"I'll see you later, okay."
Tumango ako at lalakad na sana paalis nang bigla niyang hablutin ako pabalik at madaliang humalik sa aking pisngi.
"See you." Pang-uulit niya na may kahalong abot-tengang ngiti.
Bigla akong na-guilty at ningitian na lamang siya pabalik.
"Yeah, I'll see you." Pagkatapos ko sabihin sa kaniya 'yon ay naglakad na ako papunta sa loob ng school.
"Hey!"
Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad hanggang sa nasa pintuan na ako nang may nagpatong bigla ng mabibigat na kamay sa aking likod. Agad akong humarap sa taong iyon at handa na sana itong suntukin.
"Woah there! Ako lang ito!"
Hindi pa rin ako bumabalik sa dati kong posisyon dahil ang taong iyon ay walang iba kundi si Jakob, yung mangliligaw ni Sage rati.
"Kung ano man ang gagawin mo, huwag mong isipin na ipagpatuloy pa dahil baka-"
"Teka nga, can you just calm down? I just want to talk." Halatang nagmamadali ito at parang naiinis na kaagad.
"Paano ko naman malalaman na mapagtitiwalaan kita?" Panghahamon kong sinabi.
Tiningnan lang ako nito sa mata at parang tinatanong kung nagbibiro ba ako.
"I just need a little bit of your time, I promise." Pangungulit nito at dali-dali akong dinala sa bandang likod ng school kahit hindi pa ako pumapayag. Rude!
"Dito mo ba ako papatayin-"
"Can you be serious for a second?!"
Napatahimik ako bigla pero natatawa rin at the same time, yung mukha kasi niya ngayon hindi medyo bagay sa dating niya.
"Alright, I saw how you and Sage are and I promise, wala na akong pake roon." Tumigil ito at napaisip.
"So...?"
Nakita kong huminga ito ng malalim at tumingin sa akin na may pagkaseryoso.
"Sage has a girlfriend."
Magsasalita na sana ako nang bigla niyang dinugtungan yung sinabi niya.
"Her girlfriend is my cousin Alex."
I gasped at napatulala na lang sa likod ni Jakob.
Mayroon siyang girlfriend?? Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin?
"I know how Sage is, dati pa. Actually..." May lakas pa itong matawa kaya bumalik sa pagkaseryoso ang mukha niya nang tiningnan ko siya nang masama.
"Me and Alex like to play around Sage at dahil sa probinsya nag-aaral si Alex, matagal na silang in long distance relationship kaya ayon...kung wala rito si Alex para mangulit sa kaniya, ako ang nangungulit."
"But I guess I have crossed a line with her." Napaabot ito sa kaniyang batok. Bumalik ang tingin niya sa akin na may halong pag-aalala.
"Adeline? Okay ka lang?" Paulit-ulit niya pang iwinagayway yung kamay niya sa harap ng mukha ko kaya nahampas ko ito.
"Aray naman!"
"I can't believe it..."
"Look, I am sorry kung hindi ko nasabi sa'yo noon pa and sorry din kasi hindi nasabi sa'yo ni Sage. Seeing how close you two are, kayo na ba?"
Kami na nga ba talaga? Tila nawala lahat ng paggalang ko kay Sage dahil sa nalaman ko.
"I don't know, kahapon lang niya inamin sa akin na gusto niya raw ako." Mahina kong sagot at napatango naman si Jakob.
"Adeline, ito lang ang mapapayo ko sa'yo...hanggang sa maaari, please let her down slowly and don't let her games fool you. Ang alam ko ay babalik din dito si Alex sa mga susunod na buwan and I don't think you'll like it when my cousin gets jealous."
Tumango nalang ako at tinanggap ang katotohanan, tahimik akong nagpaalam sa kaniya at naglakad pabalik sa loob ng school.
Paano ko na haharapin si Sage mamaya?
"Ads, you good? Parang ang tamlay mo naman."
Sinalubong ako ni Andy nang makapasok ako sa locker room.
"Ok lang naman ako, hindi lang maganda gising ko." Tipid akong ngumiti at halos nanlambot ang puso ko nang makita ang reaksyon ni Andy.
"Is this about the whole Sage thingy?"
Dahan-dahan akong tumango at nilapitan ako nito.
"Ads, you know na hindi magandang magpanggap ng nararamdam sa taong may totoong nararamdaman sa'yo 'di ba?"
She has a freaking girlfriend for god's sake!
"I know, thank you, Andy." I bumped her shoulder and smiled.
"I got you, sis."
Sabay kaming pumasok sa room at agad na nakipagdaldalan kina Marcus.
Lunch time na at mabilis kaming bumaba para maunahan yung iba sa pila sa canteen, habang si Jess at Tina naman ay naghanap ng table na vacant.
"I know something's bothering you." Narinig kong bulong ni Marcus sa akin.
"Wala ah."
Hindi na ito sumagot at tiningnan na lamang ako na para bang nanghahalungkat ng totoong sagot sa utak ko.
Pagkatapos namin bumili ng pagkain ay pumunta na kami sa table. Pero bago ako makaupo at makain na yung binili kong pagkain ay may nakaupo na pala sa usual kong upuan. "Guys? Wala na bang extra chairs?"
"Ay ayon mayroon." Pangtuturo ni Tina at agad naman itong kinuha.
Pinasalamatan ko siya at inurong ang upuan na sinadya kong patunugin nang malakas para mapansin ng babaeng umagaw ng upuan ko. Naka-sumbrero ito at busy sa cellphone niya kaya hindi ko rin makilala kung sino.
Tiningnan ko yung mga kaibigan ko pero tila wala silang pake sa nangyayari dahil malakas silang naguusap.
"Ehem."
Hindi pa rin ito kumikibo kaya tinapik ko nalang ito sa kaniyang balikat.
"What is your problem- Oh, Ady! It's you."
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Sidney. Pinagmasdan ko ang buhok niya, lagi kasi niyang tinatali, kaya sobrang gulat ko nang malaman na siya pala yung nangagaw or nanghiram.
"My bad, I didn't know it was you." Tinuro ko yung buhok niya at napatawa nang mahina.
Stupid.
"Right, I decided to make a change for my second day here."
Naguusap pa rin silang lahat sa harap namin at parang hindi talaga kami pinapansin ni Sidney. "Guys, hindi niyo naman sinabi na si Sidney pala itong nasa table natin."
"Ah, oo. Kanina pa siya riyan. Siya pa nga yung naghanap ng table para sa atin." Tipid na sagot ni Jess at bumalik ulit sa pakikipagchismisan. Ah ganon pala ha...
"You did what?" Gulat akong humarap kay Sidney at proud na proud itong ngumiti sa sarili.
"I thought it would be a good peace offering."
"For what?"
"For disappearing." Malungkot siyang ngumiti at napatingin sa ibaba.
Tinapik ko na lang ang kamay niya at ngumiti para sabihan siya na okay lang. She smiled back pero bigla rin siyang napayuko sa table.
I laughed at her silliness.
BINABASA MO ANG
Affection (GXG)
RomanceSi Adeline Fabelo, hindi kilala sa kanilang school maliban sa apat na makukulit niyang kaibigan. Nakilala niya si Sage Ortega, isang varsity sa kanilang school at kilala ng halos lahat. Adeline is an introverted student while Sage is extroverted. Th...
