Disclaimer: Violence
Adeline's POV:
Bakit ba hindi makatingin sa akin si Sidney nang diretso?
Kanina ko pa napapansin simula nung sinundo nila ako sa bahay, pati rin si Marcus ay tahimik lang din na nagmamaneho. Lunch time na namin at hanggang ngayon ay tahimik pa rin silang lahat.
Hindi ko na kaya yung katahimikan nila, hindi ito normal.
"Ehem." Pagkukunwari ko ngunit dedma lang sila.
"Guys? May nangyari ba na hindi ko alam?"
Napatingin sila sa akin ngunit bigla rin lumipat ang tingin nila kay Sidney na nakayuko lang at busy sa cellphone niya.
"Sid?"
Sa wakas, nakuha ko ang atensiyon niya. Dahan-dahan niya inangat ang tingin niya sa akin. Nagtaas ito ng kilay at tila nagaantay na magsalita ulit ako. Teka, ako ang nagtanong 'di ba?
"Alright, anong nangyayari guys?"
Narinig ko na huminga nang malalim si Marcus at tinawag ang pangalan ni Sidney. "Are you gonna tell her or kami nalang-"
"NO!"
Bigla akong nagulat sa biglaang pagtaas ng boses ni Sidney, nilingon ko siya at halata ang hiya sa mukha niya. "I-I mean, I was going to tell her."
"Ano iyon?"
Kumuha pa ito ng isang baso ng tubig at isahang beses na uminom. Huminga siya nang malalalim at humarap sa akin.
"Ady? Can we talk after your class?"
Ayon lang pala. Bigla ako nakaramdam ng ginhawa at napatango sa sinabi niya.
"Hay nako, torpe talaga." Inis na sabi ni Marcus.
"Shut up."
"Please, don't break her heart again."
"Ano-" Tatawagin ko sana ang pangalan ni Marcus ngunit pagkalingon ko sa likod ko ay wala na ito. Malapit na dumilim sa labas. Gustuhin ko man na umuwi na, pumayag ako na makipagusap kay Sidney.
Kaya ito ako ngayon, tinatamad na naglalakad papunta sa parking lot. Naisipan ko muna tumingin sa cellphone ko para i-check kung nagpadala si mama ng text.Parang wala naman kaya ibinulsa ko nalang ito.
Pumunta naman ang tingin ko sa dinadaanan ko at natagpuan ang galit na Sage. Mahina akong napamura at akmang tatalikod na sana para pumunta sa ibang direksiyon ngunit tumakbo siya papalapit sa akin at hinila ang braso ko papunta sa kaniya.
"Adeline? Puwede ba tayo mag-usap? Kahit saglit lang." Pagmamakaawa nito pero pilit ko lang na inaaalis ang braso ko sa mahigpit niyang kapit.
"Sage, napagusapan na natin ito 'di ba?! I don't want to interfere between you and Alex, okay?"
"So, please, bitawan mo na ako." Pagpapatuloy ko. Ano bang sumapi sa kaniya at ganito siya umarte ngayon?!
Ikinagulat ko naman na kahit isang emosyon ay hindi ko nakikita sa kaniyang mukha. Diretso lang itong nakatingin sa akin. Oh, I really need to call Sidney right now.
Gamit ang isang kamay ko, patago kong kinuha ang cellphone ko mula sa aking bulsa at pinindot ang emergency button na diretsong matatanggap ni Sidney.
"Kailangan lang talaga kitang maka-usap. Please? Doon tayo sa kotse ko."
"SAGE! Stop this! Bitawan mo na ako!"
Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa aking braso at hinila ako papunta sa kotse niya. Todo ang kaba ko kasi hindi ako makagalaw at hindi ako makaisip ng dapat gawin. Parang pinapanood ko lang yung sarili ko na pilit hinihila ni Sage papunta sa sasakyan niya na walang kontrol.
Binuksan niya ang pintuan at itinulak niya ako sa loob.
"Shit shit shit shit."
Nagsisimula na ako mapawisan at mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang pumasok din si Sage sa loob ng sasakyan. Madalian kong binuksan ang pintuan ng kotse ngunit naka-lock na pala ito.
"Not so fast."
Nanatili akong nakatalikod sa kaniya dahil baka may gawin siyang hindi niya dapat gawin sa akin.
"Listen, alam kong iba na ang tingin mo sa akin, but just to let you know, I was planning to break up with Alex tonight." Rinig ko ang saya sa kaniyang boses, ngunit pagkatapos ng mga nangyari kanina ay mas lalo lang sumama ang loob ko sa kaniya.
"Adeline, noong una kitang makita, I knew na ikaw na yung babae na matagal ko nang pinapangarap-"
Is she seriously doing this talk right now? NO freaking way.
"SHUT THE HELL UP, SAGE! Let me set things clear, You. Have. A girlfriend and the fact that you two have been together for like more than 5 years?! Dahil lang wala siya rito that doesn't mean na makikipaglandian ka na sa iba! Alam mo ba kung ano na ang tingin ko sa iyo ngayon? You're freaking pathetic!"
Nanlaki ang mga mata ni Sage at tulala itong nakatingin sa akin. Great.
"Open the door, Sage." Mahina kong sabi.
Hindi pa rin siya nakakakilos sa inuupuan niya kaya napagisipan kong lumapit sa side niya para pindutin yung button para sa pintuan. What a very wrong move, Adeline.
Nang makalapit na ang kamay ko sa mga buttons ay biglaan niya itong hinablot at hinagis pabalik sa akin.
"No. You're coming home with me."
What the...
Isang malakas na tunog ng pagbasag ng salamin ang bigla kong narinig. Napatakip nalang ako ng mukha at tenga habang sumisiksik sa gilid ng upuan.
Anong nangyayari?!
BINABASA MO ANG
Affection (GXG)
RomantikSi Adeline Fabelo, hindi kilala sa kanilang school maliban sa apat na makukulit niyang kaibigan. Nakilala niya si Sage Ortega, isang varsity sa kanilang school at kilala ng halos lahat. Adeline is an introverted student while Sage is extroverted. Th...
