Chp. 11: The Past

176 5 0
                                        

Medyo gabi na pero nandito pa rin kami kina Marcus. Sana hindi ako mapagalitan kasi ang sinabi ko kina mama ay hanggang hapon lang kami rito. Ako nalang yata ang sober sa amin lahat, si Marcus kanina pa ito nakainom pagkatapos makipagusap sa mga kamag-anak niya. 

"Uuwi na siguro ako." 

Ikinagulat ko naman ang biglaang paghablot ni Marcus sa kamay ko. Ano naman ang trip nito?

"Waaaiitt! Ngayon tayo magkakaalaman kung may gusto yung kapatid ko sa'yo dibaaaa, tara bilis!" 

Never trust drunk people, pero nagmamadali akong dinala ni Marcus sa kusina kung nasaan yung kapatid niya. Tumingin ako pabalik sa mga kaibigan ko pero nag-thumbs up lang sila. Nako, kahit kailan talaga.

"Marcus, lasing ka na. Huwag mo na istorbihin yung kapatid mo." 

Dinedma lang ako nito. Nakarating na kami sa kusina at nandoon nga si Sid, nakatutok ang mga mata sa pader habang may hawak na baso.

"Sidneyyyy! Hindi kayo nagkakilala nang maayos ni Ad."

I saw Sid rolled her eyes which made me laugh, sino ba naman ang hindi maiinip sa mga trip ni Marcus.

"I don't care, go mind your own business." Akmang tatalikod na ito pero kagaya ng ginawa ni Marcus kanina ay hinablot niya rin yung kamay ng kapatid niya.

"Bakit kayo umaalissss, I am just here to clarify some things between you two."

Binalaan ko ng tingin si Marcus pero dinedma na naman ako nito. 

"Sid, do you like Adeline?" 

I sighed and boredly stood behind Marcus, gusto ko na talagang umuwi.

"Um, why did you ask that?" 

That's it, aalis na talaga ako rito.

"Marcus, mauna na ako-"

Napahinto ako sa pagsasalita nang biglang ihampas ni Marcus yung kamay niya sa baso na hawak ni Sid, buti nalang hindi gawa sa glass.

"What the-"

"PUWEDE BA HUWAG KA NA MAGKUNWARI?!"

Um, okay, so Marcus is acting too aggressive. Yung huling time na nangyari ito is noong kunwaring nagtatago kami ng sekreto sa kaniya, tapos parang napansin niya na hindi namin siya sinasama kapag nagbubulungan, ayon nagalit. Marcus is not a fan of those things.

"Marcus, calm down." Mahina kong sabi. Nakatalikod pa rin ito sa akin at kaharap ang kalmadong Sid.

"Go ahead, Sid. Stop acting like a fool and go tell her!" Tinuro ako ni Marcus at napatingin sa akin bigla si Sid. I waited for her to answer pero nablanko lang ito at nanatiling nakatayo lang sa puwesto niya.

"If this is a problem between you two, I will let you two handle it. Uuwi na ako." Ngumiti ako nang maliit at dahan-dahan na umatras habang kaharap si Marcus.

Ligtas akong nakalayo sa kanila at tinawag na rin yung mga kaibigan ko na halata namang pinaguusapan yung nangyari kanina.

"Let's go." 

"Wait, anong nangyari?"

"Bakit nagalit si Marcus?"

Napahinga nalang ako nang malalim at dumiretso sa kotse. Nakakapagod ang araw na ito dahil sa mga schoolworks at mas lalo pang nadagdagan dahil sa nangyari kanina.

"Hayaan niyo na lang na si Marcus ang magsabi, hindi ko rin alam yung nangyari." 

Tumango nalang sila at nakuha yung ibig sabihin ko. 


Nakapasok na ako sa bahay at si mama kaagad ang bumungad sa akin. Shit.

"At bakit ginabi ka na ng uwi?" 

"May nangyari kasi roon kina Marcus, ma." 

Tiningnan muna ako nito kung nagsisinungaling ba ako, agad naman siya ngumiti at tumawa. Ang weird talaga ng araw ko ngayon.

"No need to worry kung magagalit ako, 'nak. Sidney messaged me kaninang hapon na mapapatagal ka." 

Si Sidney? As in yung kapatid ni Marcus?

"Sidney? Paano mo nakilala si Sidney ma?" So kilala ni mama ang kapatid ni Marcus pero kaming mga kaibigan niya hindi??

Nagatataka ito tumingin sa akin at nagsalita, "Wait, huwag mong sabihin na nakalimutan mo siya?" 

"Ngayon nga lang namin nalaman na may kapatid si Marcus, ma." Nakapamewang kong sinabi at napaisip kung may kakilala ba akong Sidney dati.

"Hala! Si Sidney, siya yung classmate mo noong elementary, naging student ko rin siya diba?" 

Pilit kong inaalala ang mukha ni Sidney noong bata-bata pa siya pero wala talaga! Bakit hindi ko siya matandaan? "Ma, hindi ko talaga siya maalala." 

I heard her sigh at nagpatuloy na pumunta sa kusina.

Baka ayon yung gustong sabihin ni Sidney kanina? 

Tumunog yung cellphone ko at agad ko ito binuksan. Nagmessage pala si Sage.

"Heyyy, just wanna know kung nakauwi ka na? Sabi kasi sa akin ni Jess na may nangyari raw doon kina Marcus?"

Ang bilis talaga kumalat ng balita kapag sila ang nakakarinig.

"Yep, kanina pa ako nakauwi and about doon kina Marcus, bukas ko nalang siguro sasabihin sa'yo, medyo pagod na kasi ako eh."

Wala pang isang minuto ay nag-reply na kaagad ito.

"Alright, Ads. Goodnight."

Ngumiti ako at sinara na ang phone ko para makaakyat na ako sa kuwarto at makatulog.

Nakadilat pa rin ang mga mata ko dahil hindi maalis sa isipan ko yung mga sinabi kanina ni mama tungkol kay Sid.

"Sino ka ba talaga?" Bulong ko sa sarili bago maipikit ang mga mata.

Affection (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon