lang ng kaibigan mo," ani General Dollente na wala man lang kaemosiyon-emosiyon ang mukha.
"Nasaan po siya? Nagsabi po ba kung saan siya pupunta?" Nag aalalang tanong ni Noel.
BINABASA MO ANG
RIVER BOAT
RomanceDESCRIPTION: Masayahin, makulit, supportive at malambing. Ganiyan kung ilarawan ng kaniyang mga kaibigan ang dalawangpu't dalawang taong gulang (22year old) vlogger na si Stephanie Louise Dollente. Wala pang isang taon bilang isang vlogger ang dalag...