Dahil sa hindi maipaliwanag na magiging reaksiyon matapos na malaman ang lihim na tinatago ng isla ay nakaramdam nang panlalambot ng hita si Stephanie dahilan upang makalikha siya nang ingay matapos na aksidenteng matabig ang paso na nakalagay sa gilid.
Agad naman na napabalikwas ang mga tao na nasa loob ng barong-barong sabay kasa ng mga hawak nilang baril.
"Umalis na tayo rito!" mahinang boses ni Noel sapat lang upang marinig iyon ni Stephanie na hanggang sa mga sandaling ito ay nanlalamig pa rin ang mga kamay. Agad na hinawakan ng binata ang kamay ng dalaga at nagmamadali ngunit maingat na lumayo sa bahay na iyon bago pa man lumabas ang mga nasa loob.
Magkahawak kamay sina Noel at Stephanie na tinakbo ang kinaroroonan ng naiwan nilang mga kaibigan na naghihintay sa kanila.
"O! ano ang nangyari sa inyo?" Pagtataka ni Janella nang dumating sina Noel at Stephanie na hinihingal."B-Bakit namumutla 'tong si Tiffany?" Patuloy pa ni Janella na nag aalala na.
"Kailangan na natin umalis dito ngayon na!" ani Stephanie nang bumalik ito sa kaniyang wisyo.
"W-What?!" Gulantang na reaksiyon ni Scarlet.
"Mamaya na naman ipapaliwanag sa inyo ang mahalaga ay makaalis na tayo rito ngayon na." Giit ni Noel.
"Nagpapatawa ka ba Bro? Paano tayo makakaalis dito sa isla ng gano'n kadali? Ano, lalanguyin natin 'yung dagat hanggang sa makarating tayo sa Santa Monica?" sarkastikong wika ni Eugene."Isa pa, bakit ang bilis naman magbago ng isip niyo? Akala ko ba 3-4 days tayo rito? Eh wala pa nga tayo isang araw." Patuloy pa ng binata.
"Hindi tayo ligtas sa lugar na 'to. Mamamatay tayo ng maaga kung mananatili pa tayo rito sa isla," giit ni Stephanie na naluluha na.
"That's not funny Tiffany. I know naman na prankster ka e, natural isa kang vlogger. Pero huwag naman ngayon, hindi nakakatuwa." Naiinis na wika ni Scarlet.
"Hindi ako nagbibiro Scarlet, maniwala naman kayo sa akin please!" Naluluhang pakiusap ni Stephanie kaya naman hinawakan na siya sa magkabilang balikat ni Noel.
"Matutulog na 'ko. Bukas na lang natin ituloy 'to." Walang emosiyon na wika ni Scarlet at agad na rin tumayo mula sa pagkaka-indian sit.
"Sama na rin ako," pag sang-ayon ni Janella na tumayo na rin at sinundan si Scarlet.
"Me too," ani Eugene.
Ngunit hindi nagpatinag si Stephanie, agad niyang sinundan at hinarang ang dapat sana ay daraan ni Scarlet upang kausapin ito at paniwalain.
"Guys please listen to me!" Pakiusap ni Stephanie.
"Bukas na lang tayo ulit mag-usap usap Tiffany, masiyado na rin malalim ang gabi. Matulog na muna tayo," mahinahong wika ni Eugene.
"Paano ninyo magagawang matulog gayong hindi kayo sigurado kung magigising pa kayo bukas?" ani Noel.
"Pati ba naman ikaw Noel, naniniwala sa trip ng babaeng 'to? Journalist ka 'di ba? Tapos nagpapaloko ka kay Tiffany?" ani Scarlet.
"She's not kidding nor lying. Hindi tayo safe sa lugar na 'to. They are hidding something," ani Noel.
"Ang sakit na ng ulo ko ah. Puwede bukas na lang ang argument na 'to? I feel sleepy na e," ani Janella na humikab pa.
"Malalim na ang gabi, bakit mga gising pa kayo?" Sabay-sabay na napalingon ang limang magkakaibigan matapos na marinig ang baritonong boses ni Verhel.
"G-Good Evening po Tatay Verhel, matutulog na po kami. Katatapos lang po namin mag bonfire," ani Janella.
"Gano'n ba, sige na matulog na kayo. Kapag ganitong oras hindi dapat kayo nagpapakalat-kalat, masiyadong delikado," ani Verhel na seryosong nakatingin sa dalagang si Stephanie na nanginginig pa rin sa kaba at takot kaya agad na hinawakan ni Noel ang kamay ng dalaga.
"Opo Tatay Verhel, sige po mauna na po kami. Good Night po," ani Scarlet at tumango lamang ang matandang lalake.
Pahakbang na sana ang limang magkakaibigan nang magsalita muli ang matanda,"Maiwan kayo Noel at Stephanie."
Dahil sa sinabi ng matandang lalake ay napatigil maging sina Eugene, Janella at Scarlet.
"B-Bakit po?" Magkahalong kaba at takot na tanong ni Stephanie.
"Ihatid niyo na sila sa tutuluyan nila." Utos ni Verhel sa dalawang lalaki na nakatayo sa bandang likod nila Scarlet.
"No!" Pag tutol ni Stephanie dahilan upang mapatingin sa kaniya si Verhel at ang dalawa nitong tauhan. Lingid sa kaalaman ng dalaga na batid na ni Verhel at ng commander nila na sila ni Noel ang nakaalam nang matagal ng lihim ng isla."I mean, hindi niyo na sila kailangan pang ihatid. Malalaki naman na 'yung mga kaibigan ko," ani Stephanie upang hindi siya mahalata na may alam na siya.
"Sige na," seryosong wika ni Verhel nang senyasan niya ang dalawa niyang tauhan.
"Pero-"
"Kayong dalawa, sumunod kayo sa akin." Baling ng matanda kina Noel at Stephanie kaya naman nagkatinginan na lamang ang dalawa.
Ilang hakbang lamang ang ginawa ng matanda kasunod sina Noel at Stephanie at tumigil na rin ito bago hinarap ang dalawa na kasalukuyan na nag-iisip kung paano sila makakatakas sa isla.
"Ano ang narinig ninyo kanina?" Walang pasubalit na tanong ni Verhel sa dalawa.
"Ano pong i-"
"Hija, huwag na tayo maglokohan. Alam kong alam ninyo ang tinutukoy ko. Ngayon, gusto kong marinig mula sa inyo kung anong narinig ninyo kanina," seryosong wika ni Verhel.
"Wala kaming narinig at mas lalong wala kaming nakita," matigas na tugon ni Noel kaya napatango na lamang ang matanda.
"Sige, makakaalis na kayo," ani Verhel.
Hindi na kumibo si Noel at agad nang hinila palayo si Stephanie nanlalamig pa rin. Habang naglalakad palayo ay nakamasid lamang sa kanila ang matandang si Verhel na napangisi pa sa naiisip nitong ideya.
Pagdating sa tinutuluyang bahay, laking gulat ng dalawa nang hindi nila madatnan doon ang tatlong kaibigan. Wala rin doon ang mga gamit nito.
"W-Where are they?" Nangangatal na wika Stephanie.
"F*ck!" Mahinang mura ni Noel.
"D-Did they killed them?" ani Stephanie na nag u-umpisa nang pumatak ang luha. Agad naman siyang niyakap ni Noel upang patahanin at i-comfort.
"Itatakas kita rito," ani Noel dahilan upang mapatingin sa kaniya ng diretso ang dalaga.
"A-Anong-"
"May nakita akong bangka sa pangpang kanina, 'yon ang gagamitin mo para makapunta ka sa Santa Monica at makahingi ng tulong," ani Noel.
"P-Paano ka?" Noel hindi ako puwede umalis na hindi kita kasama, na hindi ko kayo kasama. Magkakasama tayong nagpunta rito, magkakasama rin tayong aalis." Giit ni Stephanie.
"Magpapaiwan ako rito para hanapin ang iba pa nating kaibigan, malakas ang kutob ko na tinago lang nila Tatay Verhel sila Eugene. At ikaw, kailangan mong makatakas para makahingi ka ng tulong." Mahinahong paliwanag ni Noel.
Magsasalita pa sana si Stephanie nang hawakan ni Noel ang kamay niya at hatakin palabas ng barong-barong. Maingat silang nagtungo sa pangpang upang walang makakita sa kanilang dalawa at sa gagawing pagtakas ni Stephanie upang makahingi ng tulong.
"I can't," ani Stephanie habang tumulo ang kaniyang luha.
Sandaling napatigil naman si Noel sa pag aalis ng angkla ng bangka na siyang gagamitin ni Stephanie upang punasan ang luha ng dalaga.
"Tiffany, listen to me. May gusto akong malaman mo, kung sakali man na ito na ang huli nating pagkikita," sinserong wika ni Noel habang diretsong nakatingin sa mga mata ng dalaga.
"Huwag mong sabihin 'yan Noel-"
"It's you. Ikaw ang babaeng tinutukoy ko. I love you since I was 9," ani Noel dahilan upang hindi agad makapagsalita ang dalaga habang pumapatak ang luha nito.
BINABASA MO ANG
RIVER BOAT
RomanceDESCRIPTION: Masayahin, makulit, supportive at malambing. Ganiyan kung ilarawan ng kaniyang mga kaibigan ang dalawangpu't dalawang taong gulang (22year old) vlogger na si Stephanie Louise Dollente. Wala pang isang taon bilang isang vlogger ang dalag...