Chp. 6: She Knows

192 11 0
                                    

"Ate, doon muna ako sa XBOX station. Basta nasa department store lang sila mama." Sabi ng kapatid ko at agad na umalis bago pa ako makasalita. Itong batang ito...

"Did your brother just set us up?" 

I rolled my eyes and ignored what Sage has said. Nauna na ako pumunta sa bilihan ng token at sumunod nalang siya. Bumili ako ng kaunting token para mapuntahan na agad namin sina mama sa department store pero mukhang may balak itong kasama ko na dadgdagan pa nang marami.

"Ang onti naman yan." Pangungulit niya at nag-abot ng isang daan sa cashier.

"Hoy! Bakit ka bumili ulit?" Hinampas ko siya nang mahina sa braso pero parang wala lang 'yon sa kaniya at ningitian lang ako.

"Tuturuan kitang magbasketball para naman sa susunod masamahan mo ako sa practice." 

Ako? Pupunta sa practice niya? HA! In her dreams, marami akong iniintindi ngayon.

Hindi ko nalang siya sinagot at tumango nalang dahil baka may gawin na naman. Naglakad kami sa area kung saan nakapila yung mga basketball machines. Buti nalang may isa pang vacant sa pinakadulo at doon kami nagpunta.

"Ok, kumuha ka muna ng bola." 

Kumuha naman ako and I boredly stared at her. Kumuha rin siya ng sakaniya at nagpakita ng tamang posisyon ng paghawak ng bola.

"Ganito dapat yung paghawak mo, wait." Binalik niya muna yung bola na hawak niya roon sa lalagayan at inalalayan yung mga kamay ko. Bakit kasi ang lamig ng kamay...

"Ganito...wait ilagay mo rito...ayan!" 

I internally smiled nung bigla siyang napangiti nang malapad. Pinakita niya kung paano i-shoot yung bola sa net pero siyempre alam ko na iyon, kaso nga lang hindi pumapasok sa net.

"Try mo ulit pero this time huwag mo masyado puwersahan yung mga kamay mo. Ganito lang oh..."

Napatingin naman ako sa kaniya nung shinoot niya yung bola sa net na tila natural lang na makashoot siya ng bola. No wonder kung bakit marami siyang fans sa school.

"Ikaw naman." Tumango siya sa akin. Bigla naman akong kinabahan, bakit kasi sobrang focus ng tingin niya sa hawak kong bola.

"Here goes nothing..." I whispered and tried my best to shoot the ball.

It got in.

"Nice!!! Magaling ka naman pala eh!" She proudly said and playfully smirked.

"Hindi kaya. Sige maglaro ka lang diyan." Nahihiya akong ngumiti sa kaniya. Hindi na niya ako pinilit na maglaro ulit at inubos niya yung natitirang oras doon sa timer.

Binuksan ko muna ang cellphone ko to check some messages. I saw one from our group chat.

Marcus 

"Uy, Ads! Balita ko nagdadate raw kayo ni Sage ahhh."

Jess

"Ikaw Ad, ha. Balitaan mo kami sa date ng kasal!"

Wait, paano naman nila nalaman na nandito si Sage?! Tumingin ako ng panandalian kay Sage para malaman kung siya ang may pakana nito pero she's just peacefully playing. Sino pa ba ang kilala nila- Wait...don't tell me June told them.

"You're dead," I muttered and angrily messaged June.


"Hoy! Bakit mo naman sinabi sa mga kaibigan ko na kasama ko si Sage???"


Hindi niya agad nabasa yung message ko, sigurado akong babad na babad iyon sa video games ngayon.

"Bakit parang may galit ka sa mundo? Okay ka lang?"

Natauhan ako nang marinig ko yung tawa ni Sage. Tapos na pala siya maglaro. I turned off my phone and cleared my throat.

"N-nothing, saan na tayo pupunta?" God, bakit ako nauutal??

Sage looked over at me with suspicion first so I tried my best to look innocent, and it worked! 

"Doon nalang tayo sa mga claw machine, I'll win one for you and June." She winked and grabbed my hands.

This is the second time we held hands, and I kinda want this to happen again. Bigla akong napangiti sa aking naiisip.

"Hindi pa ako nananalo nakangiti ka na agad." Sage teased.

Nagsimula na siyang maglaro sa mga clawed machines habang ako ay nanonood lang kung paano hindi nakukuha ng claw yung stuffed toy.

"NOOO! MALAPIT NA IYON!" 

Napatalon naman ako nang kaunti sa biglaan niyang pagsigaw. I looked around us and wala naman nakapansin, masyado kasing maingay yung paligid. 

"Hey, it's fine." This time, lumapit na ako sa kaniya and tapped her shoulders. 

Halata ang dissapointment sa kaniyang mukha kaya napatawa naman ako nang mahina. It's my first time to see this new look! 

"It's probably rigged." She shrugged at nagbago na ang expression ng kaniyang mukha.

Hindi na namin pinuntahan si June at nauna na sa department store para hanapin sina mama. 

"What's your favorite color?"

Nagtataka akong napatingin kay Sage habang nasa escalator kami. 

"None, kahit ano lang." 

"Future career?"

"Software engineer." I smiled. I am currently in the second year of my degree in computer science, kaya it brings me so much joy to say that I will become what I always dreamt to be in the future.

"Ohhh, ang talino mo pala." 

Napatawa nalang ako sa sinabi niya. Basta I pass all my requirements at nakakapasa sa exams, okay na 'yon.

"How about you?" Binalik ko naman sa kaniya yung tanong habang naglalakad kami sa loob ng department store.

"Marine engineer." 

Oh tapos ako pa yung sinabihan niyang matalino?

"Second year mo na rin?"

"Yep."

We became silent after that while walking around. Asan na ba kasi sina mama?

"Here they are." Bulong ni Sage sa tabi ko nang makita namin sina mama pati yung kaniya.

"Did the two of you have fun?" Tanong ng mom niya.

Tumingin ako kay mama and she winked. 

"Oh no, you didn't..." I sarcastically laughed habang si mama naman ay parang proud pa. 

Alam niya??

Affection (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon