Chp. 5: Small Worlds

221 12 4
                                    

Dahil sabado ngayon, I spent my time doing homeworks na next week pa ang deadline. I guess that's one of my traits that my friends envied, I like doing things in advance dahil ayaw kong matabunan ng gawain at ma-stress.

After spending a good amount of 30 minutes, natapos na rin ako sa ginagawa kong school work. 

"Ate, magbihis ka na raw at aalis na tayo maya-maya." Sabi ng kapatid ko mula sa labas ng kuwarto ko.

"Sige! Wait lang." Aalis nga pala kami ngayon dahil sabado. 

Niligpit ko muna yung mga gamit ko bago kumuha ng damit sa cabinet. I chose a simple one dahil never naman ako nagsuot ng magara everytime na aalis kami every saturday.

Pagkatapos ko magbihis ay inayos ko ang sarili ko bago bumaba.

"Ready na?"

Tumango ako habang nagsusuot ng sapatos at sinamahan sila sa labas ng bahay. 

"Saan tayo pupunta, ma?"

"Doon lang sa mall, magkikita kami ng kaibigan ko from high school."

Tumango naman ako at sumakay sa kotse. 


Pagkatapos ng ilang minutos ay nandito na kami sa mall. I admired everyone who wore a stylish set of clothes, as always. I envy them for having colored hair, tattoos, and a pierced nose. I never had those even though I am already eighteen. 

"Nandoon na raw sila sa tapat ng McDo! Bilisan na natin." Nagmamadaling sabi ni mama kaya agad kaming lumabas ng kotse at pumunta sa entrance ng mall. Nakatingin pa rin si mama sa cellphone niya habang papasok na kami.

"Ayon! Nandon pala sila banda." Natatawa niyang sinabi at pinuntahan namin yung lugar na tinuro niya.

"Mare! Grabe ang ganda natin ha."

"Punta tayo sa arcade?" Tanong ng kapatid ko na halatang bored na agad.

"Mamaya, tanungin muna natin." 

Nakatayo lang kami habang naguusap si mama pati yung friend niya habang si papa naman ay pumunta sa department store.

"Ay, oo nga pala, kasama ko yung anak ko. Teka ha." 

Napansin ko nalang na lumakad papunta yung friend ni mama sa isang store na malapit lang sa amin. I went back to my phone and played the game with my brother na hindi na kinaya at naupo sa sahig.

"Anak, magmano ka naman kay ninang Lei mo." 

"Hello po."

Within a blink, biglang napatingin ako sa kanila at tama nga ang hinala ko. Ang anak na kasama ng friend ni mama ay si Sage. How can I forget that voice?

I gasped when I saw her again pero hindi pa rin siya tumitingin sa direksiyon namin.

"Uy, mare, magkasing edad lang sila ng panganay ko diba?" 

"Ma." Pagtawag ko kay mama. Bakit kailangan pa ako madamay sa kuwentuhan nila?

"Ay! Oo nga pala! Sage, anak, ito nga pala yung panganay na anak ni ninang Lei mo, si Adeline at yung bunso naman na si June."

Automatic na tumalikod ako at nagkunwaring kausap ko yung kapatid ko pero nagulat ako nang may kumalabit sa balikat ko.

"Ad? Is that you?" Halatang gulat na gulat ito base sa tono ng boses niya.

I sighed and decided to turn around, wala rin naman akong ibang choice.

"Shit, ikaw nga...what a small world." Binulong niya lang yung huling salita para kaming dalawa lang ang makarining.

Tumango naman ako at bumalik sa cellphone ko, natalo na naman ako at nanalo ang kapatid ko sa larong kahit kailan ay hindi ko siya matalo.

Tumawa lang siya at niyaya pa ako na maglaro ulit. "No thanks." 

Ibinaba ko ang phone ko as sumandal sa pader na sinundan din ni Sage.

"I mean...whattt." Natatawa niyang sinabi.

"Yep, me too."

"Tara, let's eat." Pagyayaya ni mama sa amin. Nauna silang naglakad habang ang kapatid ko ay naglalakad kasama namin ni Sage.

"Magkakilala po ba kayo?"

Wow, magalang naman pala.

"Nagkita lang kami kahapon sa Intramurals." Sinabi ni Sage at ngumiti sa kapatid ko.

"Ahhh, so nakita niyo po yung sayaw nila?"

Umiwas si Sage ng tingin at halatang napaisip sa sasabihin niya. Nakita niya ba? I'm doomed.

"Yep, very closely and clearly." Sabi nito at napatingin naman sa akin kaya agad akong umiwas.

"Ang galing ni ate sumayaw diba? Tinuruan ko iyan eh."

"Tama na 'yan, Jun-Jun."

Alam kong ayaw niya na tinatawag siyang Jun-Jun kaya napatawa ako nang makita ko yung reaksyon niya. Sinamaan ako nito ng tingin at tumakbo sa tabi ni mama.

"You two must be really close."

"Yeah, we are." I smiled. June is my most favorite person other than my parents and friends. Siya lagi ang kasabay ko sa mga trip ko. 

"Dito nalang tayo kumain." 

Huminto kami sa tapat ng isang restaurant at nagpa-reserve na sila ng table. Wala pang limang minuto ay natawag na ang numero namin at pinaupo kami sa mesa.

Inabot sa amin ang menu at umorder na rin.

"Ano sa'yo, Ads?"

I scanned the menu and when I finally saw my favorite dish ay tinuro ko iyon kay mama. "Ito nalang ma, yung chop suey." 

Narinig ko naman na tinanong si Sage ng mama niya kung ano yung gusto niyang kainin.

"Yung chop seuy nalang din siguro, Mom." 

I looked at her for a second and she only sent me a wink.

Did she just...

Affection (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon