Adeline's POV:
Halos isang buwan na ang lumipas. Isang buwan din na hindi na nagpapakita si Sage sa school. Ang narinig ko lang sa iba ay lumipat na raw ito ng school kasama yung girlfriend niya, si Alex.
Napatingin ako sa katabi ko na hanggang ngayon ay tulog pa rin.
Sa isang buwan, mas naging close ulit kami ni Sidney. Madalas na siya napapapunta sa bahay namin para tumambay at matuto magsalita ng Tagalog, pero minsan tinutulungan niya ako na gumawa ng mga projects, kahit hindi naman kami pareho ng inaaral.
Napakunot ang noo ko nung maalala ko yung nangyari roon sa bahay nila Alex. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi sa akin ni Sidney kasi hindi naman daw importante. Bakit ba kasi madali ako antukin?
Hindi ko nalang din siya tinanong pa kasi labas na sa buhay namin yung mga nangyari tungkol kay Sage.
"Wake up, sleepyhead." Binulong ko sa babaeng ang himbing ng tulog.
Napaupo agad ito at parang may kaba sa mukha.
"Ang saya mo pala gisingin." Natatawa kong sinabi pero seryoso lang ang mukha nito kaya napatigil ako.
"H-Huwag mo na ulit gagawin 'yon, got it?"
Napatango nalang ako, pero napangiti rin nang malapad dahil umaaayos na yung pagsasalita niya ng Tagalog, nabubulol nga lang sa ibang salita.
"So...ano plano mo mamaya pagkatapos ng klase?"
Nakita kong napaisip ito at sumulyap sa cellphone niya. "Wala naman, you got something in mind?"
"Gusto ko sana pumunta sa mall para kumain kaso-"
"Sure, doon nalang tayo pumunta mamaya." Ngumiti ito nang malaki at tumayo sa inuupuan niya.
"Puwede ba, patapusin mo muna ako sa pagsasalita? You always do that." Kunwaring nakasimangot kong sinabi pero binigyan lang ako nito ng kindat.
"See you later, Ads." Bago pa ito makaalis ay ginulo pa nito ang buhok ko at tumakbo paalis para hindi ko siya mahabol. Lagi na rin siyang ganito kaya nakasanayan ko nalang, kung hindi baka araw-araw ko siya nababatukan.
Niligpit ko na yung mga gamit na nakakalat sa table at umalis na rin para pumunta sa susunod ko na klase.
"Ingat kayo ha."
Tumango ako kay Marcus at kinawayan ito habang pasakay na siya sa kotse niya. May sariling kotse na rin pala si Marcus, kaya noong nakaraang lunes ay nagmamayabang na hinarurot niya yung kotse sa labas ng bahay namin.
Kaya ngayon, solo na ni Sidney yung kotse niya, kaya kami laging gumagala.
"There you are."
Napalingon ako at napangiti nang makita si Sidney na tumatakbo papalapit sa akin.
"Tagal mo naman, naunahan ka pa ng kapatid mo."
"Sorry, may inasikaso lang."
Napahinto ako sa mukha niyang tila hindi mapakali, pero baka marami lang talaga siyang ginawa sa klase nila.
"Puwedeng mag-suggest?" Tanong nito sa akin. Tumango naman ako at inantay ang sasabihin niya.
"Can we eat ice cream?"
"Ayon lang naman pala, siyempre! Basta libre mo." Mapangasar akong tumawa at inirapan lang ako nito.
"Fine!"
"Hoy, nagbibiro lang ako. Siyempre babayaran ko yung akin, for this time only."
Ngumiti ito at napailing sa akin. See? Kapag ganito ako kadaldal sa isang tao, isa lang ibig sabihin nito...I am starting to trust them.
Napasulyap ako sa side profile ni Sidney at para bang gumaan ang katawan ko sa view. Mahal na mahal siguro siya ni lord kaya napunta sa kaniya ang lahat ng kagandahan.
"Are you staring, again?"
Mabilisan kong binalik ang tingin ko sa labas ng bintana. Hindi ko nalang din namamalayan ang sarili ko na napapatingin bigla sa kaniya. Wait, may chance ba na bumabalik na yung crush ko sa kaniya?!
Napailing ako at sinandal ang ulo ko sa bintana at napapikit muna. I need to stop thinking about these thoughts.
"Wake up, sleepyhead."
I suddenly felt goosebumps at napaangat ang tingin ko kay Sidney na sobrang lapit ng mukha sa akin.
"Um..."
Napatawa ito nang mahina at lumabas ng sasakyan. Ganito ba yung naramdaman niya kanina? Alright, hindi ko na lang siya gigisingin nang ganon ulit.
"We arrived, m'lady." Yumuko pa ito at dramatikong winagayway yung kamay niya sa ere.
"Kahit kailan talaga, Sid, always the extra one."
She smirked and winked, pangalawang beses na 'yan nangyari ngayong araw.
Pumasok na kami sa mall at pumunta sa pinakamalapit na ice cream shop. Siya nalang yung pinag-order ko, like the usual, habang ako naman ay naghahanap ng table namin. Walang available sa harap kaya naglakad ako sa bandang likod at nakitang may isa na walang nakaupo.
Nilapag ko yung gamit namin sa table at umupo muna ako sa upuan habang inaantay si Sid.
Maya-maya ay naglalakad na pala siya papalapit sa table dala-dala yung order namin. Hindi ko man lang napansin, busy kasi ako kakatingin sa labas.
"You saw someone?"
Inalis ko ang tingin ko sa labas at tumingin pabalik kay Sidney.
"Kamukha lang." Sino ba kasi yung nakita ko? Pamilyar eh.
Kinuha ko yung akin at agad na sinumulan kong ubusin. Bumalik na naman ang tingin ko sa labas at nakita na naman yung pamilyar na tao. Nasa malayo siya pero parang pamilyar talaga siya.
"Seriously, sino ba kasi yung tinitingnan mo?"
"Jealous?" Huli nang lumabas ang salitang iyon sa bibig ko bago ko pa mapigilan ang sarili ko. Sinilip ko ang reaksyon ni Sidney at nakangiti lang ito nang malapad.
"Bakit ganiyan ka ngumiti?"
Napailing ito pero nakangiti pa rin.
"SIDNEY?!! OMG! I thought I'll never see you again!"
Nanlaki ang mga mata ko sa babaeng sumulpot sa likod namin.
"Alex? What are you doing here?"
Nahalata ko ang awkwardness sa boses ni Sidney kaya pinanood ko na lang sila nang maiigi.
"Oh! We decided to visit my brother before his departure tomorrow."
"Babe! Asan ka ba-"
Gusto ko nalang magtago at maglaho kasama ang hangin sa loob ng shop na ito.
BINABASA MO ANG
Affection (GXG)
RomanceSi Adeline Fabelo, hindi kilala sa kanilang school maliban sa apat na makukulit niyang kaibigan. Nakilala niya si Sage Ortega, isang varsity sa kanilang school at kilala ng halos lahat. Adeline is an introverted student while Sage is extroverted. Th...
