Chp. 2: Sage Ortega

374 19 0
                                    

"15 minutes, guys." Paalala sa amin ni Angie, ang dance instructor. Pagkatapos magaayos ni Tina at Andy ay lumabas na kaming tatlo at pumunta kasama yung ibang dancers.

"Alright, guys. You all know what to do. Kaya natin 'to!!!"

Nagpalakpakan kami lahat.

"Shit, paano kung makalimutan ko yung steps?"

"Never." Sabay naming sinabi ni Tina kay Andy. Andy is a very, very, very great dancer pero ito nga, she doubts herself sometimes.

"Our next performers will perform..."

"Go na po?" Narinig kong bulong ni Angie sa head teacher.

"Go na guys! Bilis!"

Tumakbo kami lahat papunta sa lugar na sasayawan namin.

"Let's give them a round of applause!"

Narinig namin ang malakas na palakpakan ng mga tao bago nagsimula tumunog yung kanta namin. Kahit sobrang kabado ako, sinubukan ko ipakita yung mga steps na tinuro sa amin for 3 weeks. Imagine, 3 weeks din naming na-miss out yung mga lessons in every subjects.

Malapit na kami sa dulo ng choreography, ito na yung part na laging may nagkakamali nung practice. Pero nung narinig ko ang malakas na hiyawan ng iba't ibang estudyante, ibig sabihin ay nagawa nila ng tama yung steps.

"Looks like we already have a winner!" Natatawang sabi ng speaker na hindi namin alam kung biro ba o hindi.

Nagtakbuhan kami lahat pabalik doon sa lugar namin kanina at masayng binati ang bawat isa.

"Yessss! Natapos din!" Sabi ni Tina na nagpupunas ng pawis.

"I know right."

Pumunta kaming tatlo sa banyo para magpalit ng pangibaba kasi nakakahiya namang maglakad kami na naka leggings lang na manipis. Pagkatapos ko magsuot ng pantalon ay pumunta ako sa sink para maghugas ng kamay.

"Saan na tayo ngayon?" Tanong ni Tina.

"Bili tayo ng pagkain?" Suggestion ko. Tumango naman silang dalawa at lumabas na kami ng banyo.

Habang kinakain yung nabili naming pagkain ay nilibot muna namin yung school.

"Sana ganito rin kaganda yung sa atin." Sabi ni Andy.

Habang naglalakad kami sa hallway ay nilapitan kami ng class president, si Col.

"Guys, punta na kayo doon sa room. May room na inassign sa section natin."

Sinundan namin siya at sa fourth floor pa pala ang tinutukoy niya. Binuksan namin yung pintuan ng room at sinalubong kami ng mga tilian at tawanan. Naglalaro pala yung mga classmate namin sa gitna ng room.

"Upo kayo rito baka maunahan pa kayo!" Pagtawag ni Marcus kasama ang iba pa naming kaibigan.

"Ang galing niyo kanina ah." Natutuwang sabi ni Janelle.

"Grabe nga kaba ko eh, akala ko palpak na naman yung steps."

"Ay weh? Saan doon banda?"

Nagsimula na silang magkuwentuhan at ako naman ay nakatutok lang sa cellphone ko, pero dahil sobrang ingay sa room ay napagisipan kong makinig sa mga kanta.

"Huy, Ad, tahimik ka na naman." Sabi ni Jess.

Sinabayan ko lang ang tawanan nila at agad naman silang bumalik sa usapan, they are probably gossiping.

"Um, guys. Bili lang ako ng tubig sa labas ha." Pagpapaalam ko sa kanila at kinuha yung wallet ko.

"Sabay mo rin ako ng isa, pleaseee." Sabi ni Tina gamit ang pinakamaliit niyang boses.

"Alright."

Lumabas ako ng room at bumaba sa hagdanan na inakyatan namin kanina. Dala ko pa rin ang cellphone ko na may earphones at tumutugtog pa rin yung kantang pinapakinggan ko.

Finally, nasa canteen na ako ng school.

"Ate, dalawang tubig po yung maliit lang."

Ngumiti naman si ate at inabot ko yung bayad ko bago niya ibinigay sa akin yung dalawang bote ng tubig.

"Salamat po."

Nilibot ko muna ang paningin ko sa paligid kung sakaling may makilala akong pamilyar na mukha. Uminom muna ako ng tubig dahil kanina pa ako uhaw na uhaw.

"The f-"

Hindi ko natuloy ang aking nasabi nang sumagi yung bote sa bibig ko at natapon yung laman sa t-shirt ko. Tumingin ako pataas at nakita ang nagaalalang mukha ng isang matangkad na babae. Nakasuot siya ng jersey so I guess that she plays for the school.

Hindi ko namalayan na nagsasalita pala siya at tinanggal ko yung earphones ko.

"Ha?"

"I said I am very sorry! Nagmamadali kasi akong bumili ng tubig kasi kami na ang next na maglalaro-"

"Okay lang." Natatawa kong hinarang ang palad ko sa harap ng mukha niya para tumigil na siya sa pagsasalita.

Bumalik ulit ako sa tindera at bumili ng isa pang tubig.

"Ako na magbabayad."

"Okay lang. Ako na." Ngumiti lang ako at inabot ang bayad kay ate.

"Salamat po ulit."

Naglakad na ako paalis sa babae. Mabuti nalang ay hindi na ako kinulit, wala akong oras para riyan.

Nakapasok na ako sa room at tinira agad ako ng mga tanong nila Jess at Marcus.

"Hoy babae saan ka nanggaling?? Akala namim naligaw ka na." Nagaalalang sabi ni Jess.

"Um, sa canteen?" Umupo ako sa upuan ko at inabot kay Tina yung tubig niya. They dismissed the topic and talked about other things instead.

Nabalik naman yung pagiisip ko sa babae na nakabangga sa akin kanina. Masakit yung pagkasagi ng bote sa bibig ko ha, but I just shrugged and brushed the thought out of my head.


Affection (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon