Chp.10: Trouble

155 7 0
                                    

Balik na naman kami sa mga schoolworks. Nakauwi kami nung sabado mga bandang umaga na dahil doon na kami natulog, pero hanggang ngayon ramdam ko pa rin yung pagod.

"Wait, paano mo 'yan nakuha?" Tanong sa akin ni Tina. Gumagawa kasi kami ngayon ng homework na sa bahay dapat sasagutan, pero dahil pareho kaming ayaw matambakan ng gawain ay ginagawa na namin habang naglulunch.

"Ganito, wait..." Sinulat ko yung solution sa notebook ko at pinakita sa kaniya.

"Pahiram muna ha." Tumango lang ako at nagpatuloy kumain habang may oras pa.

"Guys, maghohost pala ng welcoming party sina mama para kay Sid mamaya. Puwede ba kayo?"

"Mamaya talaga?" Naghihikab na tinanong ni Jess.

"Oo eh, habang inaayos pa ang applications niya para magpatuloy ng studies niya rito."  

"Dito siya mag-aaral?" Mahinahon kong tanong. To be honest, hindi naging maganda yung pakikisama sa akin ng kapatid niya nung gabing iyon, kaya parang I don't like her attitude but I would like to be friends with her dahil kapatid siya ni Marcus.

"Yep, doon siya sa engineering department." 

Tumango lang ako habang yung iba naman ay kinakausap na sa cellphone yung mga magulang nila para yata magpaalam sa party na mangyayari mamaya.

"Marcus, hindi ako makakapunta mamaya kasi may practice kami eh." Malungkot na sabi ni Sage.

"Ano ka ba, ayos lang. By the way, malapit na yung laro niyo with JC High 'di ba?"

Oo nga pala, isa si Sage sa mga napiling pambato para sa woman's basketball division doon sa JC High na ilang lakad lang mula rito.

"Yep, sayang gusto ko pa naman pumunta." Tila sa akin lang nakatuon yung sinabi ni Sage dahil sa akin lang siya nakatingin na may halong lungkot.

"I'm sure marami pang magaganap na party. Unahin mo muna yung priority mo." I smiled and she nodded with understandment.

"Ano, maglalandian nalang ba kayo riyan at hindi na papasok sa klase?"

Pagkatingin namin kina Janelle ay nakatayo na pala ang mga ito at ready na umalis ng canteen. 

Napakamot ako sa batok ko at niligpit ang mga gamit sa mesa. "Tara na." Inunahan ko na sila sa paglalakad at hindi pinansin yung mga pangaasar nila.

Mga loka-loka talaga.

"Chat mo nalang ako kapag nasa party na kayo ha! Bye!" Masiglang sabi ni Sage at kumaway naman ako rito.

"Bes, let's get real here nga. Do you like Sage?"

"Duh, of course I like her." Nagmamaang-maangan pa.

"No, like, do you like LIKE her?"

Napabuntong hininga naman ako habang napaisip din sa tinanong ni Tina. Do I like her? or do I just like the idea of being with her?

I never questioned these things before kasi wala naman talagang nagpapakita ng motibo sa akin simula nung nag-aral ako rito. Si Sage lang ang kauna-unang tao, maliban sa mga kaibigan ko na nakapansin sa akin kahit na hindi ako katulad ng iba na kilalang-kilala rito sa school.

"Isang tanong lang ang tinanong ko pero tila iniisip mo na kung ano ang conclusion ng research natin." 

"Shut up." Naiinis kong sinabi kay Tina pero tumawa lang ito. 

Maybe I do like her a little.



Sinundo kami ng kotse nila Marcus para makaputa sa bahay nila nang mabilisan. Naiinip na raw kasi yung kapatid niya. 

Dahil sobrang bilis magdrive ng driver nila, nakarating kami kaagad sa bahay nila. Mula rito sa labas ay rinig na rinig na yung malakas na musika sa loob ng bahay nila. At least she knows how to party.

"Ang lakas naman!" Pagrereklamo ni Jess habang nagtatakip ng tenga.

Pumasok kami sa loob ng bahay at kung malakas yung musika sa labas, mas malakas pa pala nang makapasok kami sa loob.

"Sid! Puwede ba hinaan mo! Wala pa naman yung ibang bisita!" Sigaw ni Marcus. Maya-maya ay humina na ang tunog at naririnig na namin yung pagsasalita ni Sid.

"You're telling me that this is the time I get to go home when I attended your school tomorrow?"

Tumango si Marcus at nadismaya naman si Sid. Time zones...

"Aakyat muna kami sa kwarto ko habang wala pa yung mga bisita ha." Pamamaalam ni Marcus pero bago pa niya makuha yung mga kamay namin ay pinahinto siya ni Sid at tumingin sa akin.

"Wait, where's that girl?" She curiously asked.

Teka, sino ba tinutukoy nito?

"The girl you were with that night? Isn't she here with all of you?" Napatingin pa ito sa likod namin.

"Um, no...she's not here. Why?"

Tumango lang ito habang pinagmamasdan ako.

"Nothing, come back here when the party starts, alright?" Lumipat ang tingin niya kay Marcus na nakangisi nang lubos ngayon.

"Tara."

Nang makapasok kami sa kwarto ni Marcus ay may biglang humablot sa bewang ko at hinagis sa kama.

"What the hell?!!" 

"OMG! SID DEFINITELY LIKES YOU!" 

"GRABE ANG CHEMISTRY NIYO BES!"

I dumbfoundedly stared at them, are they out of their minds?? Chemistry?? Where? I don't even like the attitude of that girl! Ano 'to, kung sino lang ang magbigay sa akin ng atensiyon may gusto na agad sa akin?

"That's nonsense and impossible," I grunted at tumayo sa kama.

"She's exactly doing what she did before. You're definitely crushing on my sister!" Natutuwang sabi ni Marcus pero inirapan ko lang ito.

"Ayaw ko ma-involve sa laro niyong magkakapatid, please lang." 

"Anong laro- You really don't believe me?" 

Hell no.

"Nope." I sarcastically smiled.

"Fine, malalaman mo mamaya."

Affection (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon