"Sage! Nice seeing you again."
Nahalata kong kunwari lang ang ngiti ni Sidney kay Sage, pero parang hindi ito napansin ni Sage dahil gulat na gulat siyang nakatingin sa amin ni Sidney.
"Sidney...Adeline, h-hey." Naguguluhan niyang sinabi at hindi pa rin inaalis ang tingin sa amin ni Sidney.
"Babe? Ok ka lang?" Tanong ni Alex.
Tumango lang si Sage. Ano na naman ang problema nito?
"Well, napadaan lang talaga kami. Enjoy your date, ladies." May kasabay pang kindat si Alex at hinila si Sage papalayo sa amin. Bakas pa rin ang pagtataka niya sa pagmumukha kaya napatingin ako kay Sidney pero matamlay lang nitong hinahalo yung tunaw niyang ice cream.
"Ang random." Natatawa kong sinabi para gumaan yung paligid namin pero parang wala lang ito kay Sidney.
"Sid? Something wrong?"
Napatingin ito sa akin at huminga nang malalim, tila nagaalinlangan pa ito magsalita.
"Sidney..." Seryoso ko siyang tiningnan.
"U-Um, yeah! Ok lang naman ako." Napaupo ito nang maayos at ngumiti sa akin. Napataas ako ng kilay sa biglaang pagbago ng mukha niya. Something is definetely wrong here.
I cleared my throat at tinabi muna yung ice cream ko, I clasped both my hands at seryoso ulit na tumingin sa kaniya.
"Sidney, you can tell me everything." Mabait at mahinahon kong sinabi. Tumingin naman ito ulit sa akin at umiling.
"Is it something personal? Kung personal, I truly understand."
"It's not personal." Tinabi niya na rin yung ice cream niya at ginaya yung upo ko.
"Then what is it? Hindi ko yata kayang makita ka na ganiyan buong araw." Mahinahon kong sinabi.
"Adeline..."
Bigla akong kinabahan sa pagkasabi pa lang niya ng pangalan ko. Pinakalma ko ang sarili ko at sinenyasan siya na ituloy yung sinasabi niya. I hope this is not what I think it will be, it's too early.
"I know na may crush sa akin noon."
Wait...what?
"H-Ha?" I internally slapped myself sa sinabi ko. Really? 'Ha?' talaga?
"I knew na may crush sa akin noong elementary...which is the reason why kung bakit agad akong pumayag to fly across the country."
Napahinga ako nang malalim sa sinabi niya. I mean, may feeling na ako noon na baka ayon yung dahilan, na baka gusto niyang mapalayo sa akin.
"Why?" Isang salita nalang ang nasabi ko at diretso lang ang tingin sa kaniya.
The friendship we lost...dahil lang napansin niya na may crush ako sa kaniya? Bahagya akong nalungkot sa rason niya, yung rason na matagal ko nang inaantay...
"Hindi ko pa kilala ang sarili ko noon, Ads. I was scared until I couldn't handle it anymore. Please, will you forgive me?"
The heartbreak she left me behind, the reason kung bakit naging closed off ako sa ibang tao...Wala na akong masabi sa kaniya, I need to get out of here. Tumayo ako sa upuan at lumakad palabas ng shop. Shit, this is really happening.
And here I was, akala ko dahil about sa family matters, ako lang pala ang dahilan.
"Adeline!" Nang mapansin ko na sinusundan na ako nito ay binilisan ko ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa labas ng mall.
"Adeline! Please listen to me!"
Kahit ano pang pagmamakaawa niya ay hindi ako tinatablan.
"You could have said it to me earlier." I sarcastically laughed at hinarap siya.
"I know..." Tipid niyang sagot.
"Unbelievable!" Maglalakad na sana ulit ako nang hawakan niya ang braso ko. I suddenly remember what Sage did to me in that parking lot.
"Adeline, I didn't realize it before...but during my stay, I finally knew it."
"I like you, I always have."
Nawala bigla ang lakas ko na humiwalay mula sa paghawak niya at dahan-dahan na lumingon sa kaniya. Did I hear that right?
Alam kong may mga taong tinitingnan na kami rito sa parking lot pero wala akong pake. Ngayon, ang mga sinabi lang ni Sidney ang iniisip ko.
"Adeline? Answer me, please?"
Kinuha nito ang isa ko pang kamay at inilapit sa labi niya. Her audacity! After weeks of lying she had the guts to do...whatever this is?!
Wala talaga akong masabi kaya naisipan kong lumapit sa kaniya na may seryosong mukha.
"Adeline?" Nalilito niyang tanong habang ang mga mata niya ay malambot na nakatitig sa akin.
I closed the distance between us at yumakap nang mahigpit sa kaniya. "Is it worth the wait?"
Alam kong darating din kami sa point na ganito. She'll confess, I will be hurt, she'll do some explaining, and I will listen. At the end of the day, I knew that my heart and mind would only choose her. Matagal na kaya silang nag-aantay for this moment to happen.
"Super worth it." Bulong niya sa akin pabalik. Napahinga ako nang malalim. I think this is the moment where I'll confess too.
Nang makapasok na si Sidney sa loob ng kotse ay tumingin ito sa akin, kabado naman akong napatingin sa labas. "Sidney?"
"Hmm?"
"I like you too." Kahit nakatingin ako sa labas ng kotse ay dama ko ang ngiti ni Sidney.
"I know." Tipid niyang sagot at sinimulan paandarin ang sasakyan.
I guess that's it.
Napabuntong hininga ako at sinandal ulit ang ulo sa salamin. Laking gulat ko nalang nang biglang inabot ni Sidney ang kamay ko na nakapatong sa arm rest at inangat ito papalapit sa labi niya upang halikan.
Yep, I can just die here.
"Ang cute mo talaga." Sabi nito at hinawakan pa rin ang kamay ko habang nagdridrive siya.
"Ang ganda mo talaga, pero what you did is still unfair." Pagmamadiin ko na sinabi.
"I know."
Imbes na ipatong ko ang ulo ko sa bintana, naisipan ko nalang na lumapit kay Sidney at ipatong ang ulo ko sa balikat niya.
This feels so familiar, kaya nakangiti akong nakapikit ang mga mata.
BINABASA MO ANG
Affection (GXG)
RomansaSi Adeline Fabelo, hindi kilala sa kanilang school maliban sa apat na makukulit niyang kaibigan. Nakilala niya si Sage Ortega, isang varsity sa kanilang school at kilala ng halos lahat. Adeline is an introverted student while Sage is extroverted. Th...
