Chp. 29: Closure

177 3 0
                                        

"NANDITO NA NAMAN SIYA?!"

Pagkapasok pa lang namin ng bar ay natanaw na kaagad ni Janelle si Sage sa second floor, pero mukhang hindi kami napansin kasi may kausap siyang babae.

"Hinaan mo boses mo Janelle!" Bulong ni Jess at napatahimik naman agad si Janelle.

Sinubukan naming maglakad na hindi kapansin-pansin. Buti nalang ay may available na table sa bandang gilid kaya hindi kami makikita ni Sage. She really won't stop this, huh?

"Ako nalang siguro bibili ng drinks." Sinabi ni Marcus at nagantay ng pera mula kay Jess.  Tinitigan ni Jess si Marcus nang masama pero binigyan pa rin niya ito ng pera.

"Hindi ko naman sinabi na libre ko lahat ah?"

"Happy birthday!" 

Tumawa kami ni Sidney habang pinapanood na niyayakap nila si Jess.

"Guys guys guys, pababa na siya." Nagmamadaling naglakad pabalik sa amin si Marcus at kinuha yung mga bag namin.

"Saan tayo pupunta?!" Nagsimula na silang magkagulo, while I am waiting for the moment to finally face Sage.

"Alam ko na! Sa CR!"

"Girl, may pila."

Dahan-dahan ako sumilip sa hagdanan at nakitang pababa na si Sage.

"Sabihin mo nalang malapit ka na masuka!"

"Kunwari nalang naghahalikan tayo!"

"Ha?"

"Ano?"

Ano raw?

Napatingin muna ako sa kanila at nakita ang nahihiyang mukha ni Janelle. Um...

"Guys..."

Lumipat kaagad ang atensyon namin kay Marcus na pilit ngumingiti. Pumunta ang mata niya sa likod namin.

"You're all here! Great!" Hindi na ako lumingon kasi alam ko na kung sino iyon, si Sage.

"Get the hell away from us." Napatayo bigla si Sidney sa upuan niya at hinarap si Sage.

"If I don't? Ano na naman gagawin mo? You're all talk-"

"Guys, huwag dito please. Mapapaalis tayo ng security." Babala ni Marcus sa dalawa dahil mukhang magsisimula na naman sila ng gulo.

I sighed and gently held Sidney's hand para mahila siya pabalik sa upuan niya.

Here goes nothing...

"Ano ba talaga ang problema mo, Sage?"

Saglit na nagulat ito at ngumisi.

"Akala mo ba hindi ko makakalimutan yung ginawa mo sa akin?"

Imbes na sa akin tumingin si Sage ay tumingin ito kay Sidney. Halata ang galit sa mukha niya, napansin ito ni Marcus at tinanguan ko siya. Unti-unti siyang naglakad malapit sa likod ni Sage kung sakaling may mangyari man.

"I thought that will serve you a lesson, but looking at your situation...you definitely didn't at mukhang gusto mo pa ulit ng isa." Huminga ako ng malalim dahil hindi tumayo si Sidney para lapitan si Sage. 

"I...gusto ko lang talaga makausap si Adeline." 

Tumahimik sila at napunta ang tingin sa akin. This is it.

"Whatever you say to her, you can say it in front of us."

"Sid, mas maganda siguro kung sa taas nalang kami mag-uusap." Tipid ko siyang ningitian at nagmamadaling lumakad paakyat sa taas.

Sana tama ang naging desisyon ko.

Huminto ako nang makarating na kami sa medyo tahimik na lugar. I patiently waited for her to talk pero wala itong iba na ginagawa kungdi tumingin sa baba.

"Akala ko gusto mong mag-usap tayo?"

Finally, napatingin na ito sa akin. "I didn't know that you and Sidney were...uh..."

"We're in a relationship, now what?"

Tumango ito at napatingin na naman sa baba. Ano ba ang tinitingnan nito sa baba?!

Hindi ko na matiis kaya sumilip ako sa tinitingnan niya at nagtagpo ang mga mata namin ni Sidney. Naiinis itong nakasandal sa bar counter habang pinapanood nang maigi si Sage.

"You must really like her." Malungkot na sinabi ni Sage.

"Ayon lang ba?" 

"Look, I am having a hard time getting over you. My relationship with Alex has also been...bad. Kaya umuwi muna ako rito."

Tumango ako at sinabihan siya na ituloy yung sinasabi niya.

"I really love you, Adeline, but you found someone new..." She bitterly smiled at Sidney.

"Sage...this...won't do us good. Which is why napagisipan ko na mas mabuti kung hindi muna tayo magkakaroon ng contact with each other. Go back to your girlfriend, hindi mo lang siguro nakikita pero nahahalata ko kung gaano ka kamahal ni Alex."

Ngumiti ito at huminga nang malalim.

"I really ruined everything, huh?" 

"You could say that...pero hindi pa huli ang lahat, Sage. Marami ka pang oras para ayusin ang lahat." Tipid ko siyang ningitian at tinapik sa braso. Inilapag niya ang kamay niya sa taas ng kamay ko at tinapik din ito.

"Thank you, Adeline. Salamat dahil kahit papaano ay naging parte ka ng buhay ko." Napansin ko ang boses niya na malapit na sa pag-iyak. Without thinking, lumapit ako sa kaniya at niyakap siya nang saglit. 

"I wish you all the best."

"Thanks, I needed this." 

Lumakad na siya palayo pero kumaway muna ito bago bumaba. Napunta ang mga mata ko kay Sidney na maigi pa ring pinapanood si Sage na naglakad na paalis ng club. Pumunta ang tingin nito sa akin at sinenyasan ako na bumaba.

Bumalik agad ako sa table namin at napansin ko na tahimik lang silang lahat. "Hindi na niya tayo guguluhin, babalik na siya kay Alex." 

Guminhawa ang pakiramdam ko nang masabi ko iyon. Hopefully, maaayos na ni Sage yung relasyon nila ni Alex. 

She finally got her closure.

Affection (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon