Chp. 8: Oh?

166 6 4
                                    

It's already saturday, I know...ang bilis ng panahon 'di ba? But that day when Sage confronted Jakob ay fresh pa rin sa isipan ko. Now that nasabihan na ni Sage na tigilan siya ni Jakob sa pangliligaw, hindi ko na nakikita na lumalapit si Jakob sa kaniya.

Kaming lima ay nakarating na sa resort and by the looks of it, kami ata ang nauna rito maliban kay Marcus at ang mga magulang niya.

"Bakit maaga tayo pinapunta ni Marcus?" Naghihikab na sinabi ni Jess.

Nagtataka rin ako, akala pa nga namin ay late na kami pero baliktad at kami pa ang nauna sa mga ibang bisita.

"GUYS! I am so glad y'all made it here!" 

Niyakap kami lahat ni Marcus at halata naman sa mukha niya ang sobrang tuwa.

"Bes, bakit wala pang bisita." Tanong ni Andy.

"Ha? Anong wala?! Pumasok kasi kayo sa loob! Nako ha." 

Ah, nasa loob naman pala, bakit kasi ang tahimik at wala pang mga sasakyan na nakaparada sa labas?

Sinamahan kami ni Marcus sa loob ng resort at totoo nga na marami na yung mga bisita, may mga naliligo pa sa pool.

"Dito kayo guys." Tinuro ni Marcus yung cottage namin.

Iniwan muna kami ni Marcus dahil may aayusin pa raw siya. Ganito kasi lagi pag birthday niya, laging may program.

"Magbihis na kaya tayo, tingan niyo yung iba nakabihis na." 

We agreed sa sinabi ni Jess at sabay-sabay na kami nagpunta sa changing rooms. Gumaan naman ang pakiramdam ko nang makita ko na marami ring naka t-shirt at shorts ang attire sa pool. Pumasok na kami sa mga rooms at nagsimula na ako magpalit.

Wala pa ilang minuto ay tapos na ako makabihis. Lumabas na ako at nakitang tapos na rin pala sina Jess at Janelle.

"Bilis bilisan guys." Pangungulit ni Jess sa mga nasa loob pa rin ng room.

Humarap muna ako sa salamin at nag-ayos ng buhok ko. Itatali ko nalang siguro.

Finally, tumunog na yung pagbukas ng mga pintuan at lumabas na sina Tina, Andy, at Sage.

"Ay, wow. Hiyang hiya naman yung rushguard ko sa two-piece niyo!"

Napatingin ako sa repleksyon ng salamin dahil sa sinabi ni Janelle. Nakasuot lang naman ng two-piece yung tatlo. Napunta ang mata ko kay Sage na may inaayos sa bandang dibdib niya kaya agad akong umiwas ng tingin. Oh my...

"I saw that..." Jess playfully teased at tinulak ko lang siya palayo.

"Ready na lahat para sa outfit reveal?" Natatawang sabi ni Janelle at tumango naman kami lahat habang tumatawa rin.

Lumabas na kami ng changing rooms. Nagmasid ang mga mata ko sa mga nakatingin sa amin, lalo na kay Sage. Well, I can't really blame them.

Nakabalik na kami sa cottage at nag-antay sa paglabas ni Marcus kung saan man siya nanggaling.

"It suits you. Your hair in a ponytail, I mean." 

Saan napunta yung confident na Sage?? Kasi based on what I see right now is far from the usual Sage who smirks playfully and teases a lot. 

"Thank you, I guess. That outfit looks good on you, by the way." I smiled and saw her look at the ground again.

"Ew, get a room!" 

Napatingin kami pareho kay Jess na nagkukunwaring nasusuka. See? She's literally the funniest one in our group.

"Bes, tingnan mo yung nakasandal sa gilid ng pool-"

Hindi na ako nakinig sa pinaguusapan nina Jess at Janelle dahil halata namang lalaki ang pinaguusapan nila.

"You're not up for those conversations too, huh?"

"Not really." 

"Me too." Sabi ni Sage kaya napatingin ako sa kaniya.

Maya-maya ay biglang lumabas si Marcus at nagsalita sa harapan ng mikropono. "Good morning, guys! Welcome to my 20th birthday and just like before, I prepared a program that ALL of you need to follow." 

Napunta ang tingin ni Marcus sa amin and smirked evily. Oh no...huwag mo ituloy ang pinaplano mo, Marcus.

"Anyway, you can enjoy the pool for now but later, after lunch at 12:00 pm...Never mind, I don't wanna spoil you. Enjoy!" Nagtawanan naman ang  mga bisita sa sinabi ni Marcus. 

Nakita naming lumabas ng kanilang sari-sariling cottage yung mga bisita at nagtampisaw sa mga pool. 

"It's our time to shine." Janelle wiggled her eyebrows teasingly at nagpunta sa wave pool kung saan hindi masyado maraming tao kasi wala pang waves.

Sinundan nalang namin siya.

"Ano na naman kaya ang paandar ni Marcus mamaya?" Nagtatakang tanong ni Tina, pero alam ko na alam na niya yung mga ginagawa ni Marcus sa tuwing may birthday siya.

"Alam mo ba, Sage, last year ay sobrang wild ng party ni Marcus?"

"Oh really? Anong nangyari?" 

Natawa ako sa kahiyaan nang maalala ko yung mga nangyari last year, yung mga ginawa nila na involved ako. Paano ba naman, Marcus set me up with a boy na pinsan niya ata. Kaya that year, nalaman din nila na I am not interested to boys.

"Naging matchmaker si Marcus! Nakita mo kanina yung mga bisita is halos puro kasing edad lang natin diba?"

Tumango si Sage sa sinasabi ni Jess.

"Last year, sila rin yung mga nakaranas ng mga laro ni Marcus, at dahil hotel yung venue last year, nagkulong si Marcus ng tig-limang tao kada kuwarto!" 

"OMG! Remember nung nahiwalay sa atin si Ad? Sinadya ata 'yon ni Marcus para raw maki-socialize si Ad."

Lumipat ang tingin sa akin ni Sage para ikumpirma ko kung tama ba yung sinasabi nila.

"It's the worst part of that night. Yung mga kasama ko is puro lalaki." Napabuntong-hininga ako sa memorya.

Nakita kong nagbago bigla ang ekspresyon ni Sage sa pagaalala.

"It's not what you think, Marcus secretly hid a camera in every room," I assured at napatango nalang si Sage.

"Simula nung gabi na iyon tsaka lang namin na-approve na hindi talaga interesado si Ads sa mga lalaki." Natatawang sabi ni Tina habang si Sage naman ay hindi masyado nagulat sa narinig. 

"Oh, I see..." 

Affection (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon