Chp. 3: Her Treat

322 13 1
                                    

"Guys, game na nila Jared! Tara!"

Nagyaya na si Col para panuorin yung laro nila Jared, ang volleyball player sa klase namin.

"Ano? Manonood ba tayo?"

"Huwag na." Sabi ko. Pero nung napansin namin na lumabas na lahat maliban sa amin ay agad din akong tumayo at napilitang pumayag.

"Tara." Sabi ko at natawa naman silang apat.

Bumaba na kami at papunta sa court kung saan ay punong puno na ng mga estudyante.

"May makikita pa ba tayo riyan? Ang dami na ng mga nanonood eh."

Tumango kami sa sinabi ni Jess dahil nga impossibleng makahanap pa kami ng puwesto sa mga upuan.

"Hey!"

"Ano huwag nalang? Kain nalang tayo?" Suggestion ko sa kanilang lahat.They agreed naman at sabay-sabay kami pumunta sa mga stall.

"Hey! You!"

"Sa atin ba 'yon?"

Nakita namin na nilingon ni Janelle ang paligid at nanlaki bigla amg mata niya sa likuran namin.

"Sa atin nga! Dito siya nakatangin eh."

"Heyy!"

Lumingon kaming lima and the voice came from none other than the girl from earlier. Talk about luck.

"I was calling you but-"

"Kami po ba kausap niyo?" Magalang na tanong ni Jess.

Napatingin ng saglit yung babae kay Jess bago bumalik ulit sa akin.

"I am really sorry for what happened earlier. Look, I have seats reserved for you guys-"

"Ayon! May upuan pa raw! Tara na nga." Hinablot ni Janelle yung mga kamay ni Marcus at Jess para maunang pumunta sa court.

"Kilala mo ba siya?" Tanong sa akin ni Andy.

"Um...not really..." Nagaalinlangan kong sagot habang nakatitig sa sahig.

Tina got the message and grabbed both mine and Andy's wrists.

"Thank you for the seats. Mauna na kami." Ngumiti nang malapad si Tina roon sa varsity player at naglakad na kami papunta sa court.

"You were really uncomfortable there. Sino ba iyon?" Nagtatakang tanong ni Tina nang nakalad na kami palayo roon sa babaeng matangkad.

"Actually, kaya ako napatagal kanina kasi may nakabunggo sa akin. Kailangan ko pa tuloy pumila at bumili ng isa pang tubig."

"Oh...so siya yung nakabunggo sa iyo?" Tanong ni Andy.

Tumango naman ako.

Nasa court na kami at medyo nabawasan yung mga nakatayo. "Guys! Here!"

Nakita namin ang pagkaway ni Jess. May eksaktong limang upuan sa pinakamalapit na view ng play area.

"Siya ba may gawa nito?"

"I bet." I sighed and sat on the chair beside Jess.

"Ad, sino ba yung kanina? Sabihin mo salamat sa upuan ha." Sabi ni Janelle habang titig na titig sa isang basketball player.

"Gusto niyo?" Inabot ni Marcus yung isang pack ng crackers.

"Saan naman iyan nanggaling?"

"Nasa upuan eh, so baka para sa atin." Sabi niya habang nginunguya yung pagkain.

"Shh! Magsisimula na." Saway ni Janelle kaya natawa sina Jess.

"For the final round, we got Phoenix and Vultures competing. Best of luck, players." Sabi ng announcer. Nagpakita sa court isa-isa yung mga players.

"Ay, bakit mga babae? Hindi ba sila Jared?"

"Ate, volleyball 'yon at basketball ito. Sila yata next after nito." Sabi ni Marcus kay Janelle kaya napasampal ito sa kaniyang noo.

"Hoy diba siya yung kanina?" Siniko ni Jess yung braso ko nang paulit-ulit.

"Oo siya."

Tumingin yung babae sa akin at ngumiti.

"Hala ano iyon?" Tina teased. I rolled my eyes at their silly faces and mindlessly ate the crackers.

Nagsimula na yung laro at malaki na agad ang advantage ng team nung babae.

"Sila ata mananalo ah."

"And there it is, the Vultures takes home the trophy again! Congratulations!"

Nakita naming tumalon sa tuwa yung mga miyembro at nagyakapan.

"Oh tapos na, puwede na ba tayo bumili sa stalls?" Pagkain lang talaga laman ng isip ko kahit kanina pa.

"Nope." Sabay nilang sinabi that made me deeply sigh.

"Magpasama ka nalang kaya kay ate na matangkad. Papunta na siya rito eh."

Inalis ko muna ang atensiyon ko sa cellphone ko at tumingin kung nagbibiro ba sila. It turns out they are not. The girl is starting to walk towards us without a hint of tiredness and sweat. Nagpalit na rin siya ng suot kagaya ng suot namin na P.E.

"Ahem."

"Huy." Binulong ko kay Jess na tumawa lang.

Nang makalapit na yung babae sa amin ay tahimik lang nila tiningnan ito pero dahil hindi rin makapagsalita yung babae ay inunahan na ito ni Marcus.

"Miss Tangkad- este, ate, samahan mo naman itong kaibigan namin oh. Gusto niya kasing bumili roon sa stall tapos-"

"Marcus!"

"Fine, tara." Pagaaya naman kaagad ng babae.

Lumingon naman ako pabalik doon sa babae. Seryoso ba siya?

"See? Go pakabusog ka ha." Mabait na sinabi ni Marcus na halata namang pinipilit pigilan yung tawa.

"Huy, go na! Naghihintay yung tao." Pangsisiko ni Jess at sapilitan akong pintayo mula sa upuan.

"Byeee." Sabi nilang apat na may pagkaway.

"Where do you want to go?"

"Ikaw bahala."

Affection (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon