CHAPTER 11

142 8 1
                                    

"Bakit nakatitig ka lang sa plato mo? Hindi mo ba gusto 'yung ulam? Hindi ka ba kumakain ng isda?" ani Gabriel nang mapansin na kanina pa nakatitig ang dalagang si Stephanie sa kaniyang plato.

Pasado alas-sais pa lang ngunit dahil nasa probinsang probinsiya naninirahan sila Gabriel ay maaga talaga silang kumakain ng hapunan upang maaga rin na makapag pahinga. Hindi tulad sa Isla Puting Bato na pinuntahan nila Stephanie, kahit papano naman ay may kuryente sa lugar nila Gabriel.

"Masiyado lang maraming tumatakbo sa isipan ko, kaya parang wala akong gana kumain. Pero-"

"Hindi mo nagustuhan 'yung luto ko? O hindi mo gusto 'yung klase ng isda na niluto ko? Kung sabagay, nanggaling ka nga pala sa pamilya na may sinasabi sa buhay," ani Gabriel dahilan upang hindi na maituloy ng dalaga ang pagsasalita niya.

"I-It's not like that Gabriel. To be honest, isa ang isda sa paborito kong ulam. Same with my mom who also loves fish. Wala lang talaga akong gana kumain ngayon." Mahinahong paliwanag ni Stephanie.

Sandaling nilapag ni Gabriel ang kutsara't tinidor na hawak niya sa gilid ng kaniyang plato at saka kinuha ang pinggan na nasa harapan ng dalaga. Dahil sa ginawa niya ay kunot-noo siyang tinignan ng dalaga.

"Hindi puwedeng hindi ka kakain, magkakasakit ka niyan sa ginagawa mo. Sige susubuan na lang kita," ani Gabriel habang nilalagyan ng kanin at ulam ang kutsarang isusubo kay Stephanie. Pagkatapos ay itinapat niya 'to sa bibig ng dalaga."Ah," aniya upang ibuka ng dalaga ang bibig niya.

"Hindi mo kailangan gawin 'to Gabriel, kaya kong kumain ng mag-isa. You don't need to treat me like a baby?" ani Stephanie ngunit nananatiling nakatapat sa bibig niya ang kutsara.

"Hindi kailangan? E halos titigan mo lang 'yung plato mo. Matatapos na akong kumain dito pero hindi mo pa halos nababawasan 'yung pagkain na nasa plato mo. Puwede ba Tiffany, huwag ka na mag pabebe d'yan. Isubo mo na 'to at nangangalay na ang kamay ko," sermon ni Gabriel na may halong pag-aalala sa dalaga. Wala na rin ibang nagawa pa si Stephanie kundi ang isubo ang laman ng kutsara at pilitin ang sarili na nguyain 'yon at lunukin.

"Very good, Tiffany." Nakangising wika ni Gabriel habang hinihimay ang pritong isdang Tilapia na nasa plato ni Stephanie gamit ang kutsara't tinidor.

"Gabriel..."

"Hmmm?"

"Thank you," malumanay na wika ng dalaga bago kumorba ang matamis na ngiti sa labi nito.

Napaangat naman ng ulo si Gabriel at napatitig sa mukha ng dalagang si Stephanie.

"Hindi pa kita tapos subuan nagpapa-thank you ka na agad?" Biro ng binata saka napangisi."Wala 'yon, masaya ako na makatulong sa'yo. H'wag ka mag alala, tutulungan kita na mabigyan ng hustisiya ang nangyari sa inyo ng mga kaibigan mo. Pero sa ngayon, ubusin mo muna 'tong pagkain mo." Patuloy pa ni Gabriel.

"Ako na, huwag mo na akong subuan. Wala naman akong sakit e. Isa pa, huwag ka masiyadong sweet sa akin," ani Stephanie nang agawin niya ang kaniyang plato kay Gabriel at isubo ang kanin na nasa kutsara.

"Bakit? Natatakot ka na baka mahulog ka sa akin?" seryosong tanong ni Gabriel kaya sandaling napatigil si Stephanie at napatitig sa binata.

"Hindi. Natatakot ako na baka masanay ka na lagi mo 'ko kasama, alam naman natin parehas na darating ang araw na babalik din ako sa Maynila at maiiwan ka kita rito," mahinahon na wika ni Stephanie. Napabuntong hininga naman si Gabriel na agad nag iwas ng tingin sa dalaga. Kahit niya aminin sa sarili ay hindi maipagkakaila ang lungkot sa mga mata nito.

"Sige na, tapusin mo na 'yan pagkain mo nang makatulog na tayo ng maaga. Maaga pa ako gigising bukas dahil mangingisda kami," seryosong wika ni Gabriel at agad nang tumayo sa kinauupuan nito bitbit ang platong pinagkainan upang dalhin sa lababo at mahugasan.

Sinundan na lamang ni Stephanie nang tingin ang binatang naglalakad patungong kusina.

--

"Bro, alas-diyes na ng gabi bakit gising ka pa?" Puna ni Eugene sa kaibigang si Noel nang makita ito sa sala na gising pa at tutok na tutok sa kaniyang Laptop.

Nasa tinatawag nilang 'friend's hide out' sila Eugene, Noel, Scarlet at Janella dahil dito nila pinag usapan kung paano nila mahahanap ang kaibigang si Stephanie na hindi lumulikha ng kahit anong issue dahil maaaring masira ang pinangako nila kay Verhel at mapagbuntugan ng galit ang kaibigan.

Ang 'friend's hide out' nila Noel ay isang condominium unit. Hati-hati sila pagbabayad sa upa monthly, bayad sa tubig, kuryente at maging sa pagkain. Naisipan nila 'tong gawin dahil nakahiligan na rin nila na mag house party.

"Gumagawa pa kasi ako ng article tungkol kay Stephanie," ani Noel na medyo nag unat ng kaniyang braso.

"Bukas na lang 'yan Bro, hindi ka makakapag isip ng maayos kung inaantok ka na," ani Eugene na patungong kusina upang kumuha ng dalawang beer can para sa kanilang dalawa ni Noel.

"Kailangan kong matapos 'to ngayon, hindi na natin puwede patagalin ang paghahanap kay Stephanie. Masiyado na akong nag aalala sa kaniya," ani Noel na mababakas sa mukha ang labis na pag aalala para sa kaibigan na matagal ng minamahal.

"Catch!" ani Eugene nang ihagis kay Noel ang isang beer can na agad naman nasalo ng binata.

"Salamat," ani Noel at tumango lamang si Eugene saka naupo sa katapat na sofa habang binubuksan ang beer can.

"Nangako naman si Tito Simon na gagawin niya ang lahat upang hanapin si Tiffany 'di ba? Bakit hindi na lang natin ipaubaya kay Tito ang lahat? Tutal, higit siyang may kakayahan sa atin dahil bukod sa siya ang Daddy ni Tiffany, isa rin siyang may mataas na katungkulan sa AFP," suhestiyon ni Eugene bago lumagok ng alak.

"Hindi puwede, kailangan may gawin din tayo. Lalo na ako, dahil kung hindi dahil sa pagpupumilit ko na isama si Tiffany sa Isla Puting Bato para sa lintek na resarch ko na 'yan, hindi mangyayari sa atin 'yon at mas lalong hindi mawawala si Tiffany," ani Noel na napahilamos pa ng kaniyang mukha.

"C'mon Bro. Wala dapat sisihin sa atin kasi in the first place, hindi naman natin alam na kampo pala ng mga rebelde 'yung napuntahan natin," ani Eugene."At kung naniwala lang sana kami agad sa inyo ni Tiffany, nakaalis sana tayo agad doon sa isla." Patuloy pa nito.

--

Pasado ala-una na ng madaling araw, mahimbig na ang tulog ng lahat nang nakatira malapit sa pangpang. Maliban kay Gabriel na nakaupo sa upuang kahoy sa labas malapit sa pintuan ng kaniyang bahay.

"Madaling araw na ah, why are you still awake? Hindi ba uso matulog sa'yo? Para ka pa lang isda." Natatawang biro ni Stephanie na hindi rin makatulog kahit pansamantalang pinaubaya muna sa kaniya ni Gabriel ang silid nito. Dahil sa biglaang pagsasalita ng dalaga ay muntik pang mahulog sa upuan si Gabriel dahil sa gulat.

"Sino may sabi sa'yong hindi natutulog ang isda?" sarkastikong tanong ni Gabriel.

"Ba't galit ka? Binibiro ka lang naman. Masiyadong seryoso, tatanda ka agad niyan." Natatawang wika ng dalaga saka tumingala sa kalangitan kung saan kitang-kita ang nagkikislapang mga bituin sa kalangitan.

"Matulog ka na." Matabang na wika ng binata.

"Bakit ako lang? Hindi ba dapat ikaw din? Sabi mo maaga ka pa gigising, tapos puyat ka nang puyat. Baka mamaya sa sobrang antok pag hagis mo ng lambat pati ikaw kasama." Natatawang biro ni Stephanie.

"You think it's funny?" sarkastiko at seryosong tanong ni Gabriel sa dalaga.

"Bakit ba ang seryoso mo masiyado? Hindi ka ba p'wedeng biruin?" Natatawang wika ni Stephanie.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay puwede ka magbiro sa isang tao, lalo na kung hindi mo pa naman lubusan kilala," seryosong wika ni Gabriel dahilan upang mawala ang nakakurbang ngiti sa labi ng dalaga.

"Sabi ko nga. Okay I'm sorry, nasanay lang siguro ako sa mga kaibigan ko. Oo nga pala, tama ka. Hindi pa nga natin lubusan kilala ang isa't isa," malumanay na wika ni Stephanie.

"Pumasok ka na sa loob at matutulog ka na, maya-maya pa 'ko,"

RIVER BOATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon