Adeline's POV:
I remembered her...
Paano ba naman, Marion ang tawag ko sa kaniya noon and now she goes by her first name. Si Marcus ang nagsabi sa akin habang nagrerecess kami kaya naman agad ko hinanap si Sidney, we got a lot of catching up to do.
Dahil first day niya rito sa school, I am very sure na hindi lang siya pipirmi sa cafeteria kaya naisipan ko pumunta sa field.
At tama nga ako, tahimik lang siyang nakaupo habang kumakain ng sandwich.
I stared at her in awe, I can't believe na siya pala yung teammate ko rati na lagi lang tahimik at hindi masyado nakikipagusap pero sobrang galing sa paglalaro. I mean, wow, grabe ang glow up.
Nagulat siya nang makita ako sa tabi niya, hindi na ito siguro nasanay na magsalita ng Tagalog, straight English kasi kung magsalita eh.
"Wait, do you still know how to speak Tagalog?"
"Um, medyo lang?" Pagkasabi niya na bakas pa rin ang accent. Napangiti nalang ako at tumango.
"You could have told me sooner that you're Marion." I teased na ikinatawa niya.
"Can't do that, my cover will be blown."
Napatingin nalang ako sa kaniya habang nagsasalita siya. How can I not notice na kapatid niya si Marcus noong nasa elementary kami? I didn't even noticed the resemblance. I'm such an idiot.
"Hey, you're doing that thing you always do again." Tinuro niya ang kabuoan ng mukha ko.
"What thing?" Inosente kong tinanong. Ah, she still knows the face I make when I overthink.
"Nevermind, you already know what I am talking about." Sinubukan niyang magtaray.
Tahimik naming pinagmasdan yung mga naglalaro sa field, bigla naman akong nakaisip ng ideya.
"What if we go to the tryouts?"
"Where?"
Tinuro ko yung mga naglalaro ng football.
"Oh...yeah, you should tryout." Maliit na ngiti lang ang binalik niya sa akin at hindi na tumingin ulit sa field.
Parang dati lang sobrang enjoy na enjoy siya sa paglalaro ah...
"Marion...what I mean is we BOTH should join the tryouts."
Hindi na ako nito pinansin.
"Alright, silence means no." I clasped both my hands and didn't mind her ignoring me for the following minutes.
Looks like she doesn't want to talk to me anymore. Napagisipan kong tumayo at umalis nalang para bumalik kina Marcus.
"Yo, Ads! Hinahanap ka ni Sage." Pagbabalita ni Jess na may halong kindat pa. Sinundan ko nalang siya at mukhang papunta yata kami ng library.
Pagkabukas niya ng pinto ay nakita ko agad si Sage sa isang table, nagbabasa ng libro habang nakikinig sa music.
"Iwan ko na kayo ha." Kumindat na naman si Jess, pero bago ko siya mabatukan nang palihim ay sinara na nito yung pintuan ng library.
Tahimik akong umupo sa tabi ni Sage pero mukhang hindi ako nito napansin kaya tinapik ko yung balikat niya.
"Sage? Bakit mo ko pinapunta rito?" Mahina kong sinabi.
Parang nabigla pa ito sa sobrang lapit ng mukha namin kaya agad naman ako napaatras.
"R-really? Sino nagsabi na hinahanap kita?"
Hindi ko alam kung nagkukunwari ba siya o hindi.
"Si Jess. Seryoso, bakit mo ako pinapunta rito? And bakit sa library pa?"
Niligpit niya muna yung earphones niya bago humarap ulit sa akin.
"Alright, nahuli mo ako. Ganito kasi..." Nerbyoso niyang sinimulan. Wait, why am I suddenly feeling nervous too?
"Ano..."
"Ano?!" Nagtakip kaagad ako ng bibig nang magsalita ako na medyo napalakas. Library nga pala ito.
"I like you."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. First, I was NOT expecting something like this so early. Second, bakit parang wala na akong ibang reaksyon kundi pagkagulat lang? 'Yun lang talaga? I thought may thrill...
"Um, that's good to hear..." I tried to smile but it disappeared when I saw the hurt look on Sage's face.
I hate this.
"Noooo, don't take that as a wrong expression! I mean, it's good that you let me know about this."
Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon niya.
Don't do it.
"And...as a matter of fact..."
Don't say it, you'll regret it in the end...but I can't stand the look on her face anymore.
"I like you too."
A part of me felt happy, but there's something about this that felt wrong.
BINABASA MO ANG
Affection (GXG)
RomanceSi Adeline Fabelo, hindi kilala sa kanilang school maliban sa apat na makukulit niyang kaibigan. Nakilala niya si Sage Ortega, isang varsity sa kanilang school at kilala ng halos lahat. Adeline is an introverted student while Sage is extroverted. Th...