Chp.14: Catching Up

139 4 0
                                    

"ANO?!"

"Teka nga, ano ulit?"

"Akala ko ba gusto mo rin siya?! Teh, anong nangyari??"

Sabay-sabay silang nagtanong nang makapasok kami sa loob ng kwarto ni Marcus. Hindi ba nila alam na nasa kabilang kwarto lang si Sidney? Baka naiistorbo pa namin 'yon sa pag-aaral niya.

"Guys! Hinaan niyo nga yung boses niyo!" Mahinang kong pagsaway kaya agad sila napatagili sa pagsasalita.

"So...what's the reason kung bakit nasabi mong gusto mo rin siya pero hindi naman talaga?" Tanong ni Marcus.

"Sa totoo lang, hindi ko rin alam, Marcus."

"But you guys have chemistry! Hindi mo ba talaga siya gusto?" Naguguluhang tanong naman ni Jess.

"Yes I like her, pero I don't think hindi aabot sa ganong level...I don't really know." 

Nilapitan ako ni Tina at niyakap. Himala.

"Nandito lang kami for you." 

Tumango sila lahat at binigyan ako ng malapad na ngiti.

"It's really not a big deal-"

"Anong not big deal?? This is actually your first time na may nanligaw sa'yo!" Todong tuwa ni Janelle pero inirapan ko nalang ito.

I weakly slumped on my back habang napaisip sa mga nangyari kanina. God must really hate me so much, huh?

"Wait...matanong nga kita." 

Napatingin ako bigla kay Jess na may mapaglarong ngiti.

"Kaya ba nawala ang feelings mo sa kaniya dahil may iba na?"

"Ohhhhh." Sabay-sabay nilang sinabi. Bakit ko nga ba sila ulit naging kaibigan?

"Um, no? Why would you even think of something like that?" Natatawa kong sinabi pero seryoso lang sila lahat.

Huminga ako nang malalim at napaisip sa tanong ni Jess.

"Nope, there's no one." Tipid kong sinagot ulit.

Bakas sa mukha nila na hindi sila naniniwala sa sinabi ko pero hindi ko nalang iyon pinansin dahil agad din nilang iniba ang topic.

"Gusto niyo ng snacks?" Tanong ko.

"AYON!"

"Go mare!"

Tumango nalang din ang iba kaya ako na ang bumaba para kumuha ng kahit ano sa kusina. Binuksan ko yung mga cabinet at napangiti nang makita kong puno ito ng mga pagkain.

"Jackpot." Bulong ko sa sarili ko.

"Just don't pick the ones with my name on them."

"What the-"

Naisara ko nang biglaan yung cabinet at hinarap yung tao na istorbo.

"Oh, it's you." Kibit-balikat kong sinabi at humarap ulit sa cabinet para buksan.

If she's giving me the cold shoulder, then I should too. Just kidding, it's too petty and I know she's better than this.

"Adel? Can I talk to you?"

Hindi ko mapigilan na ngumit sa pagsabi niya ng nickname na tawag niya sa akin noon. Pinilit kong bumalik sa seryosong mukha at humarap sa kaniya.

"What is there to talk about?"

Muntik na akong matawa sa itsura niyang hindi mapinta ngayon. 

"U-uh...about earlier? At the field?" 

I'm liking this already.

Tumalikod ako at kinuha yung apple para i-slice. 

"What happened at the field?" Nakatalikod pa rin ako at halatang naiinis na ito.

Napansin ko nalang na lumalapit na ito sa akin hanggang sa nasa tabi ko na siya.

"Stop playing, Ads." Seryoso niyang sinabi.

Napatawa ako nang malakas at itinigil muna yung ginagawa ko.

"Right, sorry. What should we talk about?" Pinakalma ko ang sarili ko at huamarap sa kaniya.

"I just want to say sorry if I became a total asshole to you earlier." 

Ah, ayun pala.

"Oh, forget about it, it's not like it is a big deal." Ngumiti ako at bumalik na sa pag-slice ng apple.

"IT IS a big deal. It was supposed to be us catching up with each other! Yet, there I was, I acted like an-"

I sighed and sharply turned to her again.

"Marion, don't ever apologize for something like that again. I understand your situation, really." I kindly smiled na ikinangiti niya rin. Hindi talaga madaling magpatalo itong babaeng 'to.

"That's good to hear."

"May I?" Tinuro niya yung iba pang prutas na hindi pa na-slice. Tumango nalang ako at binigyan siya ng espasyo.

"You know, I really missed this." 

"Missed what exactly?"

Narinig ko na tumigil siya sa ginagawa niya kaya napahinto rin ako.

"This...us hanging out. You remember when I used to go to your house and do exact things like these?" Natutuwa niyang sabi.

Of course, how could I forget?  Minsan kasi kaming tumatambay sa bahay namin after practice at ang karaniwang ginagawa namin ay magluto ng meryenda.

"Yeah, I do remember. I missed those times too."

"Well, now that I will probably permanently stay here, we should hang out again sometime." 

I swear, sa sobrang lapad ng ngiti ko baka mapunit na ang bibig ko.

"Definitely! You should tell me stories about what happened in Canada!" 

"We'll get there." She laughed and winked.

"HOY! NAKITA KO 'YON! NILALANDI MO BA SI AD!?

Sabay kami napalingon kay Marcus na bakas ang pagkagulat sa mukha, pero alam ko naman na nagbibiro lang ito.

"W-What? No! We were just talking." Inis na sabi ng katabi ko at bumalik sa ginagawa niya na parang wala si Marcus sa kusina.

"Good. Iakyat niyo na 'yan, nagrereklamo na yung mga palamunin." 

I unbelievably shooked my head nang makaalis na si Marcus.

"Is he always like this to all of you?" Tinanong niya.

"Yeah, you'll get used to it." 

We both laughed at inihanda na iakyat yung mga pagkain para raw sa mga palamunin.

Affection (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon