CHAPTER 25

162 8 0
                                    

"Salamat po, paki-tawagan na lang po ang numero na nakalagay d’yan kung sakali pong makita ninyo siya," ani Gabriel habang masigasig itong namimigay ng papel na may sketch ng mukha ni Stephanie at may nakalagay na 'Missing' sa itaas na bahagi habang sa ibaba naman ang numero ng kapatid ni Gabriel.

Pasado alas-singko na ng hapon ngunit tila walang kapaguran si Gabriel sa pamimigay ng flyers upang mas mabilis ang paghahanap sa asawa nito. Dahil sa kagustuhan na mahanap ang kabiyak ay hindi na alintana kay Gabriel ang pagod, uhaw at gutom.

"Pre! may ipapakita ako sa’yo bilis!" Pag tawag ni Alvin na kasama ni Gabriel sa pamimigas ng flyers sa bayan."Miss okay lang ba na makinood?" Malumanay na tanong ni Alvin sa dalagita na kasalukuyan nanonood ng new upload video ni Stephanie sa YouTube Account nito.

"O-Okay po." Tila may pag aalinlangan pang tugon ng dalaga.

"Pre ano ba?! Kanina pa kita tinatawag pumarito ka muna bilisan mo!" Muling tawag ni Alvin sa kaibigan kaya napakamot na lang si Gabriel sa kaniyang noo bago lumapit sa kinaroroonan ng kaibigan kung saan nakikinood ito sa cellphone ng dalaga na nakaupo sa bench.

"Bakit ano ba ‘yon?" ani Gabriel nang lumapit ito. Bakas na rin sa mukha ng binata ang matinding pagod ngunit pinipilig na magpakatatag alang-alang sa paghahanap sa kaniyang asawa.

"Si Tiffany ‘to hindi ba?" ani Alvin sabay duro sa screen ng cellphone ng dalagita dahilan upang kumunot ang noo nito at tumingin sa kanilang dalawa.

Nang makita naman ‘yon ni Gabriel ay bigla siyang nabuhayan ng loob.

"N-Ngayon lang ba ang video na ‘yan?" tanong ni Gabriel sa dalagita na agad naman tumango."T-Talaga? P'wede mo ba umpisahan sa una?" pakiusap ni Gabriel.

Wala naman salita ang dalagita na inulit sa pinakasimula ang 25 minutes na video ni Stephanie.

"Hello my dearest stars. This is your StayHappyStayFanny! Sorry kung ngayon na lang ulit ako nakapag upload ng video sa YouTube Channel ko. Hindi ko na papahabain ang video na 'to, may gusto lang akong sabihin. Days ago, I met a man na hindi ko akalain na mamahalin ko sa kabila ng ikli ng aming pagkakakilala. Love at first meet? I think yes. Some of my friends telling me that I'm crazy ‘cause I married the man that I just met. And yes I admit it. I’m crazy..crazy inlove with you Gabriel Vrix Samonte. So if you're watching this, I just want you to know that I'm safe and sound. I know you are worried too much but I'm ok. Si Daddy ang nag pauwi sa akin dito sa Maynila kaya sana h'wag ka na masiyadong mag alala, I'll be home-"

Hindi natapos ang video matapos na mag shutdown ang cellphone ng dalagita ngunit sapat na ang maikling video na ‘yon upang mabawasan ang pag aalalang nararamdaman ng binata para sa kaniyang asawa.

"Ano Pre, kahit papano ba nabawasan 'yung pag aalala mo kay Tiffany?" ani Alvin habang naglalakad na sila pauwi dahil mag a-alas sais na ng gabi.

"Oo, pero nagtataka pa rin ako kung bakit kailangan maging marahas ang pagpapabalik sa kaniya sa Maynila. Bakit kailangan siyang dukutin sa loob mismo ng pamamahay namin kung p'wede naman makipag usap ng maayos? H-Hindi ko naman siya pagbabawalan na bumalik ng Maynila kung iyon ang nais ng Daddy niya," ani Gabriel.

"So totoo pa lang galing sa mayamang pamilya ‘yung napangasawa mo Pre. Maganda na, mayaman pa at higit sa lahat, mabait din," ani Alvin.

"May mataas na katungkulan ang Daddy ni Tiffany sa AFP. Pero hindi sila gano'n ka-close ng kaniyang ama." Maikling pagku-kwento ni Gabriel.

"Pre, sandali lang ah. Medyo nakararamdam ako ng tawag ng kalikasan. D'yan ka lang, hahanap lang ako ng lugar kung saan p'wede mag-jingle." Nagmamadaling pag papaalam ni Alvin sa kaibigan dahil ihing ihi na ito at gad naman tumango si Gabriel.

RIVER BOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon