CHAPTER 14

131 10 3
                                    

"I love to be with you everyday, sana hindi ka na umalis," ani Gabriel na punong-puno ng sinseredad dahilan upang mapatitig sa kaniya ang dalaga na muling bumibilis ang tibok ng puso.

"Gabriel...."

"I’m sorry Tiffany," ani Gabriel."G-Gusto mo na bang umuwi? Baka pagod ka na?" Patuloy pa nito.

"No, that’s ok. Mamaya na lang tayo umuwi kung okay lang sa’yo? I love to spend more time with you," ani Stephanie na nagpakawala ng isang totoo at matamis na ngiti sa kaniyang labi."Higit sa lahat, gusto pa kita makilala ng lubosan." Pagpapatuloy nito.

"T-Talaga?" Tila nauutal pang wika ni Gabriel dahil hindi nito inakalang gusto rin siyang makasama ng dalaga.

"Mukha ba akong nagbibiro?" Pangisi-ngising wika ni Stephanie saka sandaling sinulyapan nang tingin ang binata na kanina pa nakatitig sa kaniya."H'wag mo 'kong titigan ng ganiyan,"

"Bakit? Para kang natutunaw?" Nakangising wika ni Gabriel.

"Hindi. Nakakailang kaya," ani Stephanie dahilan humalakhak ng tawa ang binata. Sa unang pagkakataon ay nakita niya 'tong tumawa, kaya naman natagpuan na lamang niya ang sariling niyang nakangiti habang pinakikinggan at bawat tawa ng binata na animo’y isang magandang musika sa kaniyang tenga.

"Ano bang gusto mong malaman sa akin?" ani Gabriel nang tumigil na ito sa pagtawa.

"Anything about you. Pero hindi naman kita pipilitin na sabihin sa akin ‘yung mga bagay na dapat ikaw lang ang nakakaalam-like secrets. Gusto ko lang na kahit papano ay may alam ako tungkol sa’yo," ani Stephanie.

"Should I introduce myself to you, first?" ani Gabriel.

"Ikaw bahala, puwede rin naman." Natatawang saad ng dalaga."Pero bago ‘yan, wait muna," aniya saka nilibot ang tingin sa paligid hanggang sa may makitang kapirasong sanga ng Mangga. Agad siyang tumayo mula sa kinauupuan at kinuha ‘yon bago bumalik sa upuan nila ni Gabriel.

"Para saan ‘yan?" Kunot-noo na tanong ng binata.

"Let’s pretend na nasa isang talk show tayo. Since ikaw naman unang magpapakilala, you’re the guest and I’m the MC at ito ang kunwaring microphone natin. G?" Nakangising wika ni Stephanie.

"Seryoso ka ba?" sarkastikong wika ni Gabriel na medyo naiilang dahil pinagtitinginan sila ng ibang tao sa plaza.

"Huwag ka ng KJ puwede ba? Masaya ‘to promise," ani Stephanie.

"Okay sabi mo e." Nakangising wika ni Gabriel, hindi na niya alintana ang mga matang nakatingin sa kaniya o sa kanila dahil ang mas mahalaga sa kaniya ay ang makitang masaya ang babaeng nasa kaniyang harapan ngayon.

"Camera...rolling...stand by...and...action," ani Stephanie bago tinapat kay Gabriel ang maliit na sangga na nagsisilbi nilang microphone.

"Hi, my name is Gabriel Vrix Samonte a 26years old fisherman. I was born on 19th day of March 1996." Pagpapakilala ni Gabriel sa kaniyang sarili habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Stephanie."I’m just a simple who dreamed to become a soldier when I was a teenager, but unfortunately it didn’t happened and I end up of being a fisherman. I like color green, I love arts, astronomy and....you,"

"Ha?" ani Stephanie nang hindi niya marinig ang huling sinabi ng binata.

"Now it’s your turn," ani Gabriel saka walang pasubalit na kinuha ang maliit na sanga sa kamay ni Stephanie.

"But I still have few questions to ask!" giit ni Stephanie.

"Sa second round na ‘yung Q and A, introduction muna sa first round," ani Gabriel kaya napangisi na lamang si Stephanie.

"Hi everyone, it’s me StayHappyStayFanny-"

"Ano ‘yon?" sabat ni Gabriel.

"Introduction ko ‘yon everytime I do vlogs. So, puwede ko na ba ituloy ang sasabihin ko?"

"Okay.."

"Take 2." Natatawang wika ni Stephanie."Hi everyone, it’s me StayHappyStayFanny. My name is Stephanie Louise Dollente, a 22year old vlogger from Manila. I was born on 2nd day of March 1999. I love color yellow, sunflower, K-Pop and also, I’m a pet lover. That’s all, thank you." Masayang wika ni Stephanie na todo ngiti pa.

"Same birth month pala tayo." Nakangiting wika ni Gabriel nang ibaba na niya ang hawak niyang maliit na sanga.

"Oo, cool isn’t? By the way, totoo ba ‘yung sinabi mo kanina na pinangarap mo maging sundalo?" interesadong tanong ng dalaga, agad naman tumango si Gabriel."Bakit hindi natuloy?"

"Ayaw ng mga magulang ko. Siguro, natatakot sila mawalan ng gwapong anak," ani Gabriel dahilan upang humalakhak nang tawa si Stephanie."Bakit? Natatawa ka ba sa huling sinabi ko? E ikaw nga mismo nagsabi sa akin niyan kanina nang isukat ko ‘tong suot kong T-shirt ngayon,"

"A-Ano?" Nauutal na wika ni Stephanie dahil hindi niya inakala na narinig pala siya ng binata kanina.

"Napagkamalan pa nga tayong magkasintahan kanina ng tindera ng mga damit." Pangisi-ngising wika ni Gabriel.

"Totoo?" Pagkabigla na wika ni Stephanie palibhasa'y naglalakbay ang isip niya kanina habang nakatitig kay Gabriel kaya hindi nito narinig ang sinabi ng tindera.

"Q and A na ba tayo?" Pag iiba ni Gabriel ng usapan."Sino unang magtatanong ikaw ba?" Pagpapatuloy nito.

"Ikaw na lang, basta huwag lang ‘yung mahirap na tanong."

"Find the x?" Biro ni Gabriel.

"Sabi ko huwag mahirap ‘di ba? How can I find x if wala ako no’n?" sarkastikong wika ni Stephanie.

"Wait, no boyfriend since birth ka?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Gabriel sa dalaga.

"Oo. Mas naging focus kasi ako sa studies ko noong nag aaral pa ako and isa pa, enough na sa akin ‘yung mga kaibigan ko. Enough na sa akin ‘yung pagmamahal, pagkalinga at pagsuporta na pinaparamdam sa akin ng mga kaibigan ko kaya bakit ko pa kailangan pumasok sa isang romantic relationship? Sakit lang ‘yan sa ulo." Paliwanag ni Stephanie.

"Kung sabagay sakit nga sa ulo, pero hindi naman siguro sa lahat ng pagkakataon sakit sa ulo lang ang ibibigay sa’yo ng pakikipag relasiyon. Baka kaya gano’n ay dahil nasa maling tao ka o kaya naman nasa unhealthy relationship." Malumanay na wika ni Gabriel.

"Siguro nga. E ikaw ba? as far as I remember, nabanggit mo sa akin na may ex ka. Gaano kayo katagal at anong rason bakit kayo naghiwalay?" ani Stephanie.

"Months lang kami, four months I think? Hindi kami nagtagal siguro kasi hindi siya ‘yung talagang para sa akin, although minahal at sineryoso ko naman siya noon. Siguro kaya kami pinaghiwalay kasi may babaeng darating sa buhay ko sa hindi inaasahang pagkakataon na muling magtuturo sa akin na magmahal. She’s the woman that I love to spend the rest of my life." Pagkukwento ni Gabriel habang diretsong nakatingin sa mga mata ng dalaga.

"That woman is so lucky to have you,"

"But I’m more lucky to have you."

RIVER BOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon