Chp. 18: Caught

143 6 0
                                        

Alright, inaamin ko na, si Sidney yung unang crush ko. I think the reason why I never told her about it is because yung time na dapat aamin na ako sa kaniya ay yung time na umalis na siya ng Pilipinas para lumipat sa Canada. Hindi ko na ulit siya nakita pagkatapos ng araw na iyon.

Siyempre, hindi 'yon alam ni Marcus dahil hindi ko ipinapahalata sa kahit sino. Nang mabalitaan ko na matagal siyang magstastay doon, I experienced my first heartbreak. Ganon ako kadaling ma-attach sa isang tao rati.

The next school year, I decided to quit the football team and I also stepped down from the position of being the team captain. Wala na akong ibang kaibigan doon kundi si Sidney lang, kaya nung umalis siya ay tila ako nalang ang mag-isang naglalaro sa field.

Kahit magkaklase na kami noon ni Marcus, hindi pa kami gaanong magka-close. Pero nung tumungtong kami sa high school ay naging magkaklase ulit kami. Naging kaibigan na rin namin noon sila Tina at Andy, habang sina Jess and Janelle naman ay nung senior high.

Hanggang sa nasanay na ako sa mga bago kong kaibigan, unti-unti na ako naka-move on at bumalik ulit sa pagiging ako. Pero the whole time I was living my existence, hindi ko mapigilang makaramdam na parang may kulang sa akin.

What made it even more sad is that kahit nandito na ngayon si Sidney, never naming pinagusapan yung dahilan kung bakit hindi na ulit kami nag-usap at nagkita. Maybe setting everything from the past aside will be the best option to maintain the friendship we have right now.

Laking ginhawa ko nung malaman ko kahapon na hindi ako pinuntahan ni Sage sa bahay, pero ngayong panibagong araw na naman sa school, makikita ko na naman siya. Hindi niya ba ma-gets na hindi na ako interasado na makipagusap sa kaniya? I mean, hindi na nga ako nagrereply sa mga messages niya eh. Being a third-party is not my thing.

"Nandiyan na ata si Marcus, anak."

Tumingin ako sa labas at nakita ang masayang mukha ni Marcus habang kumakaway.

"Late na tayo sa exam!"

"Anong exam?" Tanong ni mama. Hay nako, Marcus.

"Walang exam ngayon, ma. Tawagin ko na ba si June?" 

Itong kapatid ko ang bata pa pero nakapunta na sa boracay for one week! Samantalang noong nasa edad niya ako simpleng pagpunta lang sa mall kasama sina Marcus ay hindi ako pinapayagan ni mama kasi bata pa raw ako.

"Hindi siguro makakapasok kapatid mo, pagod pa yata eh." 

Mukhang nag-enjoy sila sa birthday ng classmate niya ah.

"Sige, ma. Una na ako." Nagpaalam na ako kay mama at sumakay sa likod ng sasakyan ni Marcus.

"Naniwala na ba si Tita na may exam?"

"Nope, hindi siya madaling mauto." 

Narinig kong gumawa ito ng maliliit na ingay at nagpatuloy na sa pag-drive. Napunta naman ang tingin ko sa katabi niyang upuan at napansin na wala yung taong usual na nakaupo roon.

"Asan pala yung kapatid mo?"

"Bakit? Miss mo na agad?"

Pinalo ko ito sa balikat at tiningnan nang seryoso.

"May aasikasuhin daw eh. Ay oo nga pala!" Tinuro ni Marcus yung nasa likod ko habang nakaharap pa rin sa daanan.

"May ipinabibigay pala siya sa'yo, nandiyan lang sa likod." 

Pinunta agad ng mga kamay ko yung tinuturo ni Marcus at nakita kong may cooler. "Ano 'to?"

"Buksan mo nalang." 

Binuksan ko naman yung cooler at nakitang may paper bag sa loob. Kinuha ko ito at sinara yung cooler bago bumalik ulit sa upuan ko.

"Siya naghanda niyan, akalain mo 'yon ang aga gumising." Natatawa niyang sinabi.

Sinilip ko yung laman ng paper bag. "Pagkain?"

"Duh!"

Kinuha ko yung tatlong layer ng container at habang iniikot ko ito sa harap ko ay napansin ko na may nakadikit na maliit na note sa bandang gitna.

"Can't go to school today :p Will make it up to you! Enjoy your lunch <3"

Awtomatiko akong napangiti at nagtagal lang ang mga mata ko sa note.

"Kailan mo na ba kasi siya sasagutin-"

"FOCUS ON THE FREAKING ROAD!" Nataranta ako nang makitang hindi na pala nakatingin si Marcus sa daanan.

"Shit." 

Buti nalang hindi na niya inulit yung tinanong niya. Teka, bakit ba may ganitong nalalaman si Marcus? 

"We're here!" Masigla nitong sinabi at binuksan yung pintuan sa side niya. Lumabas na rin ako dala-dala yung lunch na inihanda ni Sidney. 

"Ads!" 

Puwede ba bumalik ulit sa kotse? Lupa, luwain mo nalang ako.

"Adeline!"

Nakita kong umikot ang mga mata ni Marcus at sabay naming hinarap si Sage na tila tumakbo ng marathon.

"Look-"

"No, LOOK, ayaw na ni Adeline makipagusap sa iyo and that's it. Now, if you'll excuse us, may exam pa kami." Tinarayan ulit ni Marcus ang malungkot na Sage at hinablot ang mga kamay ko.

"Omg, nakita mo 'yon? Bakit hindi siya makapagsalita?" Natatawang bulong ni Marcus sa akin.

Nakatingin lang siya sa amin kanina at halos hindi makagalaw sa kinatatayuan niya. Did she finally get it? I hope so.

Nakarating na kami sa classroom at sinalubong nina Jess. "Huy, alam mo ba? Kanina ka pa hinahanap sa amin ni Sage na parang baliw. Hindi siya mapakali!"

"Kaya nga eh, alam mo ba yung ginawa namin?" 

Napatingin ako sa kanila at umiling.

"Sinabi namin na masaya ka na sa iba!" 

WHAT?! Nag-apir pa silang lahat. 

"Anong pangalan naman yung sinabi niyo? Baka mapahamak pa yung tao." Inosente kong tinanong. Napatingin ako kay Marcus at nakangiti ito na parang may binabalak.

"Siyempre hindi namin sinabi kung sino."

Gumaan ang pakiramdam ko at tumango nalang pero hindi pa pala tapos magsalita si Jess.

"Pero alam na namin kung sino." 

Affection (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon