Prologue

1.2K 27 5
                                    

"Balita ko may transferee ah."

"Really? Parang ngayon lang ulit tayo nagkaroon ng bagong classmate."

Iyan ang mga narinig ni Adeline habang siya ay abala sa ginagawa niyang proyekto. Hindi niya magawang maiwasan ang mga pinaguusapan ng dalawang babae na naka upo sa likod niya dahil sa kalakasan ng boses nila.

Isang katok mula sa pintuan ang nakaalis ng atensyon ni Adeline sa proyektong ginagawa niya. Iritado siyang nakatingin sa pintuan, inaabangan ang taong papasok dahil sa katagalan.

Lumapit ang guro nila sa pintuan nang hindi pumasok yung tao. Maliit lang ang bukas ng pinto kaya hindi rin makita ni Adeline kung sino iyon.

"OMG, yung transferee!"

"Sana pogi!"

"Class, please lower your voice." Mahinahong sinabi ng kanilang guro at bumalik sa kausap.

Tumahimik ang buong klase at mas lalong pumukaw ang atensyon ni Adeline sa taong nasa labas ng classroom.

"Class, your new classmate just got here."

Hindi mapigilan ni Adeline na mapaikot ang kaniyang mga mata nang marinig ang tilian ng mga babae sa likod niya. Sa maagang edad pa lang, hindi matukoy ni Adeline kung bakit maraming nagkakagulo sa mga lalaki, kahit kailan ay hindi siya naging interesado o naaapektuhan nito.

"Miss, would you like to introduce yourself?"

Nang makapasok sa loob ng silid ang bago nilang kaklase ay tumigil ang tilian sa likod niya.

Dahil babae ang bago nilang kaklase.

"Ay."

"Bakit babae? Sayang naman."

Bulong ng mga babae sa likod. Malapit na mainis si Adeline pero pinakalma niya ang kaniyang sarili. Kilala si Adeline sa kanilang paaralan bilang tahimik at masipag na bata, kaya hindi nagkaroon ng panahon na nakita nila itong umiyak o magalit.

"H-hey..."

Nagtaka si Adeline dahil hindi sinabi ng babae ang pangalan niya, pero nalutas ang lahat ng iniisip niya nang makita na parang hindi komportable yung bago nilang kaklase. Napukaw ng atensiyon niya ang babae na tila nanginginig sa harap ng klase.

"It's fine, you can take a seat with...Ms. Fabelo."

Awtomatikong napadpad ang tingin ni Adeline sa harap ng klase at saktong nagtagpo ang mata nilang dalawa. Tumango yung babae at naglakad papunta sa tabi ni Adeline.

Tila hindi makagalaw si Adeline at nanatiling nakatingin lamang sa proyekto niyang hindi pa tapos. Tahimik lang na umupo yung katabi niya, kaya nakahinga siya ng maluwag dahil hindi siya katulad ng mga babae na madaldal at mahilig gumawa ng ingay.

Naging ganito ang araw nila madalas, depende nalang kung kailangan nila gumawa ng pangkatang gawain at saka lang sila maguusap.

Sumunod ang ilang araw ay nakita ni Adeline na may bagong sasali sa football team nila. Siya, na team captain, ay maiging tiningnan ang kakayahan ng bagong sali. Napangiti ito hanggang sa natanggap ang bago nilang kalaro.

Ang tahimik na mesa sa kanilang silid noon ay nagkakaroon na ng ingay. Habang nadaragdagan ang kanilang edad ay nadaragdagan din ang tiwala at ang kanilang pagiging magkaibigan.

Madalas na napapapunta rin sa bahay ni Adeline ang bago niyang kaibigan. 

Nagtagal ang kanilang pagkakaibigan, ngunit nagkaroon ng problema si Adeline tungkol sa kanilang relasyon. Hindi niya mapaghiwalay ang dalawang motibo na mayroon siya, kung siya ba ay may pagtingin sa kaniyang kaibigan o wala.

Ngunit, nagbago ang lahat ng ito nang mangyari ang hindi inaasahan ni Adeline...

Pagkapasok niya sa paaralan ay hindi niya maiwasan ang pakiramdam na parang may kakaiba. Hindi siya nakatanggap ng mahigpit na yakap at nakarinig ng pamilyar na boses gaya ng mga natatanggap niya araw-araw.

Pagpasok niya sa kanilang silid, ang mga mata niya ay napunta sa bakanteng upuan. Pinilit niya ang sarili na maniwala na baka may sakit lang ang kaniyang kaibigan.

"Class, I have something to tell you."

Hindi alam ni Adeline kung bakit biglang tumibok nang mabilis ang kaniyang puso.

"One of your classmates decided to transfer schools." 

Nang mapunta ang tingin ng kaniyang guro sa bakanteng upuan na nasa tabi niya ay tila gumuho ang mundo ni Adeline. Nararamdam na niya ang luha na gustong lumabas hanggang sa hindi na niya nakayanan ang lahat. Agad siyang lumabas ng kanilang silid at pumunta sa field area.

Napahinto siya at napaupo sa sahig. Umagos ang luha sa kaniyang mukha. Hindi niya matanggap na wala na sa tabi niya ang kaibigan niya, ang una niyang kaibigan.

Dumaan ang ilang taon at nagpatuloy ang buhay ni Adeline, ngunit may nagbago sa kaniya.

Ang tanging alam niya ngayon ay...


Hindi na ulit niya hahayaang buksan ang kaniyang sarili katulad ng ginawa niya para sa kaniyang kaibigan na iniwan siya na walang pasabi.

Affection (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon