Chp. 30: Graduation Day

361 7 0
                                    

Sidney's POV:

Everything has been going smoothly. Mahigit isang month na kami ni Adeline and luckily, we stayed strong together.

It's their graduation day today, while mine will be next year. Todo ang paghahanda nilang magkakaibigan habang ako ay taga-comment at sumusunod lang sa kanila.

When it's finally time para sunduin sila Adeline, I made sure to bring the present I prepared for her. Siyempre, habang nag-shoshopping sila kahapon ay gumawa ako ng excuse para makabili nito.

No, it's not jewelry. I got her this mini garden inside a box-like glass frame kasi alam kong mahilig siya sa flowers. Sinubukan pa nga niya itago yung mga collection niya ng bulaklak sa room niya, nahihiya siya kasi puro bulok na raw.

Maigi kong nilapag yung frame sa likod ng sasakyan bago pumunta sa driver's seat. Nagsimula na akong mag-drive and I can feel all my excitedness.

I stopped in front of their house and brought the bouquet I bought earlier. Kumatok ako sa pinto nila at wala pa sa isang segundo ay bumukas na kaagad ito.

"Ma! Nandito na si ate Sidney!" Si June pala. Ngumiti ako sa kaniya at ginulo yung buhok niya. 

"Ay nako, saglit lang Sid ha. Nasa kwarto pa kasi si Adeline eh." 

"Wala pong problema. Kukulitin ko nalang po muna si June." Ngumit ako kay June pero nagkunwari itong galit.

"So, kailan ang kasal?"

"June, wala pa kami sa usapang 'yan."

"Pero, kailan mo gusto?"

I haven't really thought about it. These days, mas pinipili ko nalang i-enjoy ang bawat araw na magkasama kami ni Adeline. "Kapag pareho na kaming may trabaho?"

"So malapit na! Graduate na si ate this year tapos ikaw sa susunod!"

Tumango ako at pinanood ang pagiging energetic niya. Minsan, nagtataka ako kung magkapatid ba talaga itong dalawa. Pero napangiti ako nang maisip ko yung future namin ni Adeline. Pareho kaming may trabaho, married, magkaroon ng pamilya, ng mga anak...

"Uyyyy, huwag masyadong excited ha." Panunukso ni June. Aangal pa sana ako pero nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ay awtomatiko akong napatayo sa inuupuan ko.

"There goes the bride- Aray!" Kapag hindi talaga tumahimik itong bata na ito...

Lumapit ako kay Adeline at binigyan ito ng matamis na ngiti. Inabot ko sa kaniya yung mga bulaklak na tinanggap naman niya at inamoy pa.

"Ako na maglalagay doon, anak." 

Kinuha ni Adeline ang kamay ko at hinila palabas ng bahay.  "I can't believe it!"

"I'm very happy and proud for you, Ads." 

She sweetly looked at me. She rested her hands delicately under my jaw before pulling me in for a kiss. My heart did a full rollercoaster ride before I kissed her back.

"I love you." 

Tila hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. I kept on staring at her like I am questioning my reality. Is this real?

"I love you too." 

Niyakap ulit namin ang bawat isa bago duamting sila June.

"Uyy, nakita ko 'yon! Mas maganda siguro kung sa altar niyo- ATE! SI SIDNEY KANINA PA AKO SINISIKO!"

Ayan kasi.

"Ano ba kasi yung pinagaawayan niyo?" Natatawang sinabi ni Adeline. Tumingin ako kay June at tahimik lang itong nakangiti kay Adeline at pumasok sa loob ng kotse.

Affection (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon