Ngayon, nandito ako sa service vehicle namin ng kapatid ko papunta sa school. Lagi kaming maaga nakakapunta kaya lagi rin akong may time na gumawa ng kahit ano sa classroom.
"Salamat po." Sabi ko kay Kuya at bumaba sa tricycle.
Nagtanguan lang kami ng kapatid ko at pumunta sa sariling naming mga room. Right, ganito lang kami kapag nasa school pero kapag nasa bahay...I don't even know what to tell about my brother except for him being so clingy all the time.
The guards checked our bags bago kami makapasok sa loob ng school. Maya-maya ay naglalakad na ako papunta sa locker room para kunin yung books ko for this day.
"Girl! Sabay na tayo." It's Andy, ang friend ko since grade seven.
"Ok." Tipid na ngiti lang ang pinakita ko at sabay na kami naglakad papunta sa lockers.
My friends know me as a shy and quiet one. Yung type ng tao na hindi mahilig mag-start ng conversation at laging awkward. Actually, I was never like this. Noong nasa elementary ako ay kabaliktaran ako sa kung ano ako ngayon.
I used to be this energetic and talkative kid but until now I never knew the reason why I transitioned with this type of personality. Well, may mga theories ako pero never ko silang pinagisipan pa dahil kontento naman ako sa kung anong meron ako ngayon.
Nasa lockers na kami ni Andy at sinimulan na namin kunin yung mga libro. Siyempre, ako yung may maraming buhat kasi di ako naguuwi ng books sa bahay, depende nalang kung may assignment or quiz.
"Tulungan na nga kita diyan." Tumawa si Andy at kinuha nang kusa yung dalawang libro na makapal.
"Thanks..."
Malapit lang ang locker room sa classroom namin kaya nakikita ko agad yung mga tao na nandon na. As usual, wala pa yung seatmate ko na si Tina.
"Dito mo nalang ilagay."
Pinatong ni Andy yung libro sa desk ko at pumunta na sa upuan niya para umupo. Nilapag ko muna yung bag ko bago ilagay yung books sa baba ng upuan ko, may patungan kasi ng books sa baba.
I plugged in my earphones while waiting for our first subject teacher. Ngunit naputol yung jamming ko dahil may tumatawag sa pangalan ko.
"Pst! Ad!"
"Bakit?" Mahinahon kong tanong kay Janelle.
"Pahiram naman ng notebook mo, kulang kasi ako sa notes eh. Puwede ba?"
I internally sighed and grabbed the notebook she was asking for in my bag.
"Basta ibalik mo 'yan before lunch, ha?"
Kinuha niya yung notebook at masayang tumango. Napansin ko na agad din siyang nagsulat sa sariling niyang notebook. Masipag talaga itong si Janelle.
Bigla naman pumunta ang paningin ko sa hingal na hingal naming classmate na sumandal muna nang panandalian sa pinto.
"Kapagod!"
Umupo siya sa upuan na nasa harapan ko. Natawa naman ako ng kaunti kay Jess kasi hingal na hingal pa rin siya.
"Okay ka lang?"
"Naglakad ba naman ako mula roon sa BDO papunta rito! Sinong hindi mapapagod?!" Kung kanina ay pagod na pagod siya, ngayon ay tumatawa na siya.
Sumunod naman na pumasok si Marcus, ang nagiisang lalaki sa aming magkakaibigan. I know right? Sa dami ng lalaki rito sa klase namin ay siya lang talaga yung nag-click.
"Ad, pahiram ako ng susi nakalimutan kooooo." Nagmamadali niyang sinabi kaya agad kong kinuha yung susi ng locker at binato ito sa direksiyon niya.
"Thanks!" Tumakbo siya palabas ng classroom at pumunta sa locker room. Kaming dalawa kasi ang nagshashare sa iisang locker.
"Oh my gosh, may quiz ba?? Bakit nakabukas notebook ni Janelle??"
There she is, nandito na si Tina at napapraning na naman. Kapag kasi nakikita namin na nakabuklat ang notebook ni Janelle at nakaupo sa bandang likod ng classroom ay mayroong quiz.
Hindi ko nga napansin na nasa likod na pala siya nakaupo.
"Wala wala. Nagnonotes lang siya."
Kumalma naman si Tina at nilapag yung librong kasing dami ng sa akin. Pareho kaming hindi naguuwi ng libro.
Bumalik si Marcus at nilapag sa desk ko yung susi ng locker namin. Saktong dumating ang teacher namin kaya napaayos ang lahat ng upo.
"Goodmorning, Rizal B."
"Goodmorning, Ma'am Caron." Sabay-sabay naming sinabi.
"For this morning, hindi tayo maglelesson-"
"Ayonnnn!"
"Love you, ma'am!"
Pareho kaming napatawa ni Tina sa mga komento ng kaklase namin habang si Ma'am naman ay seryoso lang nakatingin sa aming lahat.
"Hindi tayo maglelesson kasi gagawa kayo ng headdress for the dancers tomorrow."
Right..the dancers, which are me, Tina, Andy, Marcus, and Jess. Bukas na ang performance namin for Intramurals.
Kaming lima lang ang sumali over 35 students sa section namin. It's weird because last school year halos lahat ay kasali, pero it seems like hindi na nila nagugustuhan na sumali this school year kasi medyo busy din sa acads.
"Alam niyo naman kung paano gawin kasi pumunta rito kahapon ang SC para ipakita ang materials and how to do it. You may start now."
Nagsimula na sila tumayo sa upuan nila para manghiram ng materials.
"Uhm, Ad, puwede pahiram ng glue?"
Narinig kong tumawa nang mahina si Tina, I rolled my eyes on her and grabbes the glue on my bag.
"Ibalik mo 'yan mamaya-"
"Yep! Thank you!" Nagmamadali na sinabi ng kaklase namin at kinuha yung glue.
"Hindi niya 'yan ibabalik." I whispered but I guess Tina heard kasi tumatawa na naman ulit siya.
BINABASA MO ANG
Affection (GXG)
RomansaSi Adeline Fabelo, hindi kilala sa kanilang school maliban sa apat na makukulit niyang kaibigan. Nakilala niya si Sage Ortega, isang varsity sa kanilang school at kilala ng halos lahat. Adeline is an introverted student while Sage is extroverted. Th...
