"WHO THE HELL INVITED YOU?!"
Nagulat kami ni Sidney nang makita si Sage sa labas ng function hall. Imposible naman na bigyan siya ng invitation ni Jess kasi matagal na namin siyang hindi pinapansin.
Yet, here she is. Mukhang tipsy pa.
Nakangisi lang ito sa amin at pumunta ang tingin niya sa kamay namin ni Sidney. Biglang nagbago ang mukha niya at ang ngisi niya kanina ay napalitan ng galit.
"Oh hell no, we're not doing this." Napahinga nang malalim si Sidney at akmang maglalakad na sana kami para bumalik sa loob. Bigla nalang na humiwalay yung pagkahawak niya sa kamay ko at huli na ang lahat bago ko siya mahila pabalik sa akin.
"Sidney!"
Isang suntok sa mukha ang natanggap ni Sidney pagkaharap niya kay Sage. Agad akong pumunta sa likod ni Sidney para awatin silang dalawa bago pa siya makasuntok, si Marcus naman ay pilit din na hinihila paatras si Sage.
Maya-maya ay dumating yung security at sinabihan sila ni Jess na palabasin si Sage.
"Ok ka lang?" Tinanong ko si Sidney nang mapahawak ito sa panga niya.
"Yeah, ok lang. I might need an ice pack though." Pinapasok muna namin siya loob para makaupo. Kumuha kami ni Jess ng yelo sa catering area at binalot ito sa panyo ni Tina.
"Thanks."
I heard her hiss in pain, which made me much MORE irritated to Sage. Bakit ba lagi nalang siya sumusulpot kung saan kami pumupunta?!
"Hey, okay lang ako. 'Wag ka na mag-overthink." Malambing na sinabi ni Sidney bago nito hawakan ulit ang mga kamay ko.
Ningitian ko siya. I know that I have to handle this, not today but someday.
"Sorry talaga guys. Hindi ko talaga alam kung sino ang nagbigay ng invitation sa babaeng 'yon."
Sumunod sa likod ni Jess ang iba at umupo na sa table namin. Binigyan nalang nila ng ngiti si Sidney at nagsabi ng sorry.
"It's fine guys. Huwag na kayo mag-alala."
"Marunong ka na mag-Tagalog?!" Gulat na tanong ni Janelle.
"Ah, oo. Tinuturuan kasi ako ni Ads eh."
"Ayieeeee." Sabay-sabay nilang sinabi kaya napasandal ako sa braso ni Sidney.
"Omg, don't tell me you guys are dating?"
"We're getting there-"
"Yeah, we're girlfriends."
A what- I mean, yes! finally!
Tumingin sa akin si Sidney at natawa siya sa reaksyon ko. Hindi pa namin confirm ang girlfriend stage sa isa't isa pero base sa sinabi niya, I guess we're girlfriends now.
"Too soon? I was supposed to ask you at the airport pero malalate na kasi tayo and you know...I want to impress your friends so I thought siguro mamaya nalang pag-uuwi na-"
Tila ako teenager na ngumingiti sa kaniya.
"Spare me the details, Sid. Siyempre, I'll be your girlfriend!"
Tumili yung mga kaibigan namin at pati yung mga bisita ay pumapalakpak na rin pala. I hugged her tightly and rested my head against her shoulder for a while.
Hay...ang saya pala sa pakiramdam. I just love everyhting about her, since noong bata pa kami, what they say is real...first love never really dies.
"You make me so happy, Ads. Thank you." Bulong niya sa akin.
"You make me more than being happy."
Ilang minuto pa ay nagsimula na yung party. Habang nagsisigawan yung iba habang pinapanood na sumayaw si Jess, yung mga kaibigan ko naman ay panay tanong kay Sidney.
"Saan ba kayo nagkilala?"
"Bakit hindi ka namin nakikita dati?"
"Half ka ba? Bakit hindi naman mukhang half si Marcus? Bakit ang tangkad mo?"
Napaikot na lang ako ng mga mata sa tanong nila, habang si Sidney ay masaya lang na tumatango at sinasagot yung mga katanungan nila.
"A round of applause to Jessica! Now, let's hear her say something first."
Pumalakpak kami at pinanood si Jess na tila mawawalan na ng hininga. "W-wait. Inom lang ako ng tubig, Ma!"
Bumalik din kaagad siya at kinuha yung mic mula sa speaker.
"First of all, salamat sa mga dumalo. I know na sanay na kayo sa ganitong celebration kaya alam niyo na rin ang gagawin, 'yun lang."
"Very well said-"
"OH! Bago ko makalimutan, congrats nga pala to my bestie at sa kaniyang girlfriend! Palakpakan naman diyan!"
Nahihiya akong tumango sa mga bisita at tumingin kay Jess. Mapaglarong ngumiti lang ito at kumindat sa aming dalawa ni Sidney.
Tumayo na kami sa upuan at kumuha na ng pagkain sa buffet. Wala na rin yung hawak na yelo ni Sidney kasi sabi niya kanina ay hindi na raw medyo masakit yung panga niya. Pagkatapos din namin kumuha ng pagkain ay bumalik na kami sa table.
"Jess, balita ko pupunta raw tayo sa bar after dito."
"Ha? Sino nagsabi?" Inosenteng ngumiti si Jess at napatingin sa mga bisita. Ah, of course, hindi alam ng magulang niya.
"Katabi lang natin yung bar-"
"Marcus, hinaan mo naman boses mo." Bulong ni Jess kay Marcus.
"So? Pupunta ba tayo?" Tanong naman ni Andy.
"Yes, pupunta nga tayo." Mahinang sabi ni Jess habang tumitingin pa rin sa paligid. Napabulong kami lahat ng 'Yes' at tinuloy yung pagkain na parang walang nangyari.
Sana lang ay wala roon si Sage...
BINABASA MO ANG
Affection (GXG)
RomanceSi Adeline Fabelo, hindi kilala sa kanilang school maliban sa apat na makukulit niyang kaibigan. Nakilala niya si Sage Ortega, isang varsity sa kanilang school at kilala ng halos lahat. Adeline is an introverted student while Sage is extroverted. Th...
