CHAPTER 17

122 9 1
                                    

"Tumawag si Tito Simon." Pagbabalita ni Scarlet na kararating lang at agad na tinungo ang sala kung saan nandoon ang mga kaibigan niya.

"A-Anong balita?" agad na tanong ni Noel na kanina ay tutok na tutok sa kaniyang Laptop.

"May nakausap na raw si Tito Simon na isang private investigator na siyang maghahanap kay Stephanie. If may free time raw tayo, puwede raw ba tayo makausap nang kinuhang private investigator ni Tito para mas mapadali ang paghahanap sa kaibigan natin," ani Scarlet.

"Sure! Kailan daw ba?" ani Janella.

"Ngayon daw. Magkita raw tayo sa isang Café malapit dito sa Condo," ani Scarlet.

"Sige, sabihin mo papunta na tayo. May contact ka ba ng private investigator na ‘yon?" ani Eugene habang pinaiikot-ikot ang ballpen sa kaniyang daliri.

"Oo, binigay sa akin ni Tito Simon kanina nang tumawag siya."

"Sana medyo bata-bata pa ‘yung private investigator na ‘yan. Mga nasa 28 to 30’s, tapos gwapo, mabago at higit sa lahat sing—"

"C’mon Janella, hindi ito ang oras para humarot," sarkastikong wika ni Scarlet.

"Tawagan mo ngayon ‘yung private investigator na ‘yan. Sabihin mo papunta na tayo," ani Noel na tumayo na sa kaniyang kinauupan upang maghanda sa pag alis.

"O-Okay." At kaagad na nga denial ni Scarlet ang binigay na numero ni Gen. Dollente kanina.

Around 4PM nang dumating sila Scarlet sa Café upang kitain ang private investigator na siyang makakatulong sa paghahanap sa kaibigang si Stephanie. Pagpasok sa loob ay kaagad nilibot ni Scarlet ang kaniyang mata upang hanapin ang kanilang pakay. Habang kausap sa telepono kanina, sinabi ng private investigator na nasa Café na ito at nakaupo sa may pinakadulong bahagi at nakasuot ng plain white t-shirt, pants and black leather shoes.

"S-Siya na ba ‘yon?" ani Janella nang mahagip ng mata ang lalake nakaupo sa isang table sa may pinakadulong bahagi.

"Tara lapitan natin," ani Eugene na nauna ng maglakad at saka siya sinundan ng tatlo.

"Sis, kahit naka side view ang gwapo. Mine ko na ‘to ah." Kinikilig na wika ni Janella habang naglalakad sila patungo sa kanilang pakay.

"Hinaan mo nga iyang boses mo, baka mamaya may makarinig sa iyo." Saway ni Scarlet sa kaibigan.

"Are you Mr. Yuan Rosales?" ani Eugene sa lalakeng nakaupo na agad na nag angat ng kaniyang ulo at tumayo sa kinauupuan.

"Ako nga. Kayo ba ‘yung tumawag kanina? Ms. Dollente’s friend?" ani Yuan. Yuan Kristoffer Rosales—29year old private investigator. May tangkad na 5'9, maputi, may matipunong pangangatawan, medyo chinito, matangos ang ilong, katamtaman ang kapal ng kilay at labi at may ear piercing sa kanang tenga.

"O-Opo, kami nga po ‘yon. And by the way, my name is Janella you can call me mine for short. 24year old writer and still single," ani Janella na mula likuran ay biglang napunta sa unahan upang makipag kilala kay Yuan.

"Janella! What are you doing?!" Salubong ang kilay na wika ni Scarlet dahil sa inasal ng kaibigan sa harap ng private investigator na si Yuan.

"Have a seat," ani Yuan kaya naupo na silang apat. Napagigitnaan nila Eugene and Noel si Yuan habang magkatabi naman sa katapat na upuan sila Scarlet at Janella na titig na titig sa binata.

"Matutulungan mo ba talaga kami na mahanap ang kaibigan namin?" ani Noel na punong-puno ng pag-asa.

"Hindi ko maipapangakong oo, pero gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang magawa ng maayos ang trabaho ko. Kaya nga ako nakipag kita sa inyo dahil may gusto lang akong malaman tungkol sa lugar na pinuntahan niyo bago mawala ang biktima," ani Yuan dahilan upang magtinginan ang apat na magkakaibigan.

"About that Sir Rosa—"

"Yuan, you can call me by that name." Pagtutuloy ni Yuan saka ngumiti kay Scarlet dahilan upang kunwaring nasamid si Eugene.

"Ok, Yuan. About that place, it’s confidential kasi." May pag aalinlangan na wika ni Scarlet.

"Confidential? Paano natin mahahanap ang kaibigan niyo kung hindi kayo magbibigay ng impormasiyon sa akin bago siya mawala," ani Yuan.

"But it’s your work to find out. You’re a private investigator isn’t?" sarkastikong sabat ni Eugene.

"But without your cooperation, hindi ko magagawa ng maayos ang pinapatrabaho sa akin ni Gen. Dollente," katwiran ni Yuan na agad ikinatahimik ng apat."Gusto ko lang naman malaman kung saan nawala si Stephanie at anong ginagawa niyo sa lugar na ‘yon bago mangyari ang pagkawala niya." Pagpapatuloy ni Yuan.

"Nagpunta kami sa isang isla sa probinsiya ng Quezon para magsagawa sana ng research about sa mga taong namumuhay sa isla, pero nagkaroon ng problema—"

"May dumukot kay Stephanie." Pagpapatuloy ni Janella dahilan upang mapatingin sa kaniya ang tatlong lalake na nasa harapan niya, maging si Scarlet na katabi niya.

——

"Sabi ko na nga ba, nandito ka na naman," ani Gabriel nang maabutan si Stephanie na nakaupo sa malaking tipak ng bato habang nakatingin sa alon.

"Mas nare-relax kasi ang isipan ko kapag ganitong tahimik at tanging hampas ng alon lang sa dagat ‘yung naririnig ko," ani Stephanie kasunod ng pag buntong hininga.

"Namimiss mo na ‘ung mga kaibigan mo?" Malumanay na tanong ni Gabriel nang maupo sa isa pang tipak ng bato sa may ibabang bahagi nang kinauupuan ni Stephanie.

"Walang oras na hindi ako nangungulila sa mga kaibigan ko. Kumusta na kaya sila, nakakain at nakakatulog ba sila ng maayos?" ani Stephanie at saka mapaklang ngumiti.

"Pero mas mamimiss kita kapag dumating ‘yung oras na kinakailangan mo na akong iwan at babalik ka na sa buhay na kinagisnan mo." May lungkot sa bawat salitang binibitawan ni Gabriel na tumatagos naman sa puso ng dalaga.

Napamahal na sa kaniya ang binata kahit sa maikling panahon ng kanilang pagkakakilala, kaya naman mahirap din para sa kaniya ang iwanan ito.

"Kahit naman bumalik ako ng Maynila, hinding-hindi naman kita makakalimutan." Nakangiting wika ni Stephanie saka nilingon si Gabriel na nakaupo sa may bandang ibaba.

"Iyong sinabi ko kanina, totoo ang lahat ng iyon Tiffany. Totoong mahal kita at totoo rin na lahat gagawin ko ma-protektahan ka lang," ani Gabriel na punong-puno ng sinseredad kaya naman agad na nag-iwas nang tingin si Stephanie kasunod nito ay ang pagtayo niya mula sa kaniyang kinauupuan."Saan ka pupunta?" Kunot-noo na tanong ni Gabriel at nagmamadaling tumayo upang sundan ang dalaga.

"Nilalamig na ‘ko kaya papasok na ako sa loob." Matamlay na wika ni Stephanie kaya agad siyang hinawakan sa noo at leeg ni Gabriel."Anong ginagawa mo?" Pagtataka ng dalaga.

"Inaalam ko lang kung may sinat o lagnat ka ba," ani Gabriel."Mabuti naman wala. Sige, pasok na tayo sa loob." Pagpapatuloy ng binata.

——

"Ano nga ulit ‘yung tanong mo sa akin kanina noong nasa plaza tayo?" ani Stephanie habang kapwa sila nakaupo sa mono-bloc na upuan sa may sala at nanonood ng Tom and Jerry na palabas na kapwa nila paborito.

"Wait iisipin ko muna," ani Gabriel na tumingin pa sa kisame na animo'y nag iisip talaga.

"Pakibilisan dahil baka magbago 'yung isasagot ko—"

"Have you ever been inlove?" Mabilis na tanong ni Gabriel sa dalaga.

"Ang bilis ah." Natatawang wika ni Scarlet.

"Sabi mo eh. So ano nga? Have you ever be—"

"Yes, I’ve been in love." Nakangiting wika ni Stephanie.

"Ang swerte naman niya, naranasan niyang mahalin ng isang tulad mo." Isang mapaklang ngiti ang pinakawalan ni Gabriel matapos na marinig ‘yon mula sa dalaga.

"I’m in love with you..." Mahinang wika ni Stephanie ngunit ang hindi niya alam ay narinig iyon ng binata.

"Padangat ta ka," ani Gabriel na ang ibig sabihin sa salitang Bicol ay 'Mahal kita.'

RIVER BOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon