A few days passed, a few days that Sage also started to hang out with us. Since nung nagkita kami sa mall ay nagsisimula na gumaan ang pakiramdam ko sa kaniya. I started to share little stories about myself, my rants sa school, and whatever nonsense topics I could think about
Yung mga kaibigan ko naman ay parang tinuturi na ring barkada si Sage. Oh, and about June...siya lang naman yung naghugas ng pinggan for three days.
"Guys, gusto niyo ba magswimming sa sabado?"
Napatingin kaming lahat kay Marcus
"Gusto ko pero baka hindi ako payagan." Sabi ni Janelle.
Natahimik si Marcus at tiningnan kami lahat na parang nasisiraan kami ng ulo. Ano bang mayroon sa sabado?
"Um, guys? Nakalimutan niyo ba?" May halong lungkot sa boses niya.
That's when it hit me, BIRTHDAY NI MARCUS SA SABADO! Napasampal tuloy ako sa noo ko. "Right, birthday ni Marcus sa sabado, guys."
Bakas ang gulat sa mga mukha nilang lahat at nilapitan si Marcus para yakapin.
"Marc! Sorry, bes! Sige pipilitin ko magulang ko na makapunta." Sinabi ni Janelle habang yakap si Marcus na nagsisimulang tumawa.
"Ano ba guys! Nagbibiro lang, basta nandoon kayo okay na ako."
"Pupunta ka, right?" Tanong ni Sage na kanina pa busy sa cellphone niya.
"Siyempre, ikaw?"
Napahinto si Sage sa pagtytype at tumingin sa akin. "You know what? Sure, pupunta ako sa birthday ni Marcus." Sabay niya pinatay yung phone niya at ngumiti kay Marcus na nagpasalamat.
"Malapit na mag-next subject, tara na."
Umalis na kami lahat sa canteen at pumunta sa classroom namin. Pero, naglalakad pa rin sa tabi ko si Sage at kumpara kanina, napansin ko na hindi na niya hawak yung cellphone niya. Sino kaya yung kausap niya kanina at bakit parang galit siya?
"Dito na ako, thanks." I offered her a smile which she returned back.
"Okay! See you later."
Pareho kaming hindi umalis sa kinatatayuan namin kaya napatawa ako nang mahina at sunod na pumasok sa classroom kasama ang mga kaibigan ko, habang siya ay nandoon pa rin sa labas.
"So, kailan mo siya sasagutin?"
Sinamaan ko ng tingin si Tina at hindi pinansin yung tanong niya. Saktong dumating naman yung teacher namin kaya nakalabas ako sa isa pang pangtutukso ni Tina. Thank god.
Nandito kami ngayong lima sa labas ng school at kumakain ng street foods, uwian na kasi. Nagpalibre na naman ako kay Andy, actually, lahat kami ay nilibre na naman niya.
"Sana payagan kayo sa sabado."
"Sana nga eh." Sabi ni Jess.
"By the way, imbitado roon yung buong pamilya kaya marami akong marereto sa inyo." Natatawang sabi ni Marcus.
"Except kay Ad HAHAHAH, taken na siya eh."
Muntik ko na masabunutan si Tina sa sinabi niya, buti nalang parehong may hawak yung dalawang kamay ko.
"Huy, si Sage yun diba?"
Hindi ko pinansin yung sinabi ni Jess at nagpatuloy lang sa pagkain ng libreng fishball.
"Wait, nakatalikod kasi- ay! Oo siya nga! Eh sino yung kasama niyang lalaki?"
Napalingon ako at nakita na tama nga yung sinsasabi nila, at yung lalaking yumayakap sa kaniya ay si Jakob na tila umiiyak.
"Ay, bakit umiiyak yung lalaki?" Bulong ni Janelle. Naging chikahan na rito ah.
Pinanood namin ang interaksiyon ng dalawa. Napansin ko na parang galit magsalita si Sage kay Jakob habang siya ay nakayuko lang. Dumako naman ang mata ko sa hawak na bulaklak ni Jakob na nakatago sa likod niya.
"I thought ano si Sage, may boyfriend pala?"
"Guys! Itigil niyo na nga 'yan." Naiirita kong sinabi at inabot kay Tina yung natirang fishball.
"Wait, saan ka pupunta?"
Saan pa nga ba?
"Um, may ibabalik lang ako kay Sage. Nakalimutan ko kasing ibalik sa kaniya kaninang lunch eh." Pagkatapos ko magsalita ay mabilisan akong lumapit sa kinatatayuan nilang dalawa.
"Pero...I thought you liked me back-"
"NO, THAT NEVER HAPPENED, JAKOB! For the last time, I am asking for you to stop doing this dahil wala ring mararating yung mga effort mo."
Hindi ko nalang tinuloy ang paglapit sa kanila pero tumayo nalang ako malapit sa kanila at nagkunwaring may ka-chat sa cellphone.
"Is it because of her?"
"Who are you talking about...Ad? What are you doing here?"
Napataas ang tingin ko nang matawag ang pangalan ko, teka bakit ako nadamay?
"Ibabalik ko lang sana itong ballpen mo." Inabot ko sa kaniya yung ballpen, oh diba? totoong may ibabalik ako sa kaniya.
Pero bago pa ito makuha ni Sage ay biglang tinaboy ito nang malakas ni Jakob kaya nahagis yung ballpen mula sa kamay ko.
"What the-" Napabulong ako at pinanood ang paglipad ng ballpen sa kalsada. Sayang, mukhang mamahalin pa naman...
"I KNEW IT! Siya nga ang dahilan kung bakit ayaw mo na sa akin!" Tangkang lumapit sa akin si Jakob na may galit sa mukha pero biglang humarang si Sage sa harapan ko at tinulak palayo si Jakob.
"WHAT THE HELL IS YOUR PROBLEM?!"
Nakita ko na nagsisimula na dumami yung mga nakatingin sa amin, pati yung mga kaibigan ko ay nagaalalang nakatayo sa likod ko.
"Anong nangyayari rito?" Sabi ni Marcus gamit ang malalim niyang boses na nahalata kong ikinatakot ni Jakob dahil napaatras ito.
"Sage...don't do this to us. Please, give me another chance and I can prove to you that I am better than THAT girl." May pagdiin ang salita niya at napatingin sa akin nang matalas.
I saw how Sage's shoulders tensed at dahan-dahan na lumakad sa harap ni Jakob.
"It's not happening, Jakob. Also, THAT girl has a name and no one could ever be more than her, especially you."
Napatahimik nalang bigla sa Jakob at lumakad palayo na may lungkot sa mukha. Well...I think he kind of deserved it for not reading the room at bigla-bigla nalang nangaatake.
"Woah..." Narinig kong sinabi ni Jess sa mahinang boses.
"I know."
BINABASA MO ANG
Affection (GXG)
RomansaSi Adeline Fabelo, hindi kilala sa kanilang school maliban sa apat na makukulit niyang kaibigan. Nakilala niya si Sage Ortega, isang varsity sa kanilang school at kilala ng halos lahat. Adeline is an introverted student while Sage is extroverted. Th...
