Chp. 9: Shh

216 8 2
                                        

"Siguraduhin niyo lang na wala kayong nakikita ha."

Ayon ang huli kong narinig pagkatapos magpatayan lahat ng ilaw.

Yep, ito na naman yung isa sa mga pakulo ni Marcus pero kakaiiba ito sa usual na mga laro niya. Lahat ng mga bisita ay naka-blindfold at sa sobrang kapal ng tela ay hindi ako makasilip kahit sa sahig lang. 

Hindi pinasali ni Marcus yung mga matatanda niyang bisita at dinala sa kung saan na hindi ko alam dahil moment daw namin ito.

"Alright, kapag narinig niyo na yung bell, lahat dapat kayo ay makahanap ng kasama! Dahil kapag mag-isa pa rin kayong nakatayo, hehehe..." Sinabi ni Marcus at tumawa na tila demonyo.

Lord, bakit po ba ako pumunta kung ganito rin pala ang aabutin ko...

I remained standing still habang hinihintay yung bell. Aaminin ko na kinakabahan ako, lalo na dahil nakapatay yung mga ilaw at baka mahulog ako sa pool! Malay ko ba kung saan na ako naglalakad.

Pinaglayo kami lahat ni Marcus habang naka-blindfold kanina kaya hindi ko kilala kung sino man itong katabi ko, or kung mayroon man, baka dinala ako sa bandang labas ng resort eh.

Ting! 

Inuna ko munang kumapa sa paligid ko at naglakad nang mabagal, I know...mukhang mapaparusahan yata ako kasi wala pa rin akong mahanap-

"Shit." 

Nagulat ako at bigla nalang yumakap doon sa nakabunggo sa akin. Sakto namang tumunog ulit yung bell. I sighed heavily.

Tumahimik muna ang paligid, pati rin yung kayakap ko na mukhang mas matangkad sa akin dahil parang kaharap ko yung dibdib niya, napangiti naman ako na malaman na babae yung nahanap ko. Yes!

"Wow...looks like I did my job well." Sumipol si Marcus at napatawa naman yung mga bisita.

"Alright, now that all of you are paired up, puwede niyo na tanggalin ang blindfold niyo."

Pagkatanggal ko ng blindfold at agad na hinanap ko yung mga kaibigan ko at nakita silang may kasamang lalaki pati na rin si Sage-

"F-" Bigla akong napalingon at nabigo dahil hindi pala si Sage yung nahablot ko! Pareho ba naman silang matangkad.

Tiningan ko lang nang mabilisan yung ka-partner ko at humarap ulit doon sa stage. Medyo kahawig niya si Marcus, so I am guessing that isa siya sa mga cousin ni Marc. Tahimik lang din itong nakikinig kay Marcus gaya ko.

Nang dumako ulit ang mga mata ko kay Sage ay nakatangin na rin pala ito sa akin, well, yung nasa likod ko yung tinitingnan niya actually. Parang walang emosyon sa kaniyang mukha na tinitingnan ni Sage yung pinsan ni Marcus. Anyare?

"Your 30 minutes date may start now."

Wait...what?

Lumingon ulit ako sa babaeng nasa likod ko at napansin na tila nabobored ito kahit hindi pa kami nagsisimula.

"Let's just get this over with." Matamlay niyang sinabi. Wow, may accent?

Biglaan nalang niya kinuha yung kamay ko at dinala sa isang cottage. 

"Um, pinsan mo ba si Marcus?" 

Napatingin ito sa akin habang nakatiklop ang mga braso. Sungit?

"No, I'm his sister." May kapatid si Marcus?!

"I never knew that he has a sister..." Bulong ko sa sarili ko pero alam kong narining niya nang malinaw.

"I guess you never really know him."

That's not true, friends na kami nina Marcus at Tina since junior high school at lagi pa kaming classmates. Hindi lang kasi masyadong nababanggit ni Marcus yung pamilya niya, hindi na rin namin tinanong at hinayaan nalang siya kung saan siya komportable. 

I was still shocked to met his sister na akalang kong cousin niya lang. Habang nagsasalita ito ay hindi ko mapigilang mapamangha sa accent niya, so lumaki siya sa ibang bansa?

"Sid?! What a surprise!"

Pinanood ko yung dalawa na magkayakap at napangiti sa moment nila.

"So...na-meet mo na pala ang best friend ko." Tanong ni Marcus sa kapatid niya.

"Yeah, I guess." 

"Sid, this is Adeline. Ad, this is my little sister Sidney, kakagaling niya lang sa States." I knew it!

"Nice meeting you." Inabot ko sa kaniya yung kamay ko pero tiningnan niya lang ito at humarap kay Marcus.

"Can I please take a rest now?" 

Marcus gave me a sorry look at sinamahan yung kapatid niya sa mga accomodation room ng resort.

"Nice to meet you too." I mocked at napaupo nang malalim sa inuupuan ko.

Naisipan ko nalang kanin yung pagkain na nakahanda, at dahil solo ko ito, siyempre inubos ko na.

"Your date ditched you?"

Nagmamadali kong pinunasan yung bibig ko at humarap sa nagsalita. Si Sage lang naman pala.

"Ah, kailangan daw niya magpahinga." Tumango ako at bumalik ulit sa pagkain.

"What about you? Iniwan mo yung lalaki?"

Napatawa naman ito at sumulyap doon sa cottage nila na walang laman na tao.

"Tinakot ko, kaya umuwi na tuloy." Proud na proud niyang sinabi. Muntik ko na mabato sa kaniya yung puto pero sayang yung pagkain.

"Hoy! Grabe ka naman!"

Napatawa lang siya nang malakas habang pinapanood ako kumain.

"Wait, puwede ba itong ginagawa mo? 'Di ba kung sino lang yung nahanap mo, kayo lang dapat ang-"

"Shh." 

I felt goosebumps nung biglang dumampi yung daliri niya sa bibig ko. 

"Thought that would stop you from talking." She smirked playfully at ninakaw yung natirang pagkain na nasa plato.

This girl...

Affection (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon