"Nakaalis na ba si Tiffany?" Malumanay na tanong ni Anne sa kaibigang si Gabriel. Tila wala naman sa sariling tumango ito at napasandal sa pader."Bakit kasi kailangan mong gawin 'to? Tignan mo, hindi lang siya ang nasasaktan pati ikaw." Mag pag aalalang wika ni Anne.
Bago pa man magtungo si Stephanie sa bahay ni Gabriel ay tinawagan na ni Alvin ang kaibigan upang ipagbigay alam na nakita niya sa bayan ang dalaga at patungo na ito sa bahay ng asawang si Gabriel. Eksakto naman na napapasiyal si Anne sa kaniyang bahay kaya humingi siya ng pabor dito na magpanggap na may relasiyon silang dalawa kahit sobrang labag sa loob niyang gawin iyon dahil mahal na mahal niya ang kaniyang asawa.
Ang bawat salitang binibitawan kanina ni Gabriel sa asawa ay tila punyal na tumatarak sa kaniyang dibdib nang paulit-ulit. Gusto niya 'tong yakapin, hagkan at sabihin na mahal na mahal niya ito ngunit hindi niya magawa dahil naaalala niya kung paano isugal ng dalaga ang kaniyang buhay mapuntahan lamang siya sa pugad ng mga rebelde. Mahal niya ang kaniyang asawa kaya naman hindi niya gugustuhin na mapahamak ito nang dahil sa kaniya.
"Bakit hindi mo siya sundan? Sa tingin ko hindi pa iyon nakakalayo," wika ni Anne na nakakaramdam ng konsensiya.
"Kapag sinundan siya, mababaliwala ang ginawa kong pagsasakripisiyo alang-alan sa kaligtasan at magandang buhay niya. Tanggap ko naman na noong una pa lang na hindi talaga kami ni Tiffany ang nilaan para sa isa't isa dahil malayong malayo ang estado namin sa buhay. Pero sumugal pa rin ako dahil mahal ko siya," sinserong saad ni Gabriel.
"If you really love her, you will fight for her no matter how hard the situation is," wika ni Anne."It's just a piece of advice Gab. But at the end of the day, decision mo pa rin naman ang masusunod. Ang sa akin lang, huwag mong hintayin na tuluyang masira ang relasiyon ninyong dalawa mag asawa bago mo ma-realize na hindi mo pala dapat siya hinayaang mawala sa'yo."
--
"Ano? Babalik ka na rito sa Manila mamaya agad?" Gulat na saad ni Scarlet matapos na tawagan siya ni Stephanie na kasalukuyang nag aabang ng masasakyan na maghahatid sa kaniya patungong airport.
"Oo, actually papunta na akong airport," tugon ni Stephanie.
"W-Wait. Bakit parang ang bilis naman yata? Nagkausap ba kayo ni Gabriel?" Labis na pagtataka ni Scarlet dahilan upang hindi agad makasagot si Stephanie."Hey sis, are you still with me?"
"Y-Yes. Nagkausap kami, it's just..."
"It's just what? May naging problema ba?" intresadong tanong ni Scarlet.
"Saka na lang ako magku-kwento kapag nakabalik na ako d'yan," ani Stephanie habang pilit na pinipigilan ang muling pagpatak ng kaniyang luha.
"You're not okay, I feel it. C'mon, you can tell me what's going on para mabawasan 'yung bigat na nararamdaman mo." Malumanay na wika ni Scarlet.
"Sorry but I can't tell you now. Don't worry, I'll be okay," ani Stephanie.
"Okay sige, hindi na kita pipilitin basta keep safe okay? Update mo 'ko kung nasaan ka na and then call me if magpapasundo ka na sa airport," ani Scarlet.
"Yes, salamat."
"Well, no problem."
"Sige, ibababa ko na 'to. I will call you later na lang, may paparating ng Bus na dadaan ng airport. Sasakay na 'ko," ani Stephanie nang lapitan ang airconditioned Bus na tumigil sa Bus Stop.
"Okay sis, just take care. Bye."
Gabi nang araw din na iyon ay lumapag ang eroplanong sinasakyan ni Stephanie sa NAIA Terminal 2. Paglabas pa lang niya ng airport ay agad na siyang sinalubong ni Scarlet na kasama si Janella na animo'y nanggaling siya sa ibang bansa at ngayon lang nakauwi ng Pilipinas.
Mula airport ay agad na dumiritso silang tatlo sa sariling condo unit ni Scarlet sa QC upang doon na magpalipas ng gabi at makapag kwentuhan.
Nasa kalagitnaan sila ng pag uusap nang makaramdam ng pagkahilo si Stephanie.
"Are you okay Tiffany?" Pag aalala ni Janella sa kaibigan.
"Y-Yes I'm fine, medyo nakakaramdam lang ako ng pagkahilo. Siguro, pagod lang 'to sa biyahe." Nakahawak sa noo habang nakapikit na wika ni Stephanie.
"O, uminom ka muna ng tubig," ani Scarlet nang iabot sa kaibigan ang baso ng tubig na agad naman nito kinuha.
"Salamat," ani Stephanie at agad nang uminom ng tubig. Nang matapos ay inilapag niya ang baso sa coffee table.
"Feel better?" ani Scarlet na nag thumbs up pa.
"M-Medyo-"
"Stephanie!" Sabay at tarantang sigaw nina Scarlet at Janella nang bigla na lang mawalan ng malay si Stephanie.
"What happened to her?" Nag aalalang tanong ni Janella.
"I-I don't know too. It's just a water lang naman." Depensa ni Scarlet.
"Yes I know. Pero, ano kaya kung dalhin natin siya sa Hospital nang makasiguro tayo sa kalagayan ni Stephanie." Suhestiyon ni Janella na agad naman sinang ayunan ni Scarlet.
Dali-dali nilang itong pinagtulungan na inakay hanggang sa makababa sila mula 16th floor ng condo unit building pabana ng ground floor sakay ng elevator. Nang makarating sa ground floor ay agad nilang tinungo ang kotse na pag mamay-ari ni Scarlet habang akay-akay pa rin ang walang malay na si Stephanie.
Agad nga nilang dinala ang kaibigan sa pinakamalapit na Hospital kung saan napag alaman nilang nagdadalang tao ang kanilang kaibigan. Magda-dalawang linggo ng buntis si Stephanie.
"W-Where am I?" Nanghihinang tanong ni Stephanie na nakahiga sa Hospital bed.
"Nandito ka sa Hospital, nag alala kami sa'yo ni Janella kanina nang himatayin ka kaya ayon agad ka naman dinala dito sa Hospital," ani Scarlet na nagbabalat ng orange."Siya nga pala, sorry kung tinawagan namin si Tito Simon. He deserves to know kung anong nangyari sa'yo, after all he's still your father." Pagpapatuloy ni Scarlet.
"Pagod lang siguro ako sa biyahe kanina kaya ako nakaramdam ng matinding pagkahilo," wika ni Stephanie at agad naman na nagkatinginan sina Janella at Scarlet.
"Hindi 'yon ang rason kung bakit ka bigla na lang nahilo at hinimatay kanina Tiffany." Nakangiting saad ni Janella.
"A-Ano?" Pagtataka ni Stephanie.
"You're going to be a mother Mrs. Almonte. You are 11days pregnant. Congratulations," sabat ng OBGYN nakakapasok lang ng ward ni Stephanie.
"B-Buntis ako?" Halos hindi makapaniwalang tanong ni Stephanie sa OBGYN na si Dra. Fuentes. Hindi niya alam kung dapat ba siya na maging masaya dahil magkaka-anak na sila ni Gabriel, o dapat siyang malungkot dahil baka lumaki ang anak niya na walang kinikilalang ama.
BINABASA MO ANG
RIVER BOAT
RomanceDESCRIPTION: Masayahin, makulit, supportive at malambing. Ganiyan kung ilarawan ng kaniyang mga kaibigan ang dalawangpu't dalawang taong gulang (22year old) vlogger na si Stephanie Louise Dollente. Wala pang isang taon bilang isang vlogger ang dalag...